Chapter 24 Ellie Isang beses kaming nagkatinginan ni Iris. My friends were all busy chatting and reminiscing the old habit and memories. Puro tawanan at kantyawan. Naroon pa iyong mga usapan tungkol sa mga dati nilang naging girlfriend at ang mga loko, updated sa balita. Iyong iba ay may asawa at anak, at iyong iba ay umaarangkada sa kani-kanilang karera. Nalulunod ako sa ingay ng kumakanta. They are singing OPM songs. May mga nagre-request din ng kanta. I saw Wesley writing down on a piece of tissue pagkatapos ay ibibigay sa waitress at ipapaabot sa Bokalista. Nag-order pa sila ng beer, kami lang ni Rica ang hindi kumuha. Si Iris ay mayroon ding sariling bote. While Ridge, he’s so quite. Hindi siya nagsasalita at nakikihalubilo kina Wesley, kahit kay Mark. Tahimik lang siyang umiinom