Chapter 25 Ellie “Natitimpi lang naman ako kanina e. Can’t you see, kung paano titigan nang harapan ni Ridge si Ellie, kahit nasa tabi niya si Iris? If I were Wes, I would do the same!” Rica rant inside the car. Mark was on the driver seat, hindi man nagsasalita ng laban kay Ridge ay ramdam ko pa rin ang pagsang-ayon niya sa girlfriend. Nakatitig ako sa labas ng bintana. Damang-dama ko pa rin dito sa dibdib ko ang kaba at takot. Kasalanan ko rin. Ridge and I has a secret. I feel so sorry for hurting Iris. For ditching her. For everything my friends has done. Ginawa lang nila ang hindi ko kayang gawin. Ang umalis sa kanya. Rica continued her rant, at nang nilingon niya ako ay napatingin agad ako sa kanya. “’Wag ka nang bumalik sa kanya, Ellie. He’s a trouble. Akala ko pa naman nag-matu