MILES Kumukuha ako ng kape sa pantry. Napabuntong-hininga ako nang maalala kung anong araw ngayon. Today is September 7. And tomorrow is September 8, our another supposed to be anniversary kung kami pa rin sana hanggang ngayon. Nandito na nga si Nate, kaso hindi naman niya ako maalala. At paano ko ice-celebrate ang anniversary namin kung wala nang kami? More than three years na kaming hiwalay. Muli akong humugot ng isang malalim na buntong-hininga bago pumihit. Pagharap ko, isang nakangiting mukha ni Jared ang bumungad sa 'kin. "Iniisip mo na naman ako. Sinabi ko naman na 'wag mo kong masyadong isipin dahil hindi ako mawawala sa 'yo." I couldn't help but roll my eyes at him. "Feeling ka talaga, Jared Jimenez." Tumawa siya. "Pinapatawa ka lang diyan, eh. Init na naman ng ulo mo." "Ts