NATHAN Alas dos pa lang ng hapon, nandito na kami sa Montes Escholastica University. Mamayang 3:30 pa ang friendly match namin with the new basketball team members ng university na 'to. Ang dami na nga agad tao para manood, eh. Mukhang may nakakakilala pa ring estudyante sa 'min dahil mukhang sila ang mga nasa lower level dati noong nandito pa kami. Umupo na kami sa bleacher at inayos ang mga gamit. Kasama namin ngayon sina Max at Sam. Full support talaga sila pagdating sa kanilang boyfriend. Biglang pumasok sa isip ko si Miles. Sana dumating siya gaya ng sinabi ko sa kanya sa phone. Tsk. Kung bakit naman kasi namatay pa ang phone ko ngayon. Batt empty na kaya hindi ko siya magawang tawagan ngayon. Hindi ko rin dala ang power bank ko. Nag-warm up na ang mga ka-team ko habang nakau