SATFP: Chapter 30

2003 Words
"Ibaba mo ang baril mo!" Napataas ako ng isang kilay. Inuutusan ba ako ng taong 'to? Pinaatras mo na nga ako, now you want to put my gun down? "Huwag mong ibaba, Spent!" sigaw ni fiery priest. I'm not planning too. Siya ang unang magbababa ng baril bago ako. "Kapag hindi mo binaba, ipuputok ko 'to!" "Ay sh*t! Spent, ibaba mo na baril mo!" bawi agad ng paring nasa likod. Napatawa ako sa kanya. Ang gulo rin ng utak nitong ni fiery priest. Ang bilis naman magbago ng isip niya sa sinabi lang ng lalaking kaharap ko. "At tumatawa ka pa?! Nagawa mo talagang tumawa sa sitwasyon?!" This is your fault! Kung hindi ka nagsisisigaw d'yan, hindi ako tatawa sa 'yo! I cleared my throat and stop laughing nang makita ko ulit ang nasa harap ko. Nakatutok pa rin sa 'kin ang baril niya at may nakakunot na noo. Okay, let's be serious this time. Abot kamay ko na ang pumatay kay Father Jacob. Kapag nakawala pa siya ay baka back to zero na namin kami ulit. But I will never let that happen. "Do I need to put my gun down?" I asked the culprit. "Oo! Kaya gawin mo na kung ayaw mong mamatay ng maaga!" I scoffed. Tingin ko parang baliktad. "Eh kung ikaw kaya ang magbaba ng baril? Kung gusto mo pang mabuhay?" "Hoy, hoy! Spent 'di ba sinabi ko sa 'yo na hindi ka pwedeng pumatay?!" And yeah, here he goes again. Napakamot ako sa ulo ko gamit ang baril ko. Stress talagang kasama ang paring 'to. "Baka maiputok mo 'yan sa 'yo, Spent! Iyan pa talaga ang naisip—" "Shut up, fiery priest! Manahimik ka muna sa isang tabi and let me deal with this nang matapos na," saad ko habang nakatingin pa rin sa taong nasa harap ko. Hindi ko alam kung ano'ng tumatakbo sa utak niya at kung binabalak niya bang tumakas. "Sabi ko nga, tatahimik na." Napahawi ako ng buhok ko paitaas at pinakalma ang sarili ko. Sinamaan ko ng tingin ang pumatay kay Father Jacob at pinosisyon ang baril ko. "Why did you kill Father Jacob?" "Wala akong alam sa pinagsasabi mo!" "Sige lang, i-deny mo lang. I have proof anyway." "T*ngina..." Naging malikot ang mga mata niya at tumingin sa likod. I think he's planning to escape. Binigyan ko ng saglit na tingin si Father Josiah at sinenyasan na umikot papuntang harap ng kotse. For back-up dahil mukhang nagbabalak tumakas ang isang 'to. Nakuha naman 'yon ni Father Josiah at agad kumilos. "Who do you think you are to kill a priest?" I asked again, diverting the culprit attention to me. "Wala akong ginawang masama!" "Killing a priest is absolutely wrong!" Napatigil ako saglit at napaisip sa sinabi ko. But... Would it be wrong to kill a person who does illegal things? A criminal? "Sinabi nang hindi nga ako ang pumatay sa kanya! Wala akong kinalaman d'yan!" "Really? Then why are you in this car? This car is the same car who hit Father Jacob." "P*ta! Wala nga akong alam sa pinagbibintang mo sa 'kin! Sino ba kayo?!" Still denying, huh? Kahit na kitang-kita na sa mukha niya na nagsisinungaling siya. "Oy, pre. Bakit sira ang headlight ng kotse mo?" saad ni fiery priest na sumingit sa usapan namin ng culprit. "Ha? Kapapaayos ko lang niya—" Napatigil siya sa pagsasalita at dahan-dahan napatingin sa 'kin. See? Lalabas din sa bibig mo ang katotohanan. Bigla siyang tumakbo at pipigilan sana siya ni Father Josiah nang hampasin siya nito. "Aray! P*cha!" Tumakbo rin ako at mabilis na lumapit kay fiery priest. "Hey, are you okay?!" "Habulin mo muna 'yon!" Walang pasabing iniwan ko siya at tumakbo ulit para habulin ang taong pumatay kay Father Jacob. Sinasabi ko na tatakas 'to! Pero hindi ka makakatakas sa 'kin! "Son of a b*tch! You come back here before I'll kill you!" sigaw ko. "Hindi ako magpapahuli sa inyo! Hindi ako tanga!" "No, you are! You are stupid!" "Stupid your piece of sh*t!" sigaw niya pabalik na balingo pa ang pag-eenglish. "Ano?! Are you really testing me?!" Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko pagkatapos ay hinanda ang baril ko. If I can't catch on his speed, I can make him slow down a bit. Tumigil ako sa pagtakbo nang tumalon siya sa damuhan. Pinosisyon ko ang baril ko at pinuntirya ang hita niya. I pulled the trigger and shot the target. "Ah!" Nang masigurong natamaan ko siya ay tumakbo ulit ako at tumalon sa damuhan. Kita ko kung gaano siya namimilipit sa sakit at pinipilit na tumayo pero hindi niya na kaya. Hawak-hawak niya ang hita niyang may tumatagas na dugo. Nilapitan ko siya ng dahan-dahan. "You can't escape anymore, son of a b*tch." "Buti nga sa 'yo! Hoo! Hiningal ako ro'n!" saad ni Father Josiah habang hinahabol pa ang hininga niya. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Kunot noo akong napatingin sa layo ng kotse sa 'min at sa kinatatayuan namin ngayon. At papaano nakasunod 'to sa 'min ng gano'n kabilis? "Hoy, bakit ang bilis mo naman?" "Nag-training ka—ay ano... Mabilis kasi akong tumakbo kaya gano'n." Pinupunasan niya ang pawis niya habang sinasagot ang tanong ko. Training? Kahit na binawi niya pa ang sinabi niya ay narinig ko na ang sinabi niya no'ng una. Why would a priest trained to run fast? May sinalihan ba siyang track and field noon? "Nababaliw na ba kayo? Huhulihin niyo ako nang walang pruweba na ako nga ang pumatay sa pari?" Napalingon kami ni fiery priest sa taong pumatay kay Father Jacob na nakahiga pa rin sa sahig hanggang ngayon. "Nababaliw ka na rin ba? Hindi mo ba narinig kanina ang sinabi ko na nakita kita sa CCTV footage?! Lumabas ka ng kotse no'n at kuhang-kuha ng itsura mo ngayon ang nando'n sa footage! Ngayon, sabihin mo sa 'kin na hindi nga ikaw 'yon?!" Siniko ko ang paring nanggagalaiti na ngayon. "Kalmahan mo lang, Father Josiah." "Tatanga-tanga kasi eh!" I smirked. Same thought, fiery priest. Basing on his action, he's not a professional criminal. Paano siya nagkaroon ng lakas ng loob na patayin si Father Jacob sa napaka-low class niyang pagkilos? Clumsy and not thinking straight. Lumapit ako sa culprit at kinuha ang baril niyang kukuhain niya pa sana. Too late and too slow. Kinalas ko 'yon at tinapon sa malayo. "You should think of a happy moments happened into your life right now," sabi ko habang kinakalas ang pagkakatali ng longsleeve sa baywang ko. "Hindi na kailangan." "Ikaw rin. Baka pagsisihan mo kapag namatay ka ngayon." "Hindi mo ako mapapatay. Narinig ko ang sinabi niya." I grin. You think so? "Kaya kitang patayin. I can kill you in just a few seconds if he's not around, son of a b*tch," bulong ko. Nang maalis ko ang longsleeve sa baywang ko ay mas lumapit ako sa culprit at pinadapa siya. "Aray, p*tangina!" daing ng culprit sa sugat niya. "You deserve it!" Binatukan ko siya ng malakas bago kinuha naman ang dalawang kamay niya at itinali sa likod niya. Nang matapos kong itali 'yon ay pinaayos ko siya ng upo. "Dahan-dahan naman!" "Puro ka reklamo!" singhal sa kanya ni Father Josiah. "Indeed." Now, let the interrogation begin. But f*ck! The sun is crazy! Naka-sando na nga lang ako, tumatagaktak pa rin ang pawis ko. Idagdag pa na parang nasusunog ang balat ko sa init. "Spent, ano ang gagawin sa kanya?" Hindi ko na pinansin ang init at mas pinagtuonan ng pansin ang sitwasyon namin ngayon. "I'll question him. Just keep quiet." "Copy." Humugot ako ng malalim na hininga at ibinuga 'yon bago magsalita. "Ano'ng atraso sa 'yon ni Father Jacob?" tanong ko habang inuumpisahan na ang voice recording sa cellphone ko. "Wala." "Then why did you kill him?" "Hindi nga ako ang gumawa no'n!" "You better say the truth and quit on playing hard to get." "Ang kulit mo naman eh, wala nga akong kinalaman do'n! Napag-utusan lang ako na ipaayos ang sasakyan 'yon lang!" "Remember what I whispered to you? Kayang-kaya kong paalisin ang kasama ko kaya kung ayaw mong mangyari 'yon, magsabi ka ng totoo." "Sino papaalisin mo? Ako?! Hoy, wala akong pamasahe pauwi at saka hindi kita hahayaan na paalisin ako!" singit bigla ni fiery priest. Malapit ko nang tapalan ng tape 'tong bibig ng paring 'to. Hindi marunong sumunod sa instruction! May pa-copy pang nalalaman 'di naman sinusunod. "Hindi mo pala mapapaalis ang kasama mo eh." Napangiwi ako. This priest punk! Nasira tuloy ang strategy ko! Pero kahit gano'n ay ngumiti ako sa kanya. "It's alright. Kung tinadhana kang mamamatay ngayon, mamamatay ka talaga. Then let the fate have your destiny." Ako pa talaga ang hinamon mo killer of Father Jacob. Tingnan natin kung hindi ka umamin sa gagawin ko. Nilabas ko ang revolver ko at kinuha ang ibang bala ro'n. Nag-iwan lang ako ng isang bala at pinaikot ang cylinder no'n bago ikasa. Sinakto kong itapas sa noo niya ang nguso ng baril. "You have two option, aamin ka o bahala na ang tadhana sa 'yo. I only have one bullet, hindi ko alam kung pang-ilang putok lalabas ang bala. Kaya magdesisyon ka ng maayos." Napapikit siya sa sinabi ko at mariing nag-isip. May humawak sa kamay ko at balak pa atang pigilan ang gagawin ko. "You'll really gonna do this?" tanong niya. Tumango ako. "Trust me. Huwag kang mag-alala dahil susundin ko pa rin ang kondisyon mo." "I don't want you to ki—" "I know, Father Josiah. I know what I'm doing. Keep calm." I smiled to assure him that everything will go as planned. Tumango siya sa 'kin at pumunta ulit sa likod ko. "Nakapagdesisyon na ako." "What is it?" "Oo, ako nga ang bumangga sa pari dahil iniutos sa 'kin 'yon! Inutusan akong patayin siya." Saglit akong napatigil at napaatras dahil sa narinig ko. "Wala akong atraso sa paring 'yon at hindi ko rin siya kilala. Napag-utusan lang talaga ako! Hindi ko gusto ang ginawa ko pero para sa pera ay gagawin ko lahat!" "Napag-utusan ka? Sino'ng nag-utos sa 'yo?" My heart is beating so fast and I don't know why. Father Jacob is a kind priest. Wala akong maalala na may galit sa kanya at kaaway niya simula nang nandito ako. "Hindi ko kilala. Hindi rin nila sinabi kung sino sila. Matapos nilang ibigay ang pera hindi na sila nagpakita at hindi na ako pinrotektahan. Kaya huwag niyo kong patayin, please!" "What the fudge is he saying, Spent?!" tanong ni fiery priest na nagulantang din sa pinagsasabi ng taong pumatay kay Father Jacob. "Did Father Jacob say something to you, fiery priest? Kung may nakaaway ba siya and the likes?" "Nothing. Imposibleng may magalit kay Father dahil hindi nakikipag-away si Father. He's calm and nice." As expected. "Baka pwede niyo na akong dalhin sa hospital, oh. Nauubos na ang dugo ko!" "One more question, ano'ng itsura ng taong nag-utos sa 'yo?" "Proprotektahan niyo ba ako kapag sinabi ko?" "Nasa kulunga—" Agad kong tinakpan ang bibig ni fiery priest at mabilis na tumango sa taong pumatay kay Father. "Yes, we will protect you." "Paano ako makakasigurado na maproprotektahan mo ako?" "Rest assured that you'll be fine and the information you said will be confidential with us. You'll come with us kaya magtiwala ka sa 'min," sabi ko at tinanggal na ang kamay kong nakatakip sa bibig ni Father Josiah. Alam kong binibigyan na ako ngayon ng masamang tingin ng paring 'to pero ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon. Mas mahalaga ngayon ang sasabihin ng taong nasa harapan namin. Tiningnan niya akong maigi bago siya napabuntong hininga. "Hindi ko nakita ang itsura niya dahil madilim at naka-mask siya. Pero lalaki siya at tingin ko mga 5'7 ang tangkad. At isa sa hindi ko malilimutan ay ang tattoo niya. Nasa pulsuhan niya 'yon at rosas 'yon na ahas ang nagsisilbing tangkay no'n. Kulay pula ang rosas at itim naman ang ahas. Maganda ang pagkaka-tattoo no'n kaya tumatak sa 'kin ang itsura." That tattoo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD