SATFP: Chapter 31

1837 Words
"Papakawalan niyo na ba ako?" Hindi ako pwedeng magkamali. That tattoo, I've seen it before. "Spent? Ano na gagawin dito?" Parang katulad sa sinabi niya ang nakita ko sa pulsuhan ng mga taong sumugod sa 'kin noon sa hotel. May grupo kaya? Is it a gang? A mafia group? Who's behind it? Bakit nadamay at pinapatay nila si Father Jacob? "Spent?" Sino ang pinakahabol nila? "Pakawalan niyo na ako! Dalhin niyo ko sa ospital parang-awa niyo na!" "Manahimik ka d'yan! Mag-intay ka!" Ako ba? Ako ba ang habol nila? Ako ba ang pinupuntirya nila? "Spentice?!" I snap back when someone slap my forehead. Malakas na hampas na muntik pa akong matumba. "What?!" I glared at fiery priest dahil sa ginawa niya. Sino nagsabing pwede niya akong hampasin? Sino nagbigay ng pahintulot na basta-basta niya na lang saktan ang noo ko? This fiery priest! "Kanina ka pa kasi tinatawag, para kang tangang ang lalim ng iniisip!" "At bakit kailangan hampasin ang noo ko?!" "Eh kung sumagot ka agad, 'di ko na sana ginawa 'yon! Kasalanan mo 'yon!" "Nanisi ka pa! Kung tinawag mo na lang ako ng maayos o kaya kinalabit ako, mas okay pa 'yon!" "Alam kong hindi tatalab 'yon kaya ang paghampas sa 'yo ang pinakamadaling paraan! Napaka-big deal naman sa 'yo ng paghampas ko sa noo mo!" Kita mo 'tong abnormal na paring 'to! Napakamot ako sa buhok ko at napasipa sa taong nasa harapan ko dahil sa gigil at inis. "T*ngina... aray naman!" daing no'ng pumatay kay Father Jacob. F*ck it! Ano bang meron sa paring 'to at ang hirap kalabanin? Mas mahirap pa kalabanin kaysa sa mga kalaban namin. "Kung mag-aaway kayo sana hindi ako damay 'no?!" Napatingin ako sa nagsalita at tinutok ulit ang baril ko sa kanya. "Eh kung nananahimik ka na lang kasi baka maiputok ko 'to sa 'yo?" "T-Teka lang! Akala ko ba ayos na?! Umamin na ako ah! Wala na akong aaminin pa dahil naamin ko na! Pakawalan niyo na ako!" "Pakawalan ko mukha mo! Sinong pari ang papakawalan ka kahit alam nang nakapatay ka? B*bo ka rin eh," sagot ni Father Josiah na mukhang stress na rin. Mas stress ako sa kanya kaysa sa taong 'to. "Kakasuhan ko kayo kapag naubusan ako ng dugo! Ayaw niyo pa akong dalhin sa ospital!" "Mas mauuna kang makukulong kaysa sa 'min kaya itikom mo 'yang bibig mo," sabat ko at nilabas ang cellphone ko. "Tama! At saka kung sakaling kakasuhan mo kami, siya lang kasi siya naman bumaril sa 'yo. Labas ako ro'n." Napaka-play safe naman nitong ni fiery priest. Nakaturo pa talaga sa 'kin. I rolled my eyes. At nagawa niya pa talagang iligtas ang sarili niya sa ikakaso ng killer na 'to? Akala mo talaga makakasuhan niya kami. Makukulong ka nang bigo na makasuhan kami. Son of a b*tch. Hindi mo makakasuhan at magagawang mapakulong ang anak ng isang mafia boss. Hindi ko na sila pinansin sa pag-uusap nilang kasuhan. Nag-dial ako ng number sa cellphone ko at may tinawagan. [Hi, Spent! Bakit napatawag? Kamusta?] "I need you to come here," utos ko kay Tristan. [Ano? Saan?] "I'll text you the address kung saan. It's urgent." [Kahit busy ako, Spent, basta para sa 'yo ayos lang. Gano'n kita kama—] "Pakibilisan. I'll give you ten minutes to come here. Bye." [Hoy wai—] 'Di ko na pinatapos ang sasabihin niya at pinatay na ang tawag. Binulsa ko ang cellphone ko at gano'n pa rin ang pinag-uusapan ng dalawa. "Pre, papagamot natin 'yang tama ng baril mo basta huwag mo lang akong idamay sa kaso." "Hindi na magbabago desisyon ko!" "Tanga mo! Kung ayaw mo ipagamot eh 'di huwag! Arte ang p*cha." Napangisi ako at binatukan si Father Josiah. Hindi talaga nag-iisip ng matino 'tong paring 'to eh. "Aray naman! Ano'ng meron?!" "Kanina pa kita tinatawag, busy ka kasi sa pakikipag-usap. Madaling paraan ang pagbatok sa 'yo para makuha ang atensyon mo," sabi ko na may mapang-asar na ngiti sa labi. Babawi-bawian lang, fiery priest. "Ni hindi ko nga narinig na tinawag mo ko! Huwag kang magsinungaling sa isang pari!" "Huwag kang naninigaw sa anak ng mafia boss, Father Josiah," mahina kong bulong sa kanya dahil baka marinig nang taong nasa harapan namin. Nakita ko kung paano siya napaatras ng kaunti at naging malikot ang mga mata niya. I smirked. "Just kidding," bawi ko agad. "Walang gamitan ng black card!" sigaw niya naman. Black card? Pwede. Dahil simula sa araw na 'to, panakot ko na 'yon sa 'yo. "Don't worry, panakot lang. At isa pa, huwag kang masyadong matakot sa kaso niyan dahil hindi niya magagawa 'yon." Lumapit siya sa 'kin na parang na-curious sa sinabi ko. "Sure?" Tumango ako. "Wala siyang maikakaso dahil wala siyang ibidensya." "That's good. Ang pangit kasing tingnan kung makukulong ang nag-iisang gwapong pari ng simbahan." I scoffed. What the hell? Napailing ako at hinayaan na lang siyang maglabas ng hangin niya. Napabalik naman ang tingin ko sa taong nasa harapan namin at naka-kunot noong nakatingin sa 'min. Tinaasan ko siya ng kilay na mukhang napansin niya. "Bagay kayo," he said out of the blue. Binigyan ko siya ng malutong na gitnang daliri. "Tao kami. Umiiral na naman katangahan mo. Sampalin ko utak mo eh," saad naman ng isa. "Tao rin naman ako! Kaya ipagamot niyo na ako dahil ramdam kong nauubos na akong dugo ko!" "Manigas ka! Spent! Ano bang gagawin natin dito? Ang init-init!" "Hintayin ang rescue," sagot ko at napatingin sa kabilang kalsada. May nakita ako ro'n na kotseng kulay blue na mabagal ang takbo. I think that's our rescue. "Ano'ng rescue?" "Si Tristan." Kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinawagan si Tristan. [Spent, nasaan ka ba?] Pansin kong napatigil ang sasakyan na 'yon nang sinagot ni Tristan ang tawag. "Kulay blue ba ang sasakyan na dala mo?" I asked for confirmation. [Yup. Where are you?] "Tumingin ka sa kanan mo." Tinaas ko ang kamay ko para makita niya kung nasaan kami. [Oh f*ck! You're so hot, Spentice," he said with his flirty voice. "T*ngina mo. Bilisan mo at pumunta ka na rito. Late na late ka na." I heard him chuckles. [Opo, mahal na prinsesa.] "Should I kill you, Tristan?" [Okay, okay! Joke lang eh! Ito na, pupunta na.] Binaba ko na ang tawag nang mag-umpisa na siyang umandar ulit papunta rito. "Siya ba ang rescue?" Napabalik ang tingin ko kay fiery priest "Yes. Pwede ka nang sumabay sa kanya—" "Bakit siya?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya. "Ano'ng bakit siya?" "I mean, why did you call him? Pwede ka naman tumawag ng ibng rescue. Baka busy pa 'yang prosecutor na 'yan." "He's not busy. And siya lang ang mahihingan ko ng tulong dito dahil siya lang ang kakilala kong mapagkakatiwalaan ko." Seryoso siyang nakatingin lang sa 'kin at nagbikit balikat. "Okay." Madalas talaga kailangan kong sanayin ang sarili ko sa pagka-bipolar at moody ng paring 'to. "I smell jalousy!" saad ng taong pumatay kay Father Jacob na nakangiti pa. Ano raw? At ano'ng meron sa ngIti na 'yan? Lumapit sa kanya si fiery priest at binatukan siya. "Itiklop mo nga 'yang bibig mo," aniya at pumunta sa likod ng killer. Kinalas niya ang longsleeve kong nakatali sa kamay ng killer at pinalitan ng tali. What the—? May dala pala siyang tali hindi man lang nagsasalita. "Sa susunod huwag kang magpapauto sa pera, ha? Sermon ka sa 'kin." Binatukan niya ulit 'yong killer bago tumayo. Double kill ka ngayon. You're so stupid, son of a b*tch. "Ikaw rin..." Nagtaka ako nang lumapit siya sa 'kin dala-dala ang longsleeve ko. "Huwag kang masyadong magpakita ng balat. Baka masermunan din kita," aniya at sinuot hanggang sa leeg ko ang longsleeve ko. Taka man ako sa sinabi niya ay wala sa sariling nasuot ko ng maayos ang longsleeve ko kahit napakainit. F*ck it! What is wrong with me?! "Spent! What happened? Ano'ng meron dito? Sino 'yan?" Napalingon ako sa likod ko at nakita si Tristan na papalapit na sa 'min. I enhaled and exhaled to calm myself. "The killer of Father Jacob," I answered nang makalapit siya sa 'min. "Ano?! Nahuli niyo na?!" "Hindi pa Prosecutor Reyes, hindi pa namin nahuli," sarkastikong saad ni fiery priest. "Ay hindi pa ba? Eh ba't sabi—" "Pakialog nga utak mo baka nawalan ng turnilyo." "Father Josiah naman, tanghaling tapat at kainitan ang init-init ng ulo mo." Inirapan siya ni fiery priest kaya umirap din si Tristan. Napakamot ulit ako sa ulo ko. Dang it. What are these people? Natural dumb? "Okay, listen." Pagkuha ko sa atensyon nila. "Tristan, pakidala nga 'tong taong 'to sa ospital para maipagamot 'yang tama ng baril niya. After that dalhin mo sa office niyo then interrogate him and make him go to jail. Life imprisonment ang gusto ko at 'yon din ang gusto ni Dad. Here is the evidence." Binigay ko sa kanya ang flashdrive na binigay sa 'kin ni fiery priest. "Okay! I'll do my best, Spent." Tinanguan ko lang siya at tinuro ang killer para ilagay na sa kotse niya at maidala na sa prosecution office nila. Humarap naman ako kay fiery priest na sakto naman na napatingin din sa 'kin. "Pwede kang sumabay kay Tristan. Para masermunan mo rin ang killer pagkatapos ng interrogation." "Ayoko. Sa 'yo ako sasabay." Mabilis niyang sagot. "Akala ko sesermunan mo pa siya? Akala ko marami kang sasabihin sa kanya dahil sa ginawa niyang pagpatay kay Father Jacob?" "May pagkakataon pa naman sa susunod. Hindi muna ngayon at basta sa 'yo ako sasabay." I sighed. "Father. Huwag torpe, idol. Walang pari-pari sa ganyan!" saad ng killer na nakatayo na ngayon at inaalalayan ni Tristan. Ano na naman pinagsasabi nito?! "Masasampal ko talaga 'yang utak mo, kaunti na lang!" Ayan! Pinapainit mo na naman ulo ng isang paring mainitin ang ulo. "Dalhin mo na nga 'yan, Tristan. At baka mabaril ko pa kapag hindi ako nakapagpigil. Susunod ako pagkatapos kong ihatid 'to sa simbahan." He giggles. Lumabas na naman 'yang pang-commercial niyang ngipin. "Sige lang, chill. Take your time, Spent" "Salamat, Tristan." "Basta sa 'yo binibining mahal na prinsesa." Itinaas ko ang gitnang daliri ko sa kanya. Napatawa naman siya bago dumiretso nang lumakad papunta sa kotse niya at nakaalalay sa taong pumatay kay Father Jacob. Or should I say, ang taong napag-utusan na patayin si Father. Who the hell is he? Sino ang nag-utos na papatayin ako at si Father Jacob? I'll make sure to have an end of this f*cking curiosity and killing. I'll hunt him down whoever he is who's trying to mess up with me. Inumpisahan niya kaya tatapusin ko. I will not let this slide lalo na't ibang usapan na nang dinamay niya si Father. Ang paring nakilala kong pinakamabait at matulungin. Kabaliktaran sa ugali nitong paring seryosong nakatitig sa 'kin ngayon. "Do you know? You look so beautiful whenever you're serious," aniya na ikinagulat ko. What the hell? Pero mas nagulat ako sa sunod niyang sinabi. "Kung hindi lang siguro ako pari baka ginawa na kitang nobya ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD