[Are you serious? That tattoo?]
"Yes. Do you know what that tattoo is?"
[Of course! Why are you asking, Spent?]
"I think may grupo ang mga taong sumugod sa 'kin sa hotel at ang nag-utos na patayin si Father Jacob."
I heard him scoffed.
[Bullsh*ts.]
He's annoyed. Base sa boses niya alam ko nang naiinis siya dahil sa nangyari sa matalik niyang kaibigan. At alam kong nangangati ang mga kamay niyang patayin kung sino man ang pumatay sa kaibigan niya.
A life for a life.
[Spentice, that tattoo is a mark of the Nassoni Mafia. A low key mafia who's envious to a large and rich mafia groups like us.]
Nassoni Mafia? It's my first time hearing that mafia group.
"An enemy indeed."
[Yes. Kung sila nga ang nasa likod ng pagpatay kay Father Jacob at pagsugod sa 'yo, hindi ako magdadalawang isip na patayin silang lahat. I'm gonna go back to the Phi—]
Ramdan ko ang gigil niya sa bawat salitang binibitawan niya.
"No. You don't need to. I'll hande it, Dad," I stopped him.
Gusto kong ako mismo ang tumapos sa gyerang inumpisahan ng kalaban.
Akala ko papayag siya agad pero hindi. Makulit din talaga 'tong tatay kong isip bata minsan. Naging malambot pa ang pagsasalita niya sa akin ngayon na akala mo'y may malasakit sa anak niya.
[Spent, no. Hindi mo sila kilala and I'm not familiar also with that mafia. I just know their tattoo mark and mafia group name which is such a lame name, yuck. Hindi ko rin kilala sino ang namamahala sa grupo na 'yan. In short, they are anonymous to me. I will handle it, okay? Kaya ko na 'to, focus on the golds.]
I rolled my eyes. Napakaarte talaga ng matandang 'to parang hindi halatang mayabang.
Also, I can do some research and have some information about that mafia too. I can ask my teams to find more about Nassoni Mafia and the likes.
I do have my ways, Dad, kung hindi mo naitatanong.
Napabuntong hininga muna ako bago magsalita ulit.
"Just focus on your mafia, Dad. Kapag nawala ka sa pwesto ay wala ako para mag-take over saglit. I'll deal with it and get to the end of this sh*t."
[Our mafia, my daugter. Ikaw ang susunod na magmamana ng posisyon, remember?]
"Whatever. I'll hunt that Nassoni Mafia down, Dad. Father Jacob will have his peace, I promise. Pagkatapos kong mapatumba kung sino man ang puno't dulo nitong lahat, 'tsaka ko babalikan ang misyon kong mga ginto mo."
Sana hindi na maging matigas ang ulo nitong tatay ko at magtiwala na lang sa 'kin. Ako ang una nilang puntirya at malakas ang kutob ka na kasalanan ko kung bakit nadamay si Father Jacob. Kaya ako rin ang tatapos ng lahat.
He sighed before speaking again and giving his confirmation.
[Alright! Just make sure that you'll be safe no matter what, anak.]
"That's not a problem. Solid plan before any action."
[Good girl. Kill everyone that involved in that mafia. Wala kang papalampasin ni isa.]
I smiled bitterly before nodding. "Copy."
I don't think its easy to kill them.
[Mukhang maling desisyon pa ata na pinapunta kita ng Pilipinas. Naging magulo ang buhay mong magulo na.]
"Your daughter is already used to all the troubles our mafia brought to me. So, it's okay, Dad. I'm fine."
[Okay, good. Just be careful, okay?]
"Always, Dad—"
"Sweet niyo naman ng ka-call mo."
"Oh f*ck! What the hell?!"
Napindot ko bigla ang end call button dahil sa taong bigla na lang sumulpot sa pintuan.
"Minus points ka na naman sa langit, Spent. Sinabi nang huwag kang nagmumura sa harap ng pari."
Pumasok siya ng tuluyan sa loob at pumunta ng kusina.
Napaka-feel at home naman nito. Yes, this is his house. But nandito ako kaya baka gusto niyang magpakita ng kaunting respeto.
Naturingan pang pari, ang layo naman ng ugali niya para sa isang pari.
Sino bang nag-qualified dito para maging pari ang moody na taong 'to?
"At ano na namang problema mo sa 'kin, fiery priest? What are you doing here?" tanong ko at sinundan siya sa kusina.
"Wala naman. Masama na bang paglutuan ang bisita ko?"
Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. Ako ba ang bisitang sinasabi niya?
"Sino'ng bisita?"
"'Yong babaeng maganda na matapang pwede ring astig at may dugong Italian," sagot niya habang lumalapit banda sa 'kin.
Hindi ako umatras dahil hindi naman ako natatakot sa paring 'to. Pero sa hindi malamang dahilan, unti-unting bumibilis ang t***k ng puso ko habang papalapit siya sa 'kin.
"A-Ako ba tinutukoy mo? You don't nee—"
Sh*t!
"Be thankful dahil napakaswerte mo at lulutuan ka ng gwapong pari na 'to," he said inches away right in front of my face.
Kitang-kita ko sa malapitan kung gaano kagwapo ang paring nasa harapan ko ngayon.
Nakangisi at itsurang may binabalak na hindi ko magugustuhan.
That's why complimenting his looks is not a good idea, I guess.
Napalunok ako at napaayos. Hindi ako magpapatalo sa fiery priest na 'to.
Mabilis kong kinuha ang baril ko na na nakaipit palagi sa bewang ko. Tinutok ko 'yon sa tagiliran niya at ngumisi rin.
"Huwag kang magkakamali, fiery priest. Baka makalabit ko ang gatilyo ng baril ko nang wala sa oras," I said still with a grin.
I saw how he was taken a back. Pati na ang pagkawala ng ngisi niya nang maramdaman ang nguso ng baril.
"H-hoy! Walang ganyanan! J-Joke lang ikaw naman! Kinukuha ko lang 'yong apron na nakasabit sa likod mo," aniya habang kabadong lumalayo na sa 'kin at may kinuha nang mabilisan sa likuran ko. "Ito oh! Apron kasi kukunin ko, humaharang ka naman. Ibaba mo na 'yan!"
Titiklop ka rin pala sa katarantaduhan mo eh. Alam mo namang walang epekto sa 'kin 'yang mga ganyanan mo.
Pahamak lang talaga 'yong puso kong basta-basta na lang bumibilis ang t***k.
Ngayon ko lang din nalaman na may natural na pagkalandi ang paring 'to kaya pala habulin ng mga babae.
"'Wag ka kasing gagawa na ikakapahamak mo, fiery priest. Ibang klase ako kalaban."
Binalik ko ulit ang baril ko sa gilid ko. Dumiretso ako sa ref at kumuha ng bottled water.
"Mahirap ka talaga kalabanin, alam ko 'yon. Anak ka ba naman ng mafia boss. Basta ipangako mo na bibigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ni Father Jacob."
This priest...
Kanina lang maloko ngayon seryoso na agad.
Tumango ako sa kanya bilang sagot.
"Oo, nahuli na 'yong bumangga sa kanya pero hindi pa nahuhuli 'yong taong nag-utos na papatayin siya. I want justice for Father Jacob. He's like a father, kuya, and bestfriend to me."
Kita ko naman ngayon ang lungkot sa mga mata niya.
Alam kong mas masakit ang epekto sa kanya sa pagkawala ni Father Jacob. Mas masakit kaysa sa naramdaman ko.
They've been together for I don't know how many years. Mas matagal niyang nakilala si Father Jacob kaysa sa 'kin. Ramdam ko ang sakit at hirap na naramdaman niya nang mawala si Father Jacob.
Kagaya 'yon ng nakikita ko ulit ngayon.
"Then he's gone. Wala na akong pangalawang tatay. Wala na akong pangalawang kuya. Wala na akong tunay na kaibigan. Kasi wala na siya eh, wala na si Father. Wala na 'yong taong nagturo sa 'kin maging pari at binuksan ang isip ko sa Panginoon."
Naibaba ko ang hawak kong bottled water nang mapansin na may tumulong luha sa mga mata niya.
I thought he's fine dahil bumalik na siya sa dating siya.
But no, hindi pa siya okay.
I just realized that people, after the pain, they would moved on, be fine again, back to how they used to be, and continue living their lives even its lacking something. But everytime na naaalala nila 'yong masakit na alaalang hinding-hindi nila makakalimutan... unti-unting bumabalik 'yong lahat ng sakit na naramdaman nila. People are bad at forgetting painful memories. It's stuck in our mind and hearts.
Napatawa siya ng mahina at napapunas sa mata niya.
"What's wrong with me? Bakit ako naiiyak? Magluluto lang ako—"
"Fiery priest..."
I don't know what happened pero naramdaman ko na lang ang sarili kong lumapit sa kanya at yumakap sa leeg niya.
"It's alright, you can cry," dagdag ko.
Natigilan siya saglit dahil sa ginawa ko but he slowly hug me back. And I let him cried silently on my shoulder.
Your fiery priest is a crybaby too. Father Jacob is his weakness.
"I promise. I promise to give justice to Father Jacob's death."
I'll make sure of it. 'Cause I will never let that slide.
PINAHARUROT ko ang sasakyan ko papunta sa prosecution office nila Tristan.
He said it's urgent kaya dali-dali akong umalis ng bahay.
Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari pero para siyang nagpa-panic.
Nang makarating ako ay pinarada ko lang sa tapat ng building ang kotse ko at agad na bumaba.
Umuusok ang loob ng building ng prosecution office nila pero walang apoy o sunog.
Pansin ko rin kung paano magkaliwa't kanan ang lakad ng mga tao at parang nagmamadali. May iba pa na tumatakbo.
"Attention to all units, check the perimeter! Search the area!" Rinig kong sabi ng isang naka-black na pang-bodyguard na uniporme sa walkie talkie radio niya.
What the f*ck is happening here?
Kinuha ko ang cellphone ko at akmang tatawagan na si Tristan nang makita ko siya na papalabas ng building nila.
"Tristan!" Pagkuha ko sa atensyon niya.
Napatingin siya sa 'kin at napatakbo papalapit nang makita ako.
"Spent! 'Langya! Pahamak 'yong bumangga kay Father Jacob!"
"Why? Ano'ng nangyari?!"
"Nakatakas! Pero may biglang sumugod sa 'min at pinausukan ang buong building. Tapos may narinig kaming putok ng baril."
"Nasaan ang killer?" Kinakabahan kong tanong dahil hindi siya pwedeng makawala. Siya ang ibidensiyang pwedeng magturo sa 'min sa mga taong nag-utos sa kanya.
"Hindi pa namin alam. Hinahanap na siya ng bodyguard units namin. Pati na kung sino ang naghagis ng smoke bomb sa loob ng building at nagpaputok ng baril."
Dalawa lang ang hinala ko kung bakit nangyari 'to.
Balak nilang iligtas 'yong killer na inutusan nila o balak nilang patahimikin.
It's either that killer is being protected or he will be silenced.
"Nalaman niyo ba ano'ng pangalan niya?"
"Yes! Buti na lang kamo at na-interrogate namin siya kahapon! Pero sobrang tipid niya kung sumagot dahil hindi niya raw maalala masyado ang detalye."
"Good. Update me later about it. Saan siya huling nagpunta?"
Kinuha ko ang baril ko at hinanda.
"Got no idea dahil nasa office ako. Ang huling tanda ko ay nasa interrogation room ata siya dahil ii-interrogate namin siya ulit."
Interrogation room, then.
"Let's go," yaya ko kay Tristan at mag-uumpisa na sana kaming maglakad papasok nang biglang tumunog ang walkie talkie radio nang kadadaan lang na bodyguard sa harapan namin
[Nahanap na namin sir 'yong lalaking bumangga ng pari! Nasa likod ng building, cleaning area!]
Nagkatinginan kami ni Tristan bago nag-umpisang tumakbo sa lugar kung saan natagpuan ang killer. Pinauna ko siyang tumakbo dahil hindi ko alam kung saan ang cleaning area nila.
"Nasaan na 'yong killer?!" hinihingal na tanong ni Tristan nang makarating kami sa lugar kung saan natagpuan ang killer ni Father Jacob.
Mabuti na lang at hindi pa siya nakatakas—
"Patay na sir! Hindi na tumitibok ang puso niya. Nandito po."
Natigilan ako sa sinabi ng bodyguard nila at napatingin sa taong tinuro niya na nakahilata, duguan, at sumisirit ang dugo sa ulo
"F*cking sh*t?!" mura ni Tristan nang makita rin ang nangyari.
This is not good.
They silenced him!