Napahawi ako ng buhok ko paitaas sa inis habang inililigpit ang bangkay ng taong pumatay kay Father Jacob.
F*ck. Kahit maliit at hindi masyadong kilala ang grupo ng Nassoni Mafia ay may galawan pa ring silang pang-mafia.
Low key but trained.
"Spent. Pa'no na? Back to zero ka na ba ulit?"
Back to zero?
Naikwento ko nga pala kay Tristan kahapon ang mga plano ko sa paghahanap sa taong nag-utos na patayin si Father Jacob.
Umiling ako sa tanong niya.
Hindi ako back to zero dahil may lead na ako kung sino ang nasa likod ng lahat.
The Nassoni Mafia.
"'Di nga? May back-up plan ka ba d'yan?"
I crossed my arms and raised one eyebrow to Tristan. "Tingin mo sa 'kin hindi handa? Mautak 'to, mas mautak pa sa 'yo."
Sumibangot siya sa naging sagot ko.
"Yes or No lang ang isasagot, kailangan may painsulto pa? Pasalamat ka gusto kita..."
"What?" tanong ko na may pananakot na tono.
"Gusto kita as a friend kasi 'yon, Spent. Huwag masyadong overthinker," bawi niya na inirapan ko lang.
Minsan talaga mga banat nito wala sa oras eh.
We are in the middle of a crime scene for his information.
Nag-umpisa naman ngayon mag-imbestiga ang forensic unit sa nangyari. Iaasa ko na sa kanila 'yan at manghihingi na lang ng balita.
Mas kailangan ko ngayon malaman ang lahat-lahat ng tungkol sa Nassoni Mafia.
"Hey, where is the recording of the interrogation?"
"Bakit?"
"Lutang ka ba, Tristan? Of course I need to watch it. Maybe it can give some lead also."
"What I mean is, bakit kailangan pa 'yon kung willing naman akong sabihin sa 'yo ang lahat?"
I rolled my eyes again. Humugot din ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili kong nanggigigil na.
"Alright. Tell me, then," suko ko.
Ngumiti naman siya ng malawak na parang nag-sho-shooting ng pang-commercial na brand ng toothpaste.
"This way, binibini." Tinuro niya pa ang daan papunta sa hindi ko alam kung saan kami mag-uusap.
Probably sa office niya siguro.
Habang naglalakad kami ay naisipan kong ipaalam kay Father Josiah ang nangyari sa taong pumatay kay Father Jacob. Alam kong magugulat siya sa nangyari lalo na't hindi niya pa ito nasesermunan.
Sinabi ko na kasi sa kanya na gawin niya na 'yon kahapon kaso ayaw niya.
Nang mai-message ko siya ay itatago ko na sana ulit ang cellphone ko nang tumunog 'yon.
And the caller ID says it's the fiery priest.
Sinagot ko 'yon habang patuloy na nakasunod kay Tristan.
"Spent, what if—"
Itinaas ko ang hintuturo ko para patigilan muna ang sasabihin ni Tristan.
[Ano'ng nangyari?!] gulat na tanong ni Father Josiah.
"Kung sino ang nag-utos sa kanya, sigurado akong sila nagpapatay. They silenced him on purpose."
[Eh pa'no nangyari 'yon kung nasa loob naman siya ng prosecution office nila Prosecutor Reyes?! Pinabayaan ba nila?!]
"No, they didn't. Sinugod sila nang hindi sila handa. It's not their fault, fiery priest—"
Napaputol ang sasabihin ko nang may biglang kumuha ng cellphone ko.
Ni-loud speaker niya 'yon bago magsalita.
"Hoy, Father Josiah, hindi naman namin in-expect na mangyayari 'tong ganito sa office namin. At napabayaan namin 'yong killer but don't worry dahil nakakuha naman kami ng inpormasyon tungkol sa kanya. Okay?"
Tapang mo naman ngayon, Tristan. Baka mamaya tumiklop ka kapag nakaharap mo si Father Josiah.
Ang paring may pagka-hot temper at moody.
[Bakit ikaw ang nagsasalita?! Hindi naman ikaw ang kausap ko, si Spent ang kausap ko. Satsat ka nang satsat.]
Ayan na nga ba sinasabi ko.
"Sinasabi ko lang para mabilis. To sum it up, patay na ang taong pumatay kay Father Jacob at iniimbestigahan na kung sino ang pumatay sa kanya. Just wait for the news and we'll update you. Thank you, Father Josiah. Bye!"
Agad niyang pinatay ang tawat at binato sa 'kin ang cellphone ko.
"D*mn you!" mura ko nang muntikan ko nang hindi masalo ang cellphone ko dahil sa pagbato niya.
"Huwag mo na nga munang kinakausap 'yang paring 'yan ngayong araw. Panira sa bebe time."
Mabilis na lumipad sa ere ang kamay ko at napa-landing sa ulo niya.
"Ah!" daing niya at napahawak sa binatukan ko.
"Oh sh*t sorry, nagkamali ng landing," saad ko habang manghang tumitingin sa kamay ko.
Seryoso ang mukha niya no'ng una pero napalitan 'yon ng ngiti.
What the f*ck? At talagang natutuwa pa siyang nabatukan ko siya?
"Ikaw, Spentice, huwag mo kong pinapangiti sa kakyutan mo ah."
Binaba ko ang kamay ko at napangisi. "Ikaw, Tristan, huwag mo kong iniinis. Baka mawala future mo nang wala sa oras."
Napaubo siya sa sinabi ko. "Dito tayo mag-uusap, Spent. Let's go," aniya bago nagsimulang maglakad ng mabilis papasok ng building.
Napailing na lang ako at sumunod na sa kanya.
Nawala na ang usok sa loob ng building. Mukhang wala namang nagulo sa loob bukod sa interrogation room nila na may mga forensic unit din na nag-iimbestiga.
Lumagpas kami sa interrogation room at umakyat sa second floor. At pumasok sa isang kwarto na opisina ni Tristan.
May nakalagay kasi na pangalan niya sa name plate na nakalagay sa lamesa.
Umupo ako sa sofa niya pagkapasok at inikot ang paningin sa paligid.
Simple lang ang office niya na may pagka-touch ng white at dark brown. May whiteboard sa gilid, may mini pantry, bookshelves, this couch set, at ang working desk niya na punong-puno ng mga papel.
"Nandito 'yong recording ng interrogation kung gusto mong ulitin ang panonood."
May binigay siyang flashdrive na tinanggap ko naman at nilagay sa bulsa. Dumiretso naman siya sa whiteboard niya at inayos.
"Let's start. His name is Benny Madalura, 47 years old, may asawa at dalawang anak na nakatira sa Isabela ngayon." Umpisa niya at may dinikit na litrato sa whiteboard at sinulat ang pangalan.
"Napag-utusan na patayin si Father Jacob. At ang nag-utos? Hindi niya alam kung sino pero may ta—"
"Skip to that part. Alam ko na 'yan," putol ko.
Napakamot siya sa ulo niya bago nagpatulog ulit. "Okay 'yon na nga. Hindi niya alam kung pa'no siya nahanap ng mga ito at pa'no nalaman ang criminal records niya. He's a drug pusher at nakapatay ng dalawang pulis dahilan para makulong siya. Kakalaya niya pa lang sa kulungan last two months pero nag-commit na agad ng another crime. Angas 'di ba?"
"What else?"
May ginuhit siya sa whiteboard na nakakonekta kay Benny at nakaturo sa ginuguhit niyang tattoo ng Nassoni Mafia.
"This tattoo is the main lead. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa tattoo na 'to pero parang ito ang makakapagturo sa 'tin sa kung sino ang nag-utos sa kanya."
Humikab ako dahil sa nakaka-boring na eksplanasyon ni Tristan. Basic information lang pala nalaman niya.
"That tattoo is the tattoo mark of Nassoni Mafia. Hindi ko pa sila kilala because they're unknown to me. And I'll start my investigation later with my team. Wala bang bago na nalaman sa taong 'yan?"
"Wala na! Alam mo na pala eh, pina-explain mo pa ako ng summary ng interrogation. Mas advance pa pala nalaman mo kaysa sa 'min."
"Ang bagal niyo kasi. Anyways, saan sila nag-meet ng taong nag-utos sa kanya? Nalaman mo ba?"
Masaya siyang tumango dahil mukhang may maiaambag na siya.
"Yes, sa Fantasia Club sa Magati City. Do'n siya pumunta kagaya ng nakalagay sa message sa kanya at inalukan siya ng malaking halaga ng pera. Nandyan na rin sa flashdrive ang call records at mga messages niya."
"Mga ano'ng oras nag-meet up?"
"Hindi niya raw tanda ang oras pero mga ala sais hanggang ala syete raw ata. And sa VIP room daw sila nag-usap ng taong nag-utos sa kanya. Hindi niya makita masyado ang mukha dahil naka-facemask at medyo madilim ang ilaw sa VIP room na kinalalagyan nila."
Tumango ako habang malalim na iniisip kung ano ba talaga ang intensyon ng taong nasa likod ng pagpatay kay Father Jacob.
"Good information, Tristan."
I can investigate and find more leads sa taong nag-utos ng pagpatay kapag napuntahan ko na ang lugar na 'yon. Habang hinihintay ang team ko na maghanap ng ibang impormasyon at koneksyon din ng Nassoni Mafia.
"Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit kailangan patayin nila si Father Jacob. Ano'ng atraso niya sa kanila?"
That's my question too.
"I don't know. Father Jacob is such a good priest. Imposibleng may nakaaway siya or what. Unless nalaman nila na may koneksyon siya kay Dad o sa 'kin."
Napaupo bigla si Tristan sa couch na nasa harapan ko.
"Spent, pa'no kung gano'n nga? Na kayo ng Dad niyo ang habol nila since they are a mafia too. Para matalo kayo lalo na't your mafia is considered as the largest mafia. They take a risk na patayin ang mga taong malapit sa inyo para mapabagsak nila kayo."
Napatigil ako saglit sa sinabi niya. It's possible dahil pansin kong ilang beses na rin may sumugod sa 'kin na parang may nagmamanman sa paligid ko kung nasa'n ba ako. Malamang sa malamang ay nalaman din kung saan ang palagi kong pinupuntahan at sino ang mga nakakausap ko.
He has a point.
But does it mean na delikado na rin ang buhay ni Father Josiah? As well as Renz na mga nakakausap at natulungan ko?
If the enemy really observing me from afar, they will know kung sino-sino ang mga nakakasalamuha ko. Posibleng nasa panganib ang buhay nila kung patuloy akong nasa tabi nila Father Josiah at Renz.
I inhaled and exhaled some air.
"Okay, Tristan, thank you for all tbe information and effort. I think it's time for me to say goodbye from going here in a rush moment. Update me about the result of the investigation. Thank you again."
Posible ring manganib si Tristan.
I should distance myself to them kung totoo nga na ako at si Dad ang habol ng Nassoni Mafia. Kung plano nga nila na mapabagsak kami.
Ayoko nang may madamay pang iba bago ko pa magantihan 'yang Nassoni Mafia.
Tumayo na ako at tumayo rin siya.
"Teka lang, Spent. Ano na munang plano mo?"
I smiled at him. "Investigate first—"
"Sama ako! Gusto kong tumulong sa—"
"No. I will investigate and find information without a help from anyone aside from my team."
"I am with your mafia too. Member din ako at under niyo 'tong prosecution office namin."
"Tristan, hindi kita pwedeng isama dahil madadamay ka rin kung posibleng tama ang hinala mo. Just focus on your load of case." Sabay turo ko sa mga tumbok ng papel sa itaas at baba ng lamesa niya.
"I'll get going. Walang aangal, just update me about the result of the forensic unit investigation."
"Spent naman!"
Ang kulit din talaga ng isang 'to.
"Isa pa, sasapakin kita," pagbabanta ko.
Para naman siyang aso ngayon na sumibangot at tumahimik sa gilid sa itsura niya ngayon.
Napailing ako bago tuluyang lumabas ng office niya.
My plan is to investigate first as well as find some information about the Nassoni Mafia before taking any action.
Ako mag-isa ang kikilos sa paghihiganti pagkatapos malaman kung ano ba talaga 'yang Nassoni Mafia. Starting from their connections, business, members, the upper hands, and the boss.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isa sa mga leader ng teams ko.
[Sì, signora? (Yes, Madam?)]
"Si prega di indagare sulla mafia Nassoni. Segnalami tutte le informazioni che avrai raccolto. Grazie. (Please do investigate about the Nassoni Mafia. Report all the information that you'll gathered to me. Thanks.)"