"Nessun aggiornamento? (Any update?)"
[Signora, Nassoni Mafia è un gruppo molto anonimo. Non riusciamo a trovare alcuna pista per quanto riguarda il loro sopravvento e il capo. Ma abbiamo trovato alcune informazioni di base su di loro, le loro connessioni e le loro attività. Il team dell'hacker ha già inviato il loro riepilogo nella tua e-mail. (Madam, Nassoni Mafia is very anonymous group. We can't find any leads regarding their upperhands as well as the boss. But we do found some basic information about them, their connections, and businesses. The hacker's team already sent the summary of them in your email.)]
Napangiti ako sa narinig ko.
"Buon lavoro, squadra. (Good work, team.)"
[La aggiorneremo di nuovo, signora, una volta che avremo trovato indizi e prove sul loro vantaggio e sul capo. (We will update you again, Madam, once we found leads and evidences about their upper hands and the boss.)]
"Bene. Grazie. (Alright. Thanks.)"
[Benvenuta, signora. (Welcome, Madam.)]
Binaba ko na ang tawag at agad na nagtungo sa lamesa kung nasaan ang laptop ko.
Binuksan ko 'yon at tiningnan ang email ko. I opened the email sent by my team and downloaded the file that contains the connections and businesses of Nassoni Mafia.
"As usual business of a mafia group," saad ko sa sarili nang makita kung ano ang pinaggagawa nila sa mundo.
Tiningnan ko rin ang mga connections ng Nassoni Mafia.
Napangiti ako dahil sa ginawa ng team ko. They are really into detail. Nakuha nila ang mga pangalan at kung ano'ng business ng mga connection ng Nassoni Mafia.
This information will help me big time. It's for my revenge for what they did. At sigurado na akong sila ang nasa likod ng lahat ng ito.
Ang Nassoni Mafia ang puno't dulo ng lahat. Simula sa pagsugod sa 'kin ng mga tauhan nila sa hotel, ang pag-utos na patayin si Father Jacob, at ang pagpatay para patahimikin ang inutusan nila na si Benny Madalura.
Wala pa akong balita sa nangyaring imbestigasyon ng forensic unit dahil wala pa namang binabalita sa 'kin si Tristan.
I will surely get my revenge for everything that Nassoni Mafia did. They start the war between us, I got no choice but to fight and hunt.
Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isipan ko at bigla na lang na-excite at napangisi.
My mafia blood is starting to rise again, I guess.
Pinatay ko na ang laptop ko at tumayo na sa pagkakaupo.
I have my plans today. It's to check the Fantasia Club in Magati City from where the two culprits meet up.
Kinuha ko ang leather jacket ko pati na ang susi ng motor ko. I'll start my own investigation on the said club before proceeding to Nassoni Mafia connections and businesses.
Isa-isa kong papatumbahin lahat ng 'yon. Hanggang sa mamulubi ang grupo nila at magmakaawa sa 'kin but I'll give no mercy.
Lumabas na ako ng bahay at bumaba na.
Dumiretso ako sa motor ko at akmang ii-start na 'yon nang may biglang nagsalita sa gilid ko.
"Saan ka pupunta?"
Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Father Josiah na nagkakape at nakaupo sa tapat ng pintuan niya.
Mag-aalas nuebe na, wala ba siyang misa?
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko rin na mukhang mali ata dahil sinagot na naman ako ng paring 'to ng obvious na sagot.
"Malamang, bahay ko 'to eh."
See? Then let me rephrase it.
"Okay, bakit nandito ka pa? Bakit wala ka pa sa simbahan? Wala kang misa?"
"Kasi nagkakape pa ako. Wala akong balak pumunta ng simbahan ngayon dahil day off ko. At dahil nga day off ko ay wala akong misa. Happy?"
Oo na lang, fiery priest. Isa-isa mo talagang sinagot ang mga tanong ko. Nakakamangha ka talagang pari ka, sarap mong itapon sa underground.
But it's just a joke. Alam kong minus points na naman ako sa kanya kapag narinig niya 'tong pinagsasabi ko.
Lalo na siguro kay Father Jacob pero alam kong naiintindihan niya ako dahil alam niya rin ang ugali ng paring kaharap ko ngayon.
Father Jacob, sana po ay hindi niyo pabayaan si fiery priest at patuloy siyang gabayan sa buhay niya.
Si Father Jacob lang ang nirerespeto ko nang buo na nakilala kong pari. Samantalang kay fiery priest, one fourth siguro ang respeto ko sa kanya.
"Sa sagot mo ba? Maybe?"
Inirapan niya ako bago humigop sa kape niya.
Okay, tapos na ang usapan.
Isusuot ko na sana ang helmet ko kasi akala ko ay wala na siyang sasabihin pero meron pa pala.
"Now, answer my question. Saan ka pupunta?"
"Sa simbahan," sagot kong basta na lang lumabas sa bibig ko.
What the hell am I saying?
Kumunot ang noo niya sa sinagot ko.
Now, let me think and ready my excuses about it.
"Ano'ng gagawin mo ro'n?"
"Malamang magsisimba, fiery priest."
"That's very unusual of yours. Kailan ka pa nagsimba simula nang pumunta ka rito?"
Sa bagay, may punto ka naman. Hindi nga pala ako nagsisimba.
Pero hindi magiging dahilan 'yon para maubusan ako ng irarason.
"Hindi ba pwedeng kasi ngayon lang ako nakahanap ng oras para magsimba? Remember that you're a priest, Father Josiah. And a priest will never be a judgemental person. I need to go dahil baka mahuli pa ako sa misa. Enjoy your coffee!"
"Tatakas ka—"
Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin niya at ini-start ko na ang motor ko na agad kong pinaandar palabas. Kailangan ko nang umalis dahil baka magtanong nang magtanong pa siya tapos maisipan pang sumama.
"Isuot mo 'yong helmet mo, tanga! Mahuli ka d'yan!" Pahabol niyanb sigaw.
Saglit akong tumigil at madaliang nagsuot ng helmet bago umandar ulit.
Mahirap na at baka habulin niya ako at pigilan.
Hindi pwedeng hindi matuloy ang agenda ko ngayon sa Fantasia Club. Mabuti na lang at medyo malapit lang dito ang Magati City sa Sta. Lazero kaya marami pa akong oras para mag-imbestiga.
Mabilis ang takbo ko habang sinusunduan ang way ng nasa digital map ko sa phone.
I am not familiar yet in this society kaya kailangan ko ng mapa para hindi ako maligaw.
Itinigil ko sa tapat ng club ang motor ko nang makarating ako sa nasabing lugar. Sarado pa sila pero kita kong may mga tao na sa loob na mga staff ng club.
Just a few questions then we're alright depends if they'll cooperate.
Tinanggal ko ang helmet ko at bumaba sa motor.
Pumunta ako sa tapat ng club at nag-obserba.
Maliit tingnan sa labas pero mukhang malaki at spacious sa loob.
It has full millenial vibes. Probably dahil pang-millenial ata 'tong club na 'to basing on their new era designs. I think they only accept costumers age between 18-30 years old.
May dalawang CCTV camera sa gilid. Isang nakatutok sa entrance at isang nakakatutok sa harap. May puting kotse ring nakaparada sa gilid.
But what I need to see is the inside of this club.
Baka sakaling makita ko ang itsura ng taong nag-utos kay Benny para patayin si Father Jacob.
Papasok na sana ako sa loob at bubuksan na ang glass door nila nang may lalaking biglang nagbukas din no'n palabas.
Nagkabanggaan kami dahilan para pareho kaming bumagsak sa sahig.
What the actual f*ck?!
Did he not see me? Yes, he didn't! Dahil naka-sombrero siya at naka-mask pa na akala mo nagtatagong artista sa mga fans niya.
"Tingnan mo kung saan ka dadaan, sir," inis kong sabi at nagsimula nang tumayo.
"Sorry, miss."
Pagkatayo ko ay tumayo na rin siya. Dahilan para makita ko kung ano ang nasa kanang pulsuhan niya dahil ginawa niya 'yong pantukod para makatayo.
It's the tattoo mark of Nassoni Mafia!
"Nassoni Mafia?" banggit ko sa grupong iyon na dahilan para matigilan siya.
Napaangat ang gilid ng labi ko. Sabi ko na eh.
Lumapit ako sa kanya para sana hulihin siya pero mabilis siyang nakatakbo.
Nice. He wants to play some chasing.
Tumakbo rin ako at sinimulan siyang habulin.
But he's so f*cking fast!
I should just used my motorcycle! Kapag hindi ka talaga nag-iisip ng matino! Stupid!
"Hey, you! Be ready for some chasing and hunting, son of a b*tch!" sigaw ko at huminto na sa paghabol sa kanya.
Patakbo naman akong bumalik sa Fantasia Club.
Kailangan kong malaman kung ano'ng ginawa ng taong 'yon sa Fantasia Club at kung bakit siya nando'n.
Hindi kaya siya ang nag-utos kay Benny?
I need to see Fantasia Club CCTV footages also. In and outside of the club.
Sh*t! Mukhang hinahamon talaga ako ng Nassoni Mafia na 'yan.
Maghintay kayo, unti-unti ko kayong pababagsakin.
I, Spentice Viglianco, is taking an oath to chase and hunt the whole Nassoni Mafia till the very end.