Pumasok ako sa loob ng club na medyo hinihingal pa.
It's because of that f*cking bastard!
"Good morning po, Ma'am! Mamaya pa po ang bukas namin, balik na lang po kayo ng mga ala-singko po. Thank you po." Salubong agad sa 'kin ng isa sa mga crew na naglilinis.
Inayos ko ang sarili ko bago sumagot.
"It's okay. Hindi naman ako bibili. I just want to talk to your manager, nand'yan ba siya?"
"Yes po, Ma'am, pero bakit po?"
Nilabas ko ang identification card ko na nagsasabing isa akong lawyer.
"I just need to check some of your CCTV footages installed here. It's for our investigation of a confidential case. So please, kung nand'yan siya, baka pwedeng pakitawag. Thanks."
Tiningnan nila ang ID ko at nagkatinginan sa isa't isa.
"Tawagin mo si, Ma'am Licel," utos ng isa sa kasamahan niya. "Sige po, Ma'am. Tatawagin na po, upo po muna kayo."
I smiled at them before taking a seat.
Sakto naman na tumunog ang cellphone ko pagkaupo ko.
Si Tristan.
"What?"
[Spent, as of now, hindi pa sila tapos mag-imbestiga. Pero nalaman na nila ang baril na ginamit sa pagpatay gamit ang bala na nasa ulo ng biktima.]
"How about the killer? May nakakita ba?"
[Wala pang nag-che-check ng surveillance camera ng buong building and near areas but my team are already into it. Update kita ulit.]
"That's nice of you, Tristan."
He chuckled nang marinig ang sinabi ko. At dito pa lang alam ko nang lalabas na ulit ang mga banat niya.
[Basta ikaw, Spent! Malakas ka sa 'kin eh! Baka hulog na hulog 'tong kausap mo ngayon sa 'yo.] Tumawa naman siya ngayon ng malakas.
Siguro kong kaharap ko 'to ngayon, bukod sa labas ang pang-commercial niyang ngipin, namumula rin siguro siya.
I should remember na huwag nang magsalita ng ikakakilig niya dahil ako lang rin naman ang na-cri-cringe sa mga pinagsasabi niya.
"Baka ihulog kita ng literal, Tristan, kung hindi mo pa itigil 'yang tawa mo?" banta ko.
[Joke lang! Ay nga pala... share ko lang kasi looking for buyer nga pala ako ngayon. Nagbebenta kasi ako ng singsing...]
Napataas ang kilay ko.
"Oh tapos?"
[Wala lang, kung bibili ka lang, inform ko lang na sa altar ang meet up.]
I frown. Okay? Another stupid thoughts coming from Tristan Reyes.
Pinindot ko end call button at hindi na sumagot pa sa kanya.
Hindi talaga matino minsan kausap 'yon parang si fiery priest. Kung si Tristan ay hindi matino kausap, si fiery priest ay hindi mo na gugustuhing kausapin dahil sa pagka-moody niya.
"Excuse me po? Are you looking for me?"
Napaangat ang tingin ko at nahagip ang name tag niya na nakakabit sa damit niya.
Manager Licel Escado, ang nakalagay sa name tag niya.
Ngumiti ako at tumayo. I also extended my hand for a formal greeting.
"Yes. I am Spentice Viglianco, a lawyer." Inabot niya naman ang kanay ko at nakipag-shake hands. "Gusto ko lang sanang itanong kung pwede ko ba makita ang CCTV footages niyo in and outside of this club?"
"For your confidential case po ba?"
Tumango ako.
"Dito po tayo," she said and lead the way.
Sumunod ako sa kanya habang palihim siyang inoobserbahan.
Mukha namang hindi siya kahina-hinala dahil no'ng binanggit ko ang apelyido ko ay wala siyang kahit na anong reaksyon bukod sa ngumiti.
If she is part of the mafia, my surname will probably ring a bell to her.
I observe the crews also. Aside from their suspicious looks, I found nothing.
Is this just a regular club? Hindi ba ito hideout ng mga kriminal?
Wala bang nangyayaring kung ano rito? I mean, bakit dito napili ng Nassoni Mafia na kitain si Benny Madalura? At ano ring ginagawa rito kaganina ng lalaking may tattoo mark ng Nassoni Mafia?
Pumasok kami sa surveillance room nila at nakitang walang nagbabantay ro'n.
"Si Manong talaga, iniwanan na naman 'to," saad niya at dumiretso sa mga monitor.
"Kailan po ba ang gusto niyong tingnan?"
Base on the call logs and text messages of Benny Madalura, they meet up four days before Father Jacob's planned accident happened.
Sinabi ko sa kanya ang araw at oras ng gusto kong makitang CCTV footage nila.
"Ano po ba ang hinahanap niyo, Ma'am?"
"Someone," I answered as I looked at their monitors. "Can I see the footage on the entrance part of your club?"
Agad niya namang sinunod ang sinabi ko.
Inobserbahan ko ang bawat taong pumapasok sa loob ng club. Hanggang sa nakita ko si Benny Madalura.
Nauna ba siyang pumunta ng club?
"How about your VIP rooms?" I asked again.
"Saan pong VIP room, Ma'am? Meron po kaming limang VIP room—"
"Lahat sila kung pwede, pa-flash sa monitors. Same date and time as well."
"Okay po."
Lahat ng limang VIP rooms ay pinakita niya sa tag-iisang monitors.
Mariin kong pinagmasdan ang bawat kwarto at tiningnan kung saan papasok si Benny Madalura.
May tatlong kwarto na iisa lang ang tao ro'n na parang nag-aantay o nakatambay lang. Sa dalawang kwartong natira ay may kanya-kanya na silang kasama at nag-iinuman.
May isang kwarto lang ang nakakuha ng atensyon ko dahil sa taong nakaupong mag-isa at mukhang may inaantay.
Maya-maya lang ay may dumating na dalawang tao sa kwartong may iisang tao lang din. Ilang oras din bago ko nakita si Benny Madalura na pumasok sa pangalawang VIP room na nasa monitor.
Got you.
Mariin kong tiningnan ang itsura ng lalaking naka-face mask at naka-sombrero pa. Same style of the person I bumped awhile ago.
I saw how Madalura made the first talk and how the Nassoni Mafia member stop him. Saglit siyang napatingin sa CCTV camera bago tumayo at pumunta sa hindi hagip ng camera.
Maya-maya lang ay biglang nawala ang pinapanuod ko sa monitor.
I smirked.
"Sorry po, Ma'am. Nasira po kasi ang isang CCTV namin sa isang VIP room pero naayos na rin naman po kinabukasan."
Sinadyang sirain ang CCTV niyo para hindi makakuha ng ibidensya sa naging pag-uuusap nila.
"Ayos lang, no problem. Can I ask again? Nakita niyo ba 'yong taong lumabas at pumasok sa club niyo bago ako? Naka-mask at naka-sombrero siya sa pagkakatanda ko."
Sandali siyang nag-isip at parang kinikilala kung sino ang taong 'yon.
"Ay si Sir na anonymous po ba ang tinutukoy niyo?"
"Maybe? Bakit anonymous? Hindi ba siya regular dito?"
"Ay hindi po, hindi ko nga po siya namumukhaan. Bakit po pala?"
"Wala naman. Gusto ko lang malaman kung ano'ng ginawa niya rito? Dahil parang may kahawig siya."
"May tinanong lang po siya rito tungkol sa club namin pagkatapos ay umalis na. Mukha po bang koreano, Ma'am?"
Hindi. Mukhang kriminal na pwede kayong patayin anumang oras.
Peke akong ngumiti sa sinabi niya.
"Anyway, thank you for letting me see your CCTV footages. Here, take it." Nag-abot ako sa kanya ng dalawang libong piso na kinuha niya naman.
"Welcome po, Ma'am! And thank you rin po rito."
Tumango lang ako bago sabay na kaming lumabas ng kwarto.
Sakto naman na may bodyguard ang magbubukas sana ng pinto.
"Manong! Iniwan niyo na naman po 'tong surveillance room," saad ng manager ng club na 'to.
Napatingin ako sa manong na nahuli kung malikot ang tingin sa 'kin, sa monitors, at sa manager na kasama ko.
This is the most suspicious one.
"S-Sorry, Ma'am Licel, nagkape lang sa labas."
"Sa susunod, Manong, huwag niyo nang iwan. O kaya magsabi ka sa 'kin kapag aalis ka. Willing naman ako magbantay saglit."
Kabado siyang ngumiti habang pabalik-balik na tumitingin sa monitors na nasa likod namin.
What the hell is wrong with him?
"O-Okay po. Hindi na po mauulit-ulit. Excuse po."
Dali-daling pumasok ang guard sa loob at tumingin sa 'min.
"Let's go po."
Sumunod na ako palabas sa manager ng club pero nagbigay ako ng saglit na tingin kay manong na nagkakalikot na ngayon sa monitor.
Are you a part of Nassoni Mafia? May koneksyon ka ba sa kanila?
Nang makarating kami sa pinag-antayan ko kaganina ay nagpasalamat ulit ako at nagpaalam na sa kanila.
Lumabas ako ng club na naghihinala sa guard na nakabantay sa surveillance room nila.
He's the only one who's acting weird in this club.
Sumakay ako sa motor ko pero bago ko 'yon paandarin ay kinuha ko ang cellphone ko at pinatay ang video recording.
I recorded the CCTV footages ng lahat na hagip si Benny Madalura at ang ka-meet up niyang miyembro ng Nassoni Mafia.
Mabuti na lang at hindi ko tinigil ang recording ko nang ibulsa ko ang phone ko dahil na-record ko rin ang gwardiyang iyon.
Pagkatapos kong i-stop ang recording ay agad ko nang pinaandar ang motor ko.
At least I got some evidences that can help me in my imvestigation.
Pauwi na ako at madadaanan ko na naman ang simbahang matagal ko nang hindi napupuntahan.
Hindi na ako ulit nakakatambay sa labas ng simbahan simula nanh mawala si Father Jacob.
Nawala na rin sa focus ko ang pagkuha sa mga ginto ng tatay ko. But it's alright because Father Jacob is the most important first.
Hunting Nassoni Mafia comes first because I'll bring them down.
Nang matapat ako sa simbahan ay sakto naman na biglang nagkaroon ng traffic.
Timing?
Napalingon tuloy ako sa simbahan saglit habang nakahinto. Ang simbahan na nagpakilala sa 'kin kay Father Jacob.
At kay fiery priest na parang nakikita ko ngayon pero alam kong imahinasyon lang.
Nasa bahay siya at imposibleng nasa simbahan 'yon dahil day off niya raw ngayon.
"Akala ko ba magsisimba ka?"
What the f*ck?!
Is it real? Talaga bang naglalakad siya papalapit sa 'kin ngayon?
Then this is not happening!
Sigurado akong magtatanong na naman 'yan ulit!
Gigisahin niya na naman ako ngayon na nalaman niyang wala ako sa simbahan!
I'm dead!
"Hoy, Spent, sagot! Tinatanong kita, ah!"
"Sorry, Father, pero mukhang nakakaistorbo kasi ako sa ibang sasakyan. Mauuna na ako," pagdadahilan ko.
Pero oo nga pala, matigas ang ulo ng paring 'to.
Sinadya niya pa talagang iharang ang sarili niya sa tapat ng motor ko.
"Pwede ka naman mag-stay muna saglit dito sa labas ng simbahan, Spent." Nakangiti niya pang suhestyon.
Ngiting hindi katiwa-tiwala.
"Thanks but no thanks, fiery priest."
Niliko ko ang gulong ko pakaliwa at nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi na siya humarang.
Aandar na sana ulit ako nang hawakan niya ang balikat ko at umangkas sa likod.
"D*mn it." Mahina kong mura sa sarili.
"Ayaw mo mag-stay rito, eh 'di sasamahan nilang kita kung sa'n ka pupunta."
Just great, fiery priest!
Laking pang-inis mo sa umaga. Magsama nga kayo ni Tristan.
"Fie—"
"Magandang binibini, hello! Makikiangkas din dahil may mga tanong ako sa 'yo."
Mabilis akong napalingon sa gilid ko nang marinig kung sino ang nagsalita.
Sh*t!
What in a world is this?
"Hey, Prosecutor Reyes. Sorry, puno na wala ka nang maaangkasan."
"No, Father, meron pa kaya."
Biglang umangkas si Tristan sa pinakalikod ng motor ko dahilan para mausog si fiery priest at napahawak sa bewang ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Pati na ang parang saglit na pagbilis ng t***k ng puso ko.
The hell, Spent?!
"O 'di ba kasya? Spent, ihanda mo eksplanasyon mo sa tanong ko!" sigaw ni Tristan.
"Pati sa mga tanong ko!" sigaw rin ng isa.
These two!