"Where do you want me to go? Sa impyerno o padaliin ang buhay niyo?" tanong ko sa dalawa habang patuloy lang akong nagmamaneho ng mabagal.
Sino ba mag-aakalang mag-aangkas ako ng dalawang lalaki sa araw na 'to? Buti sana kung kotse ang dala ko, hindi sana ako nahihirapan ngayon.
Ang gugulo kasi ng dalawang 'to!
At ano'ng katanungan ba 'yang itatanong nila sa 'kin?
"Nako, Spent! Wala namang ganyanan! Ni hindi ko pa natutupad ang pangarap kong mapangasawa kita eh," sagot ni Tristan.
"Prosecutor Reyes, huwag ka nang umasa dahil wala kang pag-asa."
Holy sh*t! Damang-dama 'yon.
Buti pa si fiery priest alam na alam na ang resulta. Samantalang 'yong isa d'yan, parang hindi man lang maramdaman na wala na siyang pag-asa.
"Malay mo 'di ba? Malay mo isang araw, in a relationship na pala kami. Huwag kang panira ng relasyon, Father Josiah."
"Hindi ako naninira ng relasyon, Prosecutor Reyes. I just stating the fact that you don't have the chance. Kasi kapag nagkataon na mag-quit ako sa pagpapari, malalaman mo na lang kami na pala."
What the f*ck is that?!
Awkward silence.
Mukhang hindi lang ako ang nagulat sa sinabi ni fiery priest.
"Ay p*ta? Iba atake no'n, Father! Nice joke!"
Na tingin ko ay parang hindi joke. Sa pagsasalita niya pa lang, mukha ng seryoso. Idagdag pa na ramdam ko kung pa'no saglit na humigpit ang pagkakahawak niya sa damit ko.
"Ayusin mo buhay mo, Prosecutor Reyes."
Tristan cleared his throat. "Masusunod, Father."
So until now, hindi pa rin nila nasasagot ang tanong ko.
Saan ba nila balak mag-usap? Ano ba itatanong nila? At bakit ba nila kailangan magtanong pa?
Napunta kasi sa ibang dimensyon 'yong tanong ko nang dahil sa nonsense nilang pag-uusap.
Wala na rin akong magawa kundi ideretso ang tungo namin sa bahay. Tutal ay ro'n din naman patungo ang way na dinadaanan ko.
Ni hindi kasi makausap 'tong dalawa ng matino, kung hindi magsasabi ng kung ano-ano, magbabangayan naman.
Kailangan ko yatang tandaan na hindi dapat pinagsasama ang isang paring moody at isang prosecutor na malakas bumanat.
Huminto ako sa tapat ng bahay at hinintay na bumaba ang dalawa. Na parang hindi nila ginagawa.
"Ano nang balak niyo?" tanong ko at tumingin sa likod.
Nakatingin lang sila sa tapat ng bahay at may mga nakakunot na noo.
"Bakit dito?"
"Saan 'to?"
Sabay nilang tanong.
Hindi niyo kasi sinagot ang tanong ko kung saan ba tayo dapat pumunta. Wala rin naman akong balak pumunta sa ibang lugar bukod sa bahay dahil pauwi na ako galing sa pag-iimbestiga.
"Eh kung bumaba na lang kaya kayo? Baka gusto niyo lang."
Naunang bumaba si Tristan at sumunod si Father Josiah.
Dire-diresto na pumasok sa fiery priest sa bahay niya nang wala man lang sinasabi dahilan kaya nag-react naman 'tong isa.
"Hoy, Father! Trespassing 'yan! Hindi ka pwedeng pumasok d'yan, mayayari tayo!"
Napailing na lang ako sa maluwag niyang turnilyo bago nagtanggal ng helmet.
Pa'no kaya nakapasang prosecutor 'to?
"Spent! Pigilan mo si Father! Baka maireklamo siya ng taong nakatira rito tapos makasuhan pa siya. Stating the facts lang."
"Ba—" Sasagot na sana ako nang may biglang sumigaw mula sa loob ng bahay.
"Minsan uso rin mag-obserba, Prosecutor Reyes! Kaya nga ako may susi ng bahay na 'to dahil bahay ko 'to! Prosecutor ka pa rin naman!"
Eh 'di siya na nagsabi.
Nanlalaki ang mga mata ni Tristan nang tumingin siya sa 'kin.
"Totoo ba? Bahay niya 'to?"
Tumango ako bilang sagot. "At sa second floor na 'yan, inuupahan ko 'yan," dagdag ko pa at tinuro 'yong tinutuluyan ko.
"Ano?!"
Napalayo ako ng kaunti sa kanya. Gulat na gulat?
"Nag-li-live in kayo ni Father Josiah?!"
"What f*ck?! Hell no! Mali ang iniisip mo, Tristan!" Napasigaw na rin ako dahil sa gulat sa sinabi niya.
Kakaiba talaga pumapasok sa isipan ng taong 'to.
"Then what, Spent? Ano'ng mali sa iniisip ko?"
Nag-uumpisa na naman siyang mag-drama sa buhay.
"Na sinabi kong nangungupahan lang ako pero ang sinabi mo ay nag-li-live in kami. We're not even a couple at 'tsaka tingnan mo nga kung saan ang papasok sa second floor; nasa labas ng bahay ni Father Josiah. Sh*t, why should I need to explain it?"
"Kailangan ko ng eksplanasyon kaya kailangan!"
"Ang drama mo, Prosecutor Reyes. Bahay ko 'to at pinapaupahan ko sa kanya 'yang second floor dahil wala namang naninirahan na d'yan. Sayang kung aamagin lang at hindi magagamit," saad ni fiery priest na sumingit bigla sa usapan namin.
"Hindi ikaw ang kausap—"
"Kung sumunod ka na lang kaya?". Biglang inakbayan ni Father Josiah si Tristan at sinimulan nang kaladkarin papunta sa taas.
Teka lang! At bakit sa tinitirhan ko pa kami mag-uusap? Pwede naman dito lang sa baba ah.
Sila naman ang may katungan sa 'kin, tapos parang sila rin ang paladesisyon ngayon.
Wala na rin naman akong choice kundi ang iparada ng maayos ang motor ko at sumunod na sa kanila.
"Hoy, Spent! Bilisan mong umakyat!" sigaw ni fiery priest na nakadungaw pa sa pintuan.
"Humanda ka sa mga pangmalakasan naming tanong!" sigaw naman ni Tristan.
Kung pwede ko lang takasan 'to mga 'to ngayon, ginawa ko na. Kaso kahit ano'ng takas ko ay mahahanap at makikita pa rin nila ako.
Useless din. Mas mabuti nang ihanda na lang ang sarili ko sa mga tanong nilang walang akong ka-ideya-ideya.
As soon as I entered the house, kita kong naka-pwesto na sila agad.
"Whose idea is this? Bakit kailangan nasa gitna ang upuan at nasa harapan kayo niyan?" tanong ko habang dahan-dahan na pumapasok sa loob.
Why do I feel nervous? Bakit parang alam ko na kung ano ang itatanong nila at kung saan tutungo 'tong pag-uusapan namin.
"Syempre, props yan eh. Maupo ka binibini."
Umupo ako sa upuang nasa gitna na tinuro ni Tristan. Samantalang silang dalawa ay kumuha rin ng upuan at pinwesto sa harapan ko. Umupo sila ro'n na nagbago na ang ekspresyon sa mga mukha nila.
"Serious mode?—"
"Shh!" Sabay nilang pagpapatahimik sa 'kin habang seryoso pa rin.
Okay? So, kailan nagkasundo ang dalawang 'to na kanina lang ay nagbabangayan sa isa't isa?
Hindi na ako nagsalita pa at hinintay na lang ang mga katanungan nila.
"Saan ka talaga nanggaling kaganina, Spent?" Unang tanong ni fiery priest.
Here we go again. Kaya pala mukhang alam ko na ang itatanong niya. Pero si Tristan, hindi ko alam kung ano'ng itatanong niyan.
"Bakit? Kailangan mo bang malaman 'yon? Baka nakakalimutan mo na bahagi ako ng mafia at confidential ang lahat ng ginagawa namin, Father?" pambabara ko kay fiery priest.
"Omsim!" saad naman ni Tristan.
"No, ayoko lang ng nagsisinungaling ka. I want to know kung saan ka pupunta..."
I crossed my arms. Parang natamaan ako sa una niyang sinabi pero hindi ko na 'yon inintindi pa.
"Because?" I asked.
"Wala lang, gusto ko lang malaman kung saan ka ba pumunta."
I sighed. Ito lang ba ang itatanong niya?
"Sa meet up ng taong pumatay kay Father Jacob at ang nag-utos sa kanya," sagot ko na lang.
"At bakit ka pumunta ro'n nang hindi man lang nagsasabi? Kung hindi pa kita na-track, hindi ko malalaman kung nasa'n ka."
"Tristan Reyes!" tawag ko sa kanya at napakunot ng noo. "At bakit may tracker ka para malaman kung nasaan ako?"
"Kasi ayaw mo kong isama sa gagawin mong imbestigasyon kaya palihim na lang kitang binabantayan."
"Cut it. Itigil mo 'yang pag-tra-track sa kin, Tristan. Ayaw ko kayong madamay kaya ako na lang ang kumikilos."
"Kung pwede ko lang sabihin sa 'yo ang dahilan, Spent, sinabi ko na. Kaso bawal daw—"
"Wait, wait! Hindi ko na ma-gets ang pinag-uusapan niyo. What investigation?"
"Ano? Hindi pa ba nasasabi sa 'yo ni Spent?"
Napakamot ako sa ulo ko.
Mukhang kahit ano'ng tago ko sa ginagawa kong imbestigasyon sa Nassoni Mafia ay mabubuking at mabubuking pa rin nila.