May kumatok sa pinto ng office ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko. "Come in." Pumasok ang isa sa tauhan namin na may hawak-hawak na folder. "Sir, report po ng sales ng Maricosia Drugs from marketing department," aniya at inabot ang folder. Kinuha ko 'yon at agad na tiningnan. Napangisi ako nang makita kung gaano kadami ang orders namin last week. "How about the stocks? May report na ba?" "Wala pa pong binibigay, Sir. Pero ire-remind ko po sila." "Yes, pasabi pakibilisan dahil kailangan ko na 'yon ngayon." "Okay po." Nag-bow siya sa 'kin bago lumabas na ng office ko. Sinave ko ang ginagawa kong presentation sa computer at pinagtuonan ang sales report ng drugs namin. As usual, si Ms. Rocky Hagashi ang pinaka-maraming binibili na drugs. Hindi talaga nagkamali si ma'am