Pinatay ko ang zippo lighter ko at nagsulat sa notebook na hawak ko. 4:00 PM ay nag-uumpisa nang magsi-pasukan ang ibang mga staff ng Rock en Roll Club. Bukod sa waiters at waitresses at bartenders na pumapasok ngayon ay may pumasok din kaganinang mga tao na mga nakakulay itim na damit at naka-mask. Kasabay sila ng mga guards ng club na ito kaninang tanghali. Kanina pa ako rito ng umaga at nagte-take down notes ng mga kilos ng bawat tao sa club na ito. Hindi ko pa nakikita si Rocky Hagashi na siyang inaabangan ko. Nagdadalawang isip din ako kung dapat bang pumasok ako sa loob. Somebody might recognize me. Tapos magsumbong sa boss ng Nassoni Mafia, eh 'di nadali ako bigla at nabulilyaso ang plano. But I think I can manage to sneak inside. Kailangan ko lang ng matinding plano k