SATFP: Chapter 19

2126 Words
Napatingin ako sa loob ng simbahan nang magsipalakpakan ang mga tao sa loob. Natapos na naman ang pang-umagang misa. I sighed. Sa wakas, makakausap ko na ulit si Father Jacob. Pero hindi tungkol sa mga ginto ang pakay ko sa kanya ngayon. Manghihingi lang ako ng tulong sa paghahanap ng matutuluyan ko na mapagkakatiwalaan ko. I'm not staying on a hotel anymore. My life is always close to danger in there. Well, lagi namang nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko simula pa pagkabata kaya sanay na ako. Pero ibang usapan na kapag kasali ang mga ginto. I need to hide them kaya as much as possible ay hindi rin matunton ng mga kalaban kung nasaan ako. Kung nasaan ako nando'n din nakatago dapat ang mga ginto. At isa pa, tuwing may magtatangka sa buhay ko, nadadamay ang hotel na pinagtutuluyan ko. Maraming nasisirang gamit na kailangan kong bayaran. Dagdag asikasuhin pa. Kaya ito at dala-dala ko ang mga gamit ko ngayon. Dalawang malaking maleta at isang backpack. Kinakailangan kong makakita ng pagtutuluyan ko ngayon araw dahil ayaw ko naman na sa kalsada matulog. Kung itatanong niyo, ano ang nangyari kay Mr. Risson. Well, napatunayan niya na hindi siya ang boss ng mga sumugod sa 'kin at nag-utos na patayin ako. Nasa loob siya ng hospital at inaasikaso ang bago niyang business no'ng mga panahon na sinugod ako. He has proofs of CCTV footage at may sense rin ang sinabi niyang hindi niya alam kung nasaan ang hotel ko. In short, Mr. Risson and his friends has nothing to do yet with the attacking. Yet because they might want to get their revenge on me or maybe on Tristan. Kung hindi si Mr. Risson, ibig sabihin may ibang nag-utos sa mga 'yon, ibang boss. Nagsilabasan na ang mga tao sa simbahan na may mga ngiti sa labi. Masaya bang magsimba? Actually hindi ko alam dahil simula't sapol ay hindi naman ako nagsisimba. If sunday is a church day to others, it is a training day to me. Sunod kong nakita si Father Jacob at ang ibang miyembro ng simbahan na nakangiti at kumakaway sa mga taong nagsimba. Hinintay kong maubos ang mga tao na nagsisilabasan bago ako kumaway kay Father Jacob, to get his attention. Mabuti na lang at napatingin siya banda sa kinauupuan ko at nakita niya ako. Kumaway siya pabalik sa 'kin at may sinabi muna sa mga kasamahan niya bago pumunta sa kinauupuan ko. Tumayo ako at may ngiting sinalubong si Father. Father Jacob is really kind and a model to everyone. He has such a great personality. "Spentice. May plano ka na ba kung paano ilalabas ang mga ginto?" tanong niya. Umiling ako. "Wala pa po eh." "Gano'n ba? Basta sabihan mo lang ako, aasikasuhin natin 'yan," aniya at nagbigay ng ngiti. Napadako naman ang tingin niya sa mga dala-dala ko. "Ano ito? Mga gamit mo ba ito? Pinalayas ka ba sa tinutuluyan mo? Sino ang nagpalayas sa 'yo?" "Nako, Father, hindi po. Nagkakamali po kayo." "So, what is this? Bakit dala-dala mo ang mga maleta mo?" "Sa totoo lang po ay magpapatulong sana ako sa inyo na maghanap ng matutuluyan po. Apartment po gano'n na mapagkakatiwalaan ang may-ari. Ayaw ko na rin po kasing mag-stay sa mga hotel, mas mabuting may matutuluyan ako para ro'n ko maitatago ang mga ginto kapag nailabas na rito. Mas madali ko na rin pong makukuha ang mga ito at maidadala sa Italy." "Magandang plano nga iyan. Teka, alam mo na ba ang password para ro'n?" "Yes po, nasabi na sa 'kin ni Dad." "You can see it if you want. Sabihin mo lang sa 'kin." "Maybe if I already have a plan on how to get them out. Sa ngayon po, matutuluyan ko po muna ang proproblemahin ko." "Meron akong kakilala na malapit lang dito sa simbahan ang apartment niya. Pero hindi ko alam kung may mga bakante pa. Itatanong ko mamaya pagdating niya. Palagi siyang pumupunta rito para magsimba kaya sigurado akong nandito siya mamaya." "Sige po, Father. Mara—" "You can stay with me if you want, Spent." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko kay Father Jacob nang may biglang sumingit sa usapan. Isang pari rin na may pangalang Father Josiah. And what? What the hell is he saying? Stay with him? "Father Josiah?" tawag ni Father Jacob kay fiery priest. "Pwede siyang tumira sa bahay ko dahil bakante naman ang nasa taas no'n." Why are you helping me, fiery priest? Bakit sina-suggest mo na pwede akong tumira sa bahay mo? Kusang nanlaki ang mga mata ko nang may ma-realize ako. "Wait, wait! Kanina ka pa ba d'yan?" tanong ko kay fiery priest at alanganing tumingin kay Father Jacob. Nagtama ang paningin namin ni Father at pareho kaming kinabahan. "No. Kararating ko lang nang marinig kong matutuluyan mo muna ang proproblemahin mo. That's why I'm suggesting my place for you to stay. Tulong ko rin para kwits na tayo at wala na akong atraso sa 'yo sa lahat ng tinulong mo sa 'kin." Nakahinga ako ng maluwag at alam kong gano'n din si Father Jacob. Pero napataas ang isang kilay ko dahil sa magagandang salita na lumalabas sa bibig ng isang hot tempered na pari. "Mabuti at marunong kang tumanaw ng utang na loob?" Kumunot naman ang noo niya. "Tingin mo sa 'kin, manhid? May pakiramdam din naman ako 'no!" "Wala naman akong sinasabing wala kang pakiramdam, Father Josiah. Kaya ka nga nabubuhay sa mundong ito dahil may pakiramdam ka." "Eh pa'no kasi, ikaw na nga itong tinutulungan, kung ano-ano pa 'yang pinupuna mo," inis siyang saad. I smirked, mukhang bumabalik ang kilala kong Father Josiah. I thought magbabago na ang pakikitungo niya sa 'kin dahil alam ko ang sikreto niyang ayaw ipasabi sa iba. Pero mali pala ako. Si fiery priest ay mananatiling si fiery priest. And since I'm Spentice, I'll use his secret for blackmailing him. May panlaban na rin ako sa parinh 'to. "Wala naman akong sinasabing masama ah? Is it wrong to praise you?" "Mukhang bang pinupuri mo ko? Mas mukha ngang paninirang puri 'yong sinabi mo!" "Why are you getting piss off? At sinisigawan mo ba ako? Baka gusto mong ipagkalat ko 'yang si—hmp!" Mabilis pa sa isang segundo siyang nakalapit sa akin at tinakpan ang bibig ko. "Don't you dare, Spent. 'Yan ang huwag na huwag mong gagawin. Okay, fine. Hindi ako nagagalit at hindi kita sinisigawan. Back to normal, understand?" Ano'ng back to normal ang pinagsasabi niya? Excuse me! Ikaw lang naman ang hindi normal! Hinawakan ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko at pwersahang tinanggal 'yon. "A-Ah! Ah! Aray! Putek na!" daing niya bago ko padabog na binitawan ang kamay niya. Hinawakan niya 'yon at ininda ang sakit. "Fudge you, Spent!" I scoffed. Kung wala lang dito si Father Jacob malamang sa malamang ay nakapagbigay ako ng malutong na mura kay Father Josiah. "O siya tama na 'yang away niyo na naman. Stop it at baka kung ano pang magawa niyo sa isa't isa." "Blame Spentice. Siya na ang ino-offer-an ng tutuluyan, nag-iinarte pa," mataray na sabi ni fiery priest sabay irap sa 'kin. Reall?! You are so unpredictable, Father Josiah! "Hoy, hindi ako nag-iinarte!" "Eh ano'ng tawag mo d'yan sa ginagawa mo? Hindi ba nag-iinarte 'yan? Kung ayaw mong umupo lang d'yan magdamag kasama 'yang mga maleta mo habang hinihintay ang sinasabi ni Father Jacob na fifty-fifty pa ang chance na may bakante sila, mas mabuting you take my offer." Inikot-ikot niya ang kamay niya at pinaluto 'yon. Narinig kong napabuntong hininga si Father Jacob at napahilot sa sintido niya. Mukhang sumuko na sa pagsaway sa 'min ni Father Josiah. "Bahala nga kayo. Pero ito lang, may point naman si Father Josiah, Spentice. At saka alam ko naman at alam mo rin na mapagkakatiwalaan siya at isa siyang mabuting pari. Mas mabuti siguro na tanggapin mo na lang ang offer niya. At least kahit papaano ay makakampante akong safe ang anak ng kaibigan ko kapag si Father Josiah ang kasama mo." You're not sure, Father Jacob, if I really trust this priest. Fifty-fifty pa rin ang tiwala ko sa kanya. "See? Pwede naman nating puntahan ngayon ang bahay ko para makita ko ng mas maayos. And for clarification, hindi naman tayo magkasama sa iisang bahay kung sakaling do'n mo maisipang tumira muna. Nasa taas ka, nasa baba ako." Napaisip ako bigla sa mga sinasabi ni Father Josiah at sa mga suggestion niya. Hindi ko alam na nag-iisip din pala ng maayos itong si Father Josiah. Akala ko puro padalos-dalos lang siya at sumusugod lang ng basta-basta. Mukhang no choice na rin ako kundi tanggapin ang alok niya. Sayang din kung tatanggihan ko pa. Pinagtulungan na rin kasi ako ng dalawang pari. "Oo na, tatanggapin ko na 'yang alok mo," I said. "It's a kwits then? You help me and I help you." "Whatever." Napatawa si Father Jacob sa 'min. "Kayo talagang mga bata kayo. Huwag kayong mag-aaway palagi, nakakapangit. Lalo ka na Father Josiah, pari ka pa naman, pangalagaan ang image." "Areglado 'yan, Father!" confident na sagot ni fiery priest. "I can't guarantee that, Father Jacob." Tumingin ako kay fiery priest na nahuli kong binibigyan ako ng masasamang tingin. I rolled my eyes on him. "Father Jacob! Hinahanap po kayo ni Head Sister Linda!" Napalingon kami agad sa isang sakristan na sumigaw na sa tingin ko ay ang assistant ni Father Josiah. "Sige, susunod ako," saad ni Father Jacob bago humarap ulit sa 'min ni fiery priest. "Maiiwan ko na kayo, Spentice. Please stop fighting, both of you. Father Josiah, ikaw na bahala sa tutuluyan niya." "Salamat po, Father Jacob," pasasalamat ko. "Masusunod, Father." Ngumiti siya sa 'min at tumango bago tumalikod at nag-umpisa nang maglakad papasok sa simbahan. "Ano na?" tanong ko kay fiery priest nang mawala na sa paningin namin si Father Jacob. "Ano'ng ano na? Nasa'n ang kotse ko at bakit bitbit mo hanggang dito 'yang mga maleta mo?" "Pinalinis ko ang kotse ko kaganina pa. At hindi ko alam kung bakit hindi pa dumadating." "You should contact—" "There it is. Let's go." Tinuro ko ang kotse ko na papalapit na sa pwesto namin. Hinila ko ang dalawa kong maleta pero nawala ang isa sa kamay ko nang kunin 'yon ni Father Josiah. "Thanks, kuya. Here." Inabot ko ang bayad sa kuyang naglinis at naghatid ng kotse ko. Pumunta ako sa likod ng kotse at nilagay ro'n ang mga maleta ko. Pagkatapos ay sumakay na ako sa driver's seat. "Oh f*ck it!" gulat kong saad nang makitang nasa loob na agad si Father Josiah. 'Di nga? May lahi bang kidlat 'tong paring 'to? "Nagugulat ka na naman sa kapogian ko." "Ang lakas naman ng bagyo mo," sagot ko agad. "Ang lakas mo naman mangbara." "Lakas din kasi ng tingin mo sa sarili mo, superhero. Tandaan mo, isa kang pari na kailangang maging maganda ang image sa nakakarami. In short, kailangan mong maging mabait kagaya ni Father Jacob, nice personality." "Wala na silang paki kung ganito akong pari at masyadong staightforward. Eh 'di sana sila ang magpari at gawin ang gusto nilang image-image na 'yan." One thing I like to this priest is his attitude. Kahit na nakakakulo ng dugo ang ugali niya, bilib pa rin ako sa paninindigan niya. He don't care about other people, ang kanya lang ay makatulong, maibalik ang tama sa mali, at makapagsilbi sa Diyos. I chuckled before starting the engine. "Saan nga ulit 'yong bahay mo?" tanong ko habang bumabyahe. "Nakalimutan mo na agad?" hindi makapaniwala niyang tanong. "Hindi ko kasi binibigyang importansya ang mga bagay na hindi naman importante. Pero baka bigyan pansin ko na dahil do'n na ko titira pansamantala." "Nahiya naman ang paring katulad ko sa 'yo. Hindi libre ang pagtira mo ro'n, Spent. At may rules and regulations akong ipapatupad." "Gawin mo kung ano'ng gusto mo basta may matulugan ako, sapat na sa 'kin 'yon." Umapak ako sa break nang bigla kaming inabutan ng traffic. "Spent, matanong ko lang—" "Sorry but I don't accept any questions inside my car," putol ko sa sasabihin niya. "Aba't! Huwag mong pinuputol ang katanungan ng isang pari, Spentice!" "Tanungin mo na lang sarili mo, fiery priest." Umapak ako sa gas nang umusad na ang traffic. "Tss!" Kinuha niya ang cellphone niya at nag-umpisang mag-type ro'n. "Isusulat ko na lahat ng do's and dont's, rules and regulations, at ang mga babayaran mo. May tubo pa dahil iniinis mo ko!" "Ha! At ako pa ang nang-iinis? Hindi ba parang baliktad?!" "Hindi!" Kita ko kung gaano siya kagigil sa pag-type sa cellphone niya. Napailing na lang ako sa paring katabi ko. Hindi ko talaga malaman ugali nito, pabago-bago. Isa lang sigurado ako at alam kong hindi magbabago, isa siyang fiery priest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD