"Spentice! Spent!" sigaw ng nasa labas at malakas na kinatok ang pintuan. "Gumising ka na!"
Napairap ako sa kawalan habang nakasandal sa headboard ng kama.
Wrong move atang dito ko napiling tumira pansamantala dahil sa paring 'to na kay aga-aga ay nanggising na.
Hindi ako pari tulad mo na may pang-umagang misa! Kaya huwag kang istorbo sa tulog ko!
He's been shouting and knocking on my door for a couple of minute. Kanina pa ko nagising sa mga sigaw at katok niya. Akala ko titigil din siya pero, no. He's still there and making a fuss outside.
Hindi ako makabalik sa tulog nang dahil sa kanya! F*ck it!
"Spentice! Wake up! Gumisi—"
"What the hell is your problem, fiery priest?!" inis kong sigaw pabalik at pinutol ang isisigaw niya ulit.
Istorbo!
"Pahiram ng motor mo at pupunta ako sa hospital!"
"What?! Bakit hindi ka na lang mag-commute? Mag-commute ka at huwag mo ng idamay ang motor ko!"
"I already have your keys, by the way!"
Nanlaki ang mga mata ko dahilan para magising ng todo ang diwa ko.
Napaalis ako bigla sa kama at mabilis na binuksan ang pinto nang wala sa oras. Bumungad sa 'kin ang paring may mapang-asar na ngiti habang winawagayway ang susi ng motor ko.
If I can punch this priest just once, I swear, I'll give my full strength on my fist.
"How did you get that one? Magnanakaw ka ba bago ka nagpari?"
"Huwag kang judgemental, Spent. Masamang pagbintangan ang pari," aniya habang pinapaikot-ikot pa sa kamay niya nag susi ko.
"Eh pa'no kita hindi pagbibintangan kung nakuha mo 'yang susi ko nang hindi ko alam?" mataray ko ng tanong.
Because of this fiery priest, I woke up on the wrong side of the bed. Napuyat pa man din ako kagabi sa kakaayos ng mga gamit ko rito kaya kailangang-kailangan ko ng maayos na tulog.
"Alam mo, ang aga-aga nagtataray ka," mataray niya ring saad.
"Alam mo, ang aga-aga nambubulabog ka," pangagaya ko sa sinabi niya.
"Huwag mo kong ginagaya at wala kang originality."
"Huwag ka munang nanggigising sa taong mahimbing ang tulog."
"Spent!" singhal niya.
"What?! That's my name!" sigaw ko rin.
Mahigpit niyang hinawakan ang susi ng motor ko sa kamay niya at mukhang nagpipigil sa galit. Malalim siyang napabuntong hininga bago magsalita.
"Kung hindi mo lang alam ang sikreto ko, hindi ako magpipigil sa galit at hindi rin ako magiging mabait sa 'yo. Eh kaso alam mo kaya no choice ako."
Napasandal ako sa hamba ng pintuan. Kaya pala parang nag-iiba ang ugali mo kapag kaharap ako simula kahapon. Hawak ko kasi ang sikreto mo na pwedeng-pwede kong ipanakot sa 'yo anumang oras.
I smirked while looking at him.
"Tigil-tigilan mo 'yang ngisi mo, Spent."
"Okay, I get it. You don't need to be kind at me, fiery priest. As I said, your secret is safe with me."
"Safe ba 'yong ipinanakot sa 'kin na sasabihin ang sikreto ko?" bulong niya pero rinig na rinig ko.
"Ano 'yon?" nakangiti kong tanong.
"Wala!"
"Oh, bakit mo ko sinisigawan? Akala ko ba magiging mabait ka sa 'kin?"
"Ayoko na! Sawang-sawa na akong magpigil kapag naiinis ako. Kapag naiinis ako, naiinis ako! Kaya bilang ganti, pahiram ng motor mo!"
Napahalakhak ako nang marinig ang sinabi niya.
Wala pang ilang oras na naging mabait siya sa 'kin pero sumusuko na siya agad! Mahinahon naman siyang kausap minsan pero madalas palagi talaga siyang galit kapag kinakausap ako.
Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo sa 'kin ni fiery priest. Is it because of what happened the first time we've met? Well, patas lang naman kami dahil mainit din ang dugo ko sa kanya.
At nag-iinit ang dugo ko ngayon sa kanya dahil rinig ko nang pinaandar niya ang motor ko. napatigil ako sa pagtawa at napasilip sa balcony pababa.
What a punk?!
"Hoy! Fiery priest! Bumaba ka sa motor ko!"
"Huwag mong ipagkakalat ang sikreto ko, ah! Hostage ko muna 'tong motor mo!"
"D*mn you, Father!"
"Don't use profanities! Pari ang kinakausap mo, Spent, PARI! Respeto naman!"
How can I respect someone like you, huh?! Tell me how!
Masaya siyang kumaway sa 'kin bago nag-umpisang paandarin ang motor ko at umalis na.
"Punk!"
Napasipa ako sa railings na nasa harap ko at gigil na napahawi ng buhok paitaas.
Naisahan na naman ako ng paring 'yon! At 'yong motor ko pa talaga ang napagdiskitahan.
But I can buy one, if ever something happens to that motorbike. Pero hindi makakalampas sa 'kin ang ginawa ni Father Josiah. Kapag nasira ang motor ko, kakasuhan ko siya ng theft, reckless in driving, and destroying someone's property. Maipapanalo ko ang kasong iyan at sigurado akong makukulong si fiery priest.
And yes, I know I can't do that. Because Father Jacob will be in the picture and he'll try to save Father Josiah no matter what. Knowing how nice and kind Father Jacob is, he'll start from begging at me to save that fiery priest from going to jail.
That's why I love Father Jacob and he's the only priest whom I trust the most. And Father Josiah is the one whom I trust the least.
Nakikita ko pa lang ang pagmumukha niya ay nag-uumpisa na akong mairita. Lalo na kapag naaalala ko ang ugali niyang pasan-pasan ang galit ng mundo.
Pumasok ako sa loob ng bahay at humiga ulit.
Nandito na ako sa bago kong tinutuluyan na ang may-ari ay si fiery priest. Sakto lang para sa isang tao na maninirahan sa bahay na 'to. Kumpleto naman sa gamit at may sariling kusina at banyo rin.
Kagaya ng sabi ni Father Josiah, magkahiwalay ang bahay na nasa baba at ang nasa taas. Makakapasok ka sa bahay rito sa itaas gamit ang hagdanan na papunta sa balcony. Nasa balcony ang pintuan papasok sa bahay na 'to.
Hindi pa sinasabi sa 'kin ni Father Josiah ang mga rules-rules niya kuno pero alam kong ni-ready niya na 'yon kagabi pa. Nakalimutan ko ring itanong sa kanya kagabi kung sino ang dating nakatira rito. Mukha kasing hindi pa nakukuha ang mga gamit kagaya ng TV, mga gamit pangkain, at ibang libro na maayos na nakalagay sa isang bookshelf.
Maayos at walang kalat ang bahay na ito pagkatapak ko rito kagahapon. Mukhang inaalagaan din ni Father Josiah 'to ng mabuti bukod sa bahay niya.
Nandito na rin ang kotse ko na nakaparada sa baba pati na ang motor kong ginamit ng hindi katinuang padre.
Kung kailangan niya pala ng service papunta sa simbahan o sa hospital o kahit saang lugar niya pa balak pumunta, why not buy one motorcycle? Para naman sa kanya 'yon at makakatipid pa siya, idagdag mo pa na hindi pa siya makakapambulabog ng ibang tao.
Hindi rin kasi nag-iisip ng matino 'yon si fiery priest. Puro pabida at pagiging superhero ang alam. Bonus na siguro na nakakapagmisa pa siya bilang kagalang-galang na pari.
Pipikit na sana ako nang biglang pumasok sa isip ko ang mga ginto.
Tutal naman ay may tinutuluyan na ako na pansamantala hanggang sa makuha ko na ang mga ginto, bakit hindi ko na umpisahan ang paglalabas ng mga ito?
I already have a plan, actually. First one is magkukunyari akong manghihingi ng advice kay Father Josiah sa pamamagitan ng confessional talk. But the hidden agenda is to get some of the golds and put it on my backpack. In that way, makukuha ko ng pakonti-konti ang mga ginto at maitatago muna sa ilalim ng kamang ito.
The other plans are meant to be thought again. For now, ito muna at sasabihin ko ito mamaya kay Father Jacob. Pwede rin namin sigurong subukan mabuksan ang taguan na mga ginto bago gawin ang plano.
I already know the password of it. Right timing is the only thing we need in order to fulfill my plan.
Bumangon ako at naligo na. Pupuntahan ko ngayon si Father Jacob sa simbahan para masabi na ang plano ko.
Wala rin kasi akong number ni Father Jacob para mai-message na lang siya. Hindi ko rin alam kung may cellphone ba si Father Jacob. Kaya ito at nagtiya-tiyaga akong pumunta lagi sa simbahan para makausap si Father Jacob.
Matapos kong maligo at magbihis ay kinuha ko ang susi ng kotse ko at bumaba na.
I really wonder, how did Father Josiah got my motorbike key?
May sa lahing magnanakaw ba siya? The last time, nakapasok siya sa kotse ko nang hindi ko pa nabubuksan. At inamin niyang ginamitan niya ng pin ang kotse ko para mabuksan ang pinto.
How does a priest can do that? Sinasabi ko na nga bang hindi ordinaryong pari lang 'to si fiery priest.
Hindi siya basta-bastang priest dahil may "fiery" dapat muna sa unahan bago ang priest para matawag na si Father Josiah nga 'yon.
Pinaharurot ko ang kotse ko papunta sa simabahan not minding any car around me.
Kahit gaano pa ka-traffic sa Pilipinas, hinding-hindi ko pababagalin ang takbo ko.
Especially that I have something important to do today.
Nakarating ako sa simbahan at sakto naman na nakita ko si Father Josiah na kumukuha ng picture kasama ang motor ko.
Enjoying my motorbike, huh?
Pinarada ko ang kotse ko at mabilis na bumaba.
"Hey, fiery priest!" sigaw ko agad.
"Ay pu—sanggala!"
Lumapit ako sa kanya at agad na tiningnan ang motor ko. Wala akong paki kung muntikan na siyang mahulog sa motor ko dahil sa gulat.
"If I found any damage on my motorbike, I'll file a case."
"Ayos ah! May balak ka pa lang ipakulong ako?"
Umangat ang tingin ko sa kanya at nagtama ang paningin namin.
"Meron. Sa dami ng atraso mo sa 'kin."
"Eh kung palayasin kaya kita sa pamamahay ko?" pananakot niya.
Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
Dahan-dahan kong inangat ang gitnang daliri ko sa tapat ng mukha ko.
"Hindi mo magagawa 'yon dahil nasa akin ang sikreto mo," pananakot ko rin at tumalikod na sa kanya.
"Ano?! Hoy! Spentice! Hindi pa tayo tapos mag-usap! Huwag mo kong tinatakot!"
Ito talagang paring 'to, napaka-iskandalo sa sigaw-sigaw niya.
"Hoy! Spent!"
"Father jacob!" tawag ko kay Father nang makita ko siya at hindi na pinansin 'yong isa.
May kasamang dalawang sakristan si Father at isa na ro'n ang assistant ni fiery priest.
"Oh, Spentice!" Nakangiting bati sa 'kin ni Father. "Kamusta ang bago mong nililipatan?"
"Ayos naman po kahit may panira ng umaga."
Tumawa si Father dahil sa sinabi ko.
"Masasanay ka rin kay Father Josiah, Spentice."
Ilang ulit niya na 'yang nasabi sa 'kin pero hindi ko alam kung masasanay nga ba ako sa ugali ng paring kanina pa nakatambay sa motor ko.
"Tingnan mo naman 'tong si Father Josiah. Enjoy na enjoy. Father Josiah! Come here!"
Nakatingin din pala si Father Jacob sa nagse-selfie na si fiery priest.
"Po, Father?" tanong niya habang lumalapit sa 'min.
"Pakitulungan nga itong mga sakristan natin at may ipinagagawa sa kanila ang nakakataas," utos ni Father Jacob may fiery priest.
"Eh bakit hindi kayo?"
"Gawin mo na lang ang inuutos ko at huwag nang magtanong pa. Sige na, samahan mo na sila."
Kunot noo at mukhang labag sa loob na inaya niya ang dalawang sakristan para tulungan at samahan sila.
Pari ka kasi at hindi isang photographer, Father Josiah.
"Tama ba ang hinala ko kung bakit ka nandito ulit?"
I chuckled. "Tama po. Nandito po ako para pag-usapan ang plano ko po sa paglabas ng mga ginto."
"Mukhang buo na ang plano mo, Spentice. Sabi ko na makakaisip ka ng paraan sa lalong madaling panahon. Just like your Dad."
I smiled at him. "Buo na po at ang kulang na lang ay makita ko ang mga ginto."
Napahawak siya sa baba niya at tumingin sa itaas. "Pwede. Pwede natin siyang buksan mamaya pagkatapos natin pag-usapan 'yang plano mo. At pagkatapos din ng misa ko."
"Okay po, Father. Dito pa rin po ba natin pag-uusapan? Mga ano'ng oras po?"
"Teka at isusulat ko kung saan at ano'ng oras. Mas mabuting sa ibang lugar natin pag-usapan ang mga ito dahil baka makahalata na sila Sister at ang iba na palagi mo akong kausap at hinahanap. Ayos lang ba sa iyo 'yon?"
Tumango ako. "Ayos lang po, Father. Kailangan naman po talaga nating mag-ingat."
Ngumiti siya bago isulat sa hawak niyang papel kung saan kami mag-uusap at ano'ng oras.
"Mamaya na lang natin ipagpatuloy ang pag-uusap, Spentice."
"Opo, Father. Pupunta po ako agad do'n bago ang nakatakdang oras."
"Early bird ka rin pala kagaya ng tatay mo. Parehas na pare—"
"Father Jacob! Pinapatawag ka ng nakakataas!" sigaw ni Father Josiah na biglang sumingit sa usapan namin.
"Sandali at papunta na!" sigaw pabalik ni Father Jacob. Humarap siya ulit sa 'kin at sinabing, "Sige Spentice, mauuna na ako. Pagpalain ka nawa ng Diyos."
"Thank you po, Father," I said while smiling.
Bumalik na si Father sa simbahan at ako naman ay bumalik na sa kotse ko. Hapon pa ang napag-usapan naming oras kaya may panahon pa para matulog.
Dumiretso ako sa bahay ni fiery priest at pumasok sa bahay na nasa itaas. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama hanggang sa tuluyan akong antukin at balutin ng kadiliman.
>>>>>
PAPUNTA ako ngayon sa napag-usapang lugar namin ni Father Jacob.
Sa isang fast food restaurant.
Nang makarating ako ro'n ay laking gulat ko nang makita ang isang tao na parang may inaabangan din na kilalang-kilala ko.
Mabilis kong pinarada ang sasakyan ko at lumabas.
"Fiery priest?" tanong ko habang lumalapit sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Itanong mo kay Father Jacob at pinapunta ako rito."
"Pinapunta siya? Bakit?" mahinang tanong ko sa sarili ko.
"Ikaw. Bakit ka nandito?" tanong naman niya.
"Uh... Pinapunta rin ako ni Father Jacob, oo," palusot ko.
"Hintayin na lang natin siya para malaman kung bakit niya tayo pinapunta rito."
Tumango na lang ako sa sinabi niya at sabay naming hinintay si Father Jacob sa labas ng fast food restaurant na ito.
Himala ata na kalmado ka ngayon, fiery priest?
Hindi ko na 'yon pinansin pa at naghintay na lang.
Maya-maya lang ay dumating na rin si Father Jacob na nasa kabilang kalsada at mukhang masaya.
"Father Josiah! Spentice!" tawag niya sa 'min at kumaway.
Kumaway din ako at nagbigay ng ngiti. Gano'n din si Father Josiah.
"Bilisan mo, Father!" saad ni fiery priest.
Napatawa si Father Jacob bago tumingin sa kaliwa't kanan at tumawid.
Pero hindi namin jnaasahan na ang pagtawid niya ang dahilan kung bakit unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi namin at parang nag-slow motion ang lahat.
"FATHER JACOB!"