SATFP: Chapter 21

1234 Words
"F-Father?! Father Jacob!" malakas na sigaw ni fiery priest at tumakbo papalapit kay Father Jacob. Sumunod naman ako sa kanya. Mabilis ang mga pangyayari na hindi namin inaasahan. Father Jacob was hit by an unknown car! Kita namin kung paano bumangga ang katawan ni Father Jacob sa harapan ng sasakyan ng kung sino at tumalsik papalayo. The car is tinted and don't have any plate number. And that car is moving now! Sh*t! May balak pa atang tumakas ng taong bumangga kay Father Jacob! Don't you dare, you f*cker! You can't run away after what you did! Aalis na sana ako para kunin ang kotse ko at mapigilan ang pag-alis ng taong bumangga kay Father nang may humawak sa laylayan ng damit ko. "S-Spent! H-Hospital! Kailangan nating dalhin si Father sa hospital! D-Dali!" pagmamakaawa ni Father Josiah habang nasa bisig niya si Father Jacob na duguan at naghihingalo na. Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Father Jacob at sa sasakyan na bumangga sa kanya na papalayo na sa 'min ngayon. D*mn it! What should I do first?! "Spentice!" Napabalik ako sa wisyo nang tinawag ni fiery priest ang pangalan ko. Bahala na! Buhay ni Father Jacob muna ang dapat unahin! "F-Father, l-lumaban ka. K-kumapit ka lang. Lumaban ka, Father Jacob! Spent..." Hindi man ipakita sa 'kin ngayon ni fiery priest ang nararamdaman niya ay alam kong nag-aalala siya sa nangyayari at natatakot sa posibleng mangyari kay Father Jacob. "Okay, wait!" Dali-dali akong tumawid papunta sa kabilang kalsada at pumasok sa kotse ko. Dinala ko 'yon palapit kina Father Josiah. Pansin ko rin na dumarami na ang mga taong nakikiusyoso at tumitingin sa nangyari. "Hindi ba si Father Josiah 'yan?" "Oo, ate, si Father Josiah 'yan. Ano bang meron d'yan? May nangyari ba?" "Nabundol 'yong isang paring kasama nila at mukhang nakatakbo na ang bumangga." "Hit and run? Nako, yari siya kay Father Josiah." Hindi ko na pinansin 'yon at agad na tinulungan si Father Josiah na mailagay si Father Jacob sa backseat ng kotse ko. "Bilis, Spent! Sa malapit na hospital lang! Father, please! Lumaban ka!" tarantang saad ni fiery priest. I can't blame him if he can't relax and be calm right now. It's a serious situation. Mabilis akong pumunta sa driver's seat at pinaandar na ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na hospital. Hindi pa ako pamilyar sa lugar na ito pero may nadaanan ako kaganinang hospital kaya ro'n na lang ako didiretso. Maya't maya akong napapatingin sa rearview mirror dahil sa pag-aalala rin kay Father Jacob. I'll make sure to find that hit and run man if anything happens to Father Jacob. "J-J-Jarren..." "Father? Huwag na kayo magsalita, Father. Malapit na tayo sa hospital, lumaban ka lang!" "Father Jacob, don't leave us, please." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita habang nakatingin sa kalsada. "S-S-Spentice..." "It's okay, Father Jacob. Everything will be okay." Father Jacob is one of the precious person to me. Pa'no na ang plano kong ilabas ang mga ginto kung wala siya at wala akong makakatulong? Si Father Jacob lang ang may alam tungkol sa mga ginto at kabisado din ang buong simbahan. At isa pa, kaibigan siya ng tatay ko at masakit para sa kanya na malamang may nangyaring masama kay Father. But I'm staying thinking positive, Father Jacob will be fine. Rinig kong biglang napaubo si Father kaya agad akong napatingin sa rearview mirror. Dugo ang lumabas sa bibig si Father Jacob pagkatapos niyang umubo. Bullsh*t! Malala na 'to at kinakailangan nang madala si Father Jacob sa hospital. I accelerated my speed para makapunta agad sa hospital. Halos lahat ng sasakyan na nasa unahan ko ay nauunahan ko na pati na ang traffic. Nakarating kami sa hospital ilang minuto ang lumipas. Agad kong hininto ang kotse ko sa tapat ng hospital. "Emergency!" sigaw ko agad pagkababa ko ng kotse. Binuksan ko ang pintuan sa backseat. Sakto naman na dumating ang doctor at mga nurses na may dala-dalang stretcher. Agad na nilabas si Father Jacob sa kotse ko at nilagay sa stretcher. Tulak-tulak nila ang stretcher papasok sa loob at tumatakbo. Nakahawak si Father Josiah kay Father Jacob samantalang ako ay sumusunod lang sa kanila. "F-Father? Lumaban ka lang! Father Jacob? Father Jacob?!" sigaw ni fiery priest habang papasok kami sa Emergency Room. Napalapit ako bigla kay Father Jacob habang nasa stretcher at dinadala na sa hihigaan niya rito sa Emergency Room. Bakit hindi pa sa Operating Room? "Father Jacob..." Hinawakan at pinakiramdaman ko ang pulsuhan ni Father at pahina na ng pahina iyon. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan nang dahil do'n. Huwag kang bibitaw, Father Jacob! "Atras po muna kayo Father at Ma'am. Hanggang dito na lang po muna kayo." Umatras kami ni Father Josiah at hinayaan ang mga staff ng hospital na umasikaso kay Father Jacob. "One, two, three!" Nilipat nila sa higaan si Father at inumpishan pasakan ng kung ano-ano at turukan. I'm not a doctor kaya hindi ko alam kung ano'ng ginagawa nila. Ang tanging magagawa na lang namin ngayon ay maghintay at pagkatiwalaan ang mga doctor. "Good afternoon po, kung okay lang po ay kukunin ko po ang identity ng pasyente at ano pong nangyari," saad ng nurse na lumapit sa 'min. Kahit pa gulat na gulat pa rin kami sa nangyayari at lutang ay nagawa pa rin namin sagutin ang mga tanong mg nurse. Si Father Josiah ang sumasagot ng tanong tungkol sa personal life ni Father Josiah. "It was hit and run. Tumakas atng saralin na may gawa nito kay Father Jacob," sagot ko naman nang maitanong kung ano'ng nangyari kay Father. "Thank you for cooperating po." Hindi na namin pinansin ang nurse dahil nakapokus na ang atensyon namin kay Father Jacob. Kay Father Jacob na unti-unti nang nagi-straight line ang heartbeat niya na nasa monitor. Hindi, hindi pwede! "Cardiac arrest! Doc!" "Ready na defibrillator!" "Father Jacob!" biglang sigaw ni fiery priest at pupunta sana sa kinalalagyan ni Father Jacob nang pinigilan ko siya. "Father Jacob! Lumaban ka! Hindi mo pa naman oras 'di ba?! Father!" F*ck! This can't be happening! "150 joules. Clear, shoot!" Dinikit ng doctor ang hawak niya sa dibdib ni Father dahilan para umangat bigla ang katawan nito. Ramdam ko ang pagpupumiglas ni Father Josiah sa pagkakahawak ko pero hindi ko siya hinayaan na makawala. "180 joules. Clear, shoot!" Wala pa ring nangyayari kay Father Jacob dahil hanggang ngayon ay straight line pa rin ang nasa monitor na heartbeat niya. "200 joules. Clear, shoot!" The doctor stop using the defibrillator and start the CPR. But still, nothing has change. Is this real? Is this really happening? Hindi ba ako nananaginip lang? Parang biglang nabingi ang tenga ko nang patuloy pa rin ang pagtunog ng machine na naka-indicate ang heartbeat ni Father. Matinis na tunog ang naririnig ko sa machine at straight green line naman ang nakikita ko sa monitor. Nakita ko kung paano malalim na napabuntong hininga ang doctor at tumingin sa relo niya. "Time of death..." Biglang napabagsak sa sahig si Father Josiah at gano'n din ako na nakahawak sa kanya nang dahil sa narinig. "No! No, no! Father... Father Jacob..." Kita ko kung paano unti-unting bumuhos ang mga luha ni fiery priest na alam kong kanina niya pa pinipiglan. Napatingin ako kay Father Jacob. Hindi ko namalayan na may tumutulo na rin palang luha sa mga mata ko. Sh*t. This can't be. How is this happening? Father Jacob is dead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD