"Father Josiah? Hi! Condolence nga pala," awkward na sabi ni Tristan kay fiery priest habang nakangiti pa.
Ang ingay kasi ng tatanga-tangang 'to. He clearly shouted that my father is a mafia boss for heaven's sake!
Hindi pinansin ni Father Josiah ang sinabi ni Tristan at diretso lang nakatingin sa 'kin.
Okay na kami kahapon, nagkalinawan na. Tapos ngayon, mukhang kailangan ko na naman ihanda ang sarili ko sa mga tanong niya.
"May tinatago ka pa ba sa 'kin, Spent? Did I heard it right? Mafia?"
Ito na nga ba ang sinasabi ko.
I already told you, fiery priest. Na hindi mo dapat ako pagkatiwalaan ng todo. Kasi ikaw lang din ang mahihirapan kapag nalaman mo kung sino ang tunay na ako.
"Fiery—"
"What did you say again?" tanong niya kay Tristan na hindi na hinintay pa ang sasabihin ko.
"Huh?..." Napatingin sa 'kin si Tristan na parang nanghihingi ng tulong bago ibalik ang tingin kay fiery priest. "Na nandito ang tatay ni Spentice?"
Napabuntong hininga na lang ako. Tristan! You're such an idiot!
"No. After that. That her father is a mafia what? And what mafia again?"
In his question I can sense his sarcasm in there.
"Ang tatay ni Spentice ay isang mafia..." Napatingin na naman sa 'kin si Tristan na agad kong inilingan.
"Enough. Father Josiah, whatever you are thinking right now, ipagsawalang bahala mo muna. Focus on Father Jacob first," I said to calm the awkward situation.
He sarcastically laugh. "Talaga nga naman. Hindi ko na alam kung dapat pa ba talaga kitang pagkatiwalaan. I think I made a mistake trusting you."
It's your decision and choice Father, not mine. I clearly said that I didn't ask you to trust me.
Alam ko sa sarili ko na hindi dapat ako masaktan sa sinabi niya but what he said has really an impact to me.
No matter how I tried to blame him for his disappointment for trusting me, hindi ko pa rin maiwasan na isipin na kasalanan ko rin.
"Hey, Father Josiah, Spentice is a trustworthy person. She being a daughter of a mafia—"
"Shut your mouth. Hindi ko hinihingi ang opinyon mo," putol niya sa sasabihin ni Tristan. "And for you Spentice, umalis ka na sa bahay. Ayaw kong tumira na may kasamang anak ng isang mafia boss sa iisang bahay. Criminals," he added.
Nag-umpisa na siyang maglakad para umalis na. Nabangga niya pa ang balikat ko paglagpas niya sa 'kin.
He seems so pissed off.
But what he said pisses me off too.
What? Criminals?
Alam ko na mga kriminal kami. Hindi na niya kailangan sabihin pa na parang isa kami sa kinaiinisan niya.
Okay, sabihin na natin na inis at may galit talaga siya mga kriminal. Kaya nga maraming humahanga sa kanya dahil sa pagiging superhero niya at pag-uubos sa mga kriminal. Na ginagawa niyang matuwid na landas ang bumabalikong landas ng mga tao.
Inis akong napahawi pataas ng buhok ko.
Sh*t! I don't make any sense! Fiery priest too doesn't make any sense!
"S-Spent, y-your fa—"
"And you doesn't make any sense too!" singhal ko kay Tristan.
"Ano?! At bakit ako nadamay bigla?!"
"Kung hindi mo sinabi kanina ang pangalan ng mafia namin, eh 'di sana wala tayong problema! But you clearly shouted that my father, the Viglianco Mafia boss is here!" mahina kong sigaw sa kanya.
"Okay, chill lang! Kasalanan ko na, oo na. Hindi ko naman kasi alam na nasa malapit lang pala ang paring 'yon."
"Such an idiot."
"Sorry na, Spent. Huwag ka ng magalit sa 'kin, please?" He showed me his puppy eyes and gummy smile while begging.
And seeing him like that creeps the hell out of me!
"Stop that. Hindi nakakatulong."
Dahan-dahang nawala ang puppy eyes at gummy smile niya.
"Fine!" he shouted. Nag-cross arms pa siya at parang bata na padabog umupo sa upuan.
Napairap ako sa kawalan dahil sa pag-iinarte niya.
"Ako na nga nag-inform sa kanya na nandito ang tatay niya, nagalit pa sa 'kin?! Wala na ba akong nagawang matino sa buhay niya?! Tapos hindi pa ako maalala na nagkita na kami dati. Ano 'to, joke?" bulong niya sa sarili niya.
Napailing na lang ulit ako bago umupo rin sa tabi niya.
This prosecutor is a certified idiot with his commercial-like smile.
"Where is he?"
"Sino? Ako ba kausap mo?"
Tumango ako.
"Si Mr. Viglianco ba?"
Tumango ulit ako.
"Nasaan siya ngayon?"
I nodded for the third time.
"May gusto ka ba sa 'kin?"
Tatango na sana ako pero napatigil nang ma-realize ang tanong niya.
Wala sa sariling nabatukan ko siya. Next time baril na ang ipanghahampas ko sa kanya.
"Aray naman!"
"Ayusin mo mga tanong mo, Tristan. At ang isasagot mo. Baka mawala bigla 'yang future mo sa isang iglap," pagbabanta ko.
Hinimas niya ang batok niya bago sumagot.
"On the way na galing airport at didiretso rito. Hindi ka kasi ma-contact ni Zach kaya sa 'kin tumawag. Ano bang nagyayari sa 'yo at hindi ka raw sumasagot sa tawag? Where's your phone?"
Napakapa ako sa bulsa ko at mukhang naiwan ko ang cellphone ko sa bahay ni fiery priest.
Napahampas ako sa noo ko. Sino'ng tao ang makakaiwan ng cellphone sa panahon ngayon?
I'm too pre-occupied from Father Jacob's death kaya nagiging lutang ako.
"I forgot it."
"Nako, nako. Buti na lang at pumunta ako rito para sabihan ka nang malaman mo."
"Na sana hindi mo na lang ginawa."
"Oo na nga, it's my fault. Wala na rin naman akong magagawa dahil nangyari na. I can't turn back time, Spent."
Sa bagay, may point siya ro'n. Nangyari na nga at hindi na magbabago kahit magsisihan pa kami.
Ang kaso, wala na naman akong matutuluyan dahil pinapalayas na ako ng may-ari ng bahay. Lilipat na naman ako nito.
"It's okay. Hayaan mo na at kakausapin ko na lang ng maayos si Father. Explaining what I have to explain."
"Mukhang pinagsisisihan niyang pinagkatiwalaan ka niya."
"Obvious ba?" I said with sarcasm. "But I never said that he should trust me the way Father Jacob did."
"Teka nga, ano bang meron kay Father Jacob?"
"Curious ka? Mag-imbestiga ka. Prosecutor ka 'di ba?"
"Parang sasagutin lang ang tanong ko, kailangan pa bang imbestigahan 'yon?"
Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. Sagutin niya ang tanong niya.
Napatingin ulit ako sa simbahan. Parami na nang parami ang mga taong dumadalaw kay Father Jacob. Sinusulit na ngayon dahil bukas ay ililibing na si Father.
"Tristan," tawag ko at bumaling sa kanya.
"Hmm?"
"Do you know some hotels or apartments here na medyo tago at kaunti lang ang nakaaalam?"
"Siguro? Bakit?"
"Find me one. For me and for my father. Maraming makakaalam na lumipad papunta rito si Dad kaya marami ring magtatangka sa mga buhay namin. The Viglianco Mafia boss and his daughter are here. One shot and double kill kami kapag nagkataon na may mga kalaban na magtangkang sumugod at patayin kami."
He scoffed. "Kayo? Ikaw at si Mr. Viglianco? Tingin niyo ba mapapatay kayo ng mga kalaban niyo? No, baka ang kalaban niyo pa ang mamatay."
"I'm doing this to be sure. Ayaw niyo naman sigurong magkaroon ng bakbakan at gulo rito sa Sta. Lazero 'di ba?"
"Okay, sige. I'll find one."
"Good. Thanks."
"Walang thanks, dapat kiss," he said pointing on his cheeks.
"Gusto mong ang nguso ng baril ang magbigay ng kiss sa 'yo?" pananakot ko at humawak sa baril na nasa gilid ko.
"Hard pass!" Lumayo siya sa 'kin at pinorma ng ekis ang kamay niya.
"Bumalik ka na nga sa office niyo at magtrabaho."
"Breaktime namin. Mamaya pa balik ko. Nga pala, Spent, pwede naman kayo sa condo ko kung gusto mo lang. Maluwag pa naman do'n at medyo private ang information—"
Hindi ko na naintindihan pa ang mga pinagsasabi ni Tristan nang may makita akong puting yayamaning sasakyan na pumarada sa tapat ng simbahan.
And my father with his powerful presence came out to that car that makes everyone look into him. He make himself stand out with his own aura.
"Here comes the mafia boss," mahinang sabi ni Tristan na agad kong siniko.
"Spentice, my daughter!" tawag niya sa 'kin nang makita ako pagkalabas niya sa sasakyan. He waved his hand with his innocent smile, but devilish inside.
Kumaway ako pabalik sa kanya at tumayo na. Sasalubungin ko na sana siya nang may mas naunang sumalubong sa kanya kaysa sa 'kin.
At hindi ko inaasahan ang ginawa niya sa tatay ko.
What the hell?!
"Father Josiah!" sigaw ko.