SATFP: Chapter 24

2145 Words
"Ano'ng vault? Wala akong alam d'yan," palusot ko. "Oh c'mon, Spentince! Reaksyon mo pa lang alam ko na." "Alam mo ang ano?" "Are you going to deny everything?" "I'm not denying, Father Josiah." "Ha! Ibang klase ka rin talaga, Spent." "Mas ibang klase ka, fiery priest." Hindi ako aamin sa mga pinagsasabi mo lalo na't ang nalaman mo ay isang malaking sikreto. "Hindi kita titigilan hanggat hindi mo sinasabi sa 'kin ang totoo." Nakatingin lang ako sa kanya at gano'n din siya na may matatalim na tingin. Should I tell him about just the golds? Not included my real identity. "What truth you want to hear?" I asked. "At the very first you are here and your connection with Father Jacob." "It means you want to know everything? Sorry to say but I can't tell you everything. I have my own privacy." "Privacy mo mukha mo. Wala akong oras sa mga palusot mo. Kaya kung ayaw mong sasabihin, hindi pwede! Dahil kailangan kong malaman ang katotohanan." I inhaled and exhaled to control my patience. I need to do it dahil gigil na gigil na ako sa paring kaharap ko na 'to. Kanina seryoso ang awra niya ngayon naman ay puro tanong. "Pa'no mo nalaman ang vault na sinasabi mo? Kailan pa?" Kapag sinabi niya kung pa'no, I'll answer his curious questions. "Last night. Nang dumating ang pamilya ni Father ay dumiretso ako sa simbahan. Pagkatapos ay pumunta ako sa palagi niyang pinagtatambayan at pinagpapahingahan tuwing wala pang misa, ang kwarto niya sa simbahan. Nagtataka nga ako kung bakit wala siyang pinapapasok doon ni isa bukod sa kanya. He said it's sacred." "Pero dahil makapal ang mukha mo at hindi marunong sumunod ay pumasok ka pa rin sa loob at nangalkal." "That's right!" Pumitik pa siya sa ere nang makuha ko ang kinikwento niya. "Pero hindi makapal ang mukha ko at hindi marunong sumunod." Nagkibit balikat ako. Hindi ba? "Whatever. Continue your story." "So ayon na nga, hindi ko alam kung bakit ako napunta ro'n pero dahil nando'n na rin naman na ako, pumasok na ako sa loob. Matagal ko na rin naman gustong pumasok do'n para samahan si Father kapag wala pang misa pero pinagbabawalan niya ako. The doors there on the right side are securely lock while on the other are not. First time kong nakapasok do'n kaya tiningnan ko lahat ng kwarto simula sa walang lock." I yawned in the middle of his story telling. "Sabihin mo lang kung gusto mo ng matulog, Spent," he said with sarcasm. "Sorry, excuse. Ituloy mo lang, nakikinig ako." Inikot niya ang mga mata niya bago magpatuloy. "Walang kahina-hinala sa loob bukod sa mga kwartong naka-lock. Then curiosity hits, sinira ko ang lock ng nasa unahang pinto. Isa lang simpleng kwarto ng isang pari ang nando'n, that's what I thought. Pero may nagalaw ako ro'n habang tinitingnan at pinapakialaman ang lahat ng nasa loob. May nakaharang na divider na madali lang mabubuksan papunta sa kabilang kwarto naman." "Ang kwartong may nag-iisang upuan lang at may napansin kang kakaiba kaya tinanggal mo 'yong upuan, tama ba?" "Yes, napansin ko ang vault na nakalantad na sa ilalim ng upuan. Ang vault na kahina-hinala kung bakit may gano'n sa loob ng simbahan." Nakalantad? Pano'ng nakalantad? The last time we open it, I make sure that the vault's opening ay hindi mapapansin dahil saktong-sakto lang ang takip na naghaharang dito sa sahig. At pa'no niya agad napansin na may vault na nakatago sa ilalim ng upuan? "What do you mean that it's already exposed?" "Base kasi sa design ng sahig, may nakalagay pa dapat na kahoy ro'n na parang takip ng vault pero wala ng nakalagay. Kaya nakita ko 'yon. And you have something to do with it, right? Kaya ka palaging nasa simbahan at palaging hinahanap si Father ay dahil do'n. Alam ko naman na hindi pagsisimba ang pinupunta mo sa simbahan." Ako naman ang napangisi ngayon. Impressive observation and thinking skills, fiery priest. Or is it just your luck? Pero nakakapagtaka lang ang sinabi niyang walang nakaharang sa vault at walang nakatakip na kahoy na sa pagkakatanda ko ay naibalik ko 'yon ng maayos dati. Tinanggal ba 'yon ni Father Jacob dahil alam niyang pupuntahan namin ang mga ginto? At isa pa, bakit pati si Father Josiah ay nasa meeting place namin ni Father Jacob? "Okay, I won't deny it. 'Yon nga ang palagi kong pinupunta sa simbahan. The vault." "Ano'ng meron sa vault na 'yon?" "Bakit ka nando'n sa meeting place namin ni Father Jacob kahapon?" "What? Pinapunta ako ro'n ni Father at hindi ko alam na ikaw rin pala ay pinapunta niya." What the hell is Father Jacob thinking? Bakit niya naman papapuntahin si Father Josiah sa meeting place namin at ang pag-uusapan pa namin ay tungkol sa mga ginto? "So what's with the vault?" Inubos ko ang iniinom kong tubig at inilapag sa mesa bago sumagot. "Tons of golds." Nagulat ako nang bigla siyang mapatayo at may nanlalaking mga mata. Gulat na gulat sa sinabi ko. "G-g-golds?! There's a golds hidden at our church?!" he shouted. "Baka gusto mong hinaan ang boses mo, fiery priest. I don't want anyone to know about it aside from you and Father Jacob." Napaturo siya sa sarili niya at sa 'kin pabalik-balik. "So, tayong tatlo lang ang nakakaalam ng tungkol do'n? Minus Father Jacob that already passed away." Tumango ako. "Keep it a secret as much as possible." "Papaano nagkaroon ng mga ginto sa ilalim ng simbahan?" "It's all about the history of my father and Father Jacob. Hindi mo na kailangan pang malaman kung paano." "Sino ang may-ari ng mga ginto?" "My beloved father." "You said tons of golds. Nakita mo na ba ang mga 'yon? Nakapasok ka na ba sa kwarto ni Father Jacob?" "No, hindi ko pa nakikita ang mga ginto ng tatay ko but knowing him, I'm sure there's plenty of it. And yes, nakapasok na ako sa kwarto ni Father Jacob at nakita na rin ang vault na sinasabi mo." "Wait, wait. Paano nangkaroon ng maraming ginto ang tatay mo?" This priest is full of "how" questions. Digging more information about me and the golds? Curious? "Privacy," I said without answering his question. "Napakagaling mo talagang umiwas sa mga tanong, Spentice." I scoffed. "Don't bother. Now you know about why I'm always at the church, baka gusto mo ng tingnan ang CCTV footages nang maniwala ka na ang pagkamatay ni Father Jacob ay sinadya." "Naiintindihan ko na ang video. And by these footages, I'm also convinced that Father Jacob's death is planned." "Good. Now, I need to investigate more about the culprit. Kailangan siyang mahuli—" "Spentice, there's something I couldn't get it." "What?" "The way you will investigate it, your private investigation. At kung paano mo nakuha ang mga footages na ito. Ang mga pulis ang dapat gumawa nito at hindi ikaw." "Inunahan ko na sila because I know there is something wrong about the hit and run accident of Father Jacob." "Who are you? I mean, aside from your name—" "I'm a registered lawyer. And here's my license," putol ko sa sasabihin niya at pinakita sa kanya ang ID ko. "I studied law and work as a lawyer in Italy." D*mn, wrong. I'm actually a mafia lawyer. But I can't say that to him. That I am a part of the mafia and work for the mafia. Pinagmasdan niyang maigi ang ID ko. Kinikilatis niya ba kung totoo o peke iyon? "Bakit ang cute mo rito sa picture?" Alam ko sa sarili kong nabigla ako dahil sa sinabi niya pero pinagsawalang bahala ko 'yon. "Give it back." Ako na mismo ang kumuha ng ID ko at ibinalik sa wallet ko. Pumalakpak siya ng tatlong beses. "And that's how I can finally breath freely. Nalinawan ako sa kung sino ka at bakit mo ginagawa ito. At ang tungkol sa mga ginto na palagi mong pinupunta sa simbahan." "You know what? I like it if you are just a serious priest like while ago and not a hot-tempered priest." Lumapit ako sa laptop ko at pinatay na 'yon. Kinuha ko ang flashdrive at inilagay rin sa wallet ko. This is an evidence that must be protected. Umiling siya sa sinabi ko. "I, Father Josiah, is a fiery priest." I chuckled. Kanina lang seryoso ang usapan namin at nagtatalo pero ngayon okay na dahil nagkaliwanagan na. "You know what, Spent? I can also finally say that I didn't make a mistake to trust you. You are trustworthy." Napatigil ako sandali. Hindi na bago sa 'kin na may nagtitiwala sa 'kin at pinagkakatiwalaan ako. Pero parang iba ang dating no'n kapag ang isang pari na si Father Josiah mismo ang nagsasabi na nagtitiwala siya sa 'kin. And I'm afraid that I can break your trust again by knowing the real me, fiery priest. I cleared my throat. "Since everything is settled and alam mo na rin na ang nangyari kay Father ay hindi normal na aksidente... Maybe you can go now dahil magpapahinga na ako. Wala pa akong tulog mula kagabi at alam kong ikaw rin." "Okay. Sabihan mo ko kapag gagawin mo na ang imbestigasyon mo, tutulong ako. Hindi pwedeng hindi dahil baka ipagkalat ko ang sikreto mo. May panlaban na rin ako sa 'yo, Spent. Hawak mo ang sikreto ko at hawak ko naman ang sikreto mo. It's a tie," aniya na may ngisi sa labi habang naglalakad na papalabas. "Ingatan mong huwag sabihin ang sikreto ko nang ingatan ko rin ang sa 'yo." "Copy that!" Tuluyan na siyang lumabas at bumalik sa bahay niya. Magpapahinga na rin siguro. Humiga ako sa kama at huminha ng malalim. For now, It's better that he just know about the golds and I am a lawyer which is actually true. But to be more specific, I work for the mafia. And I'm not the only one whose convinced that there is something wrong with Father Jacob's accident. I'll focus my investigation now on finding the culprit. The culprit on the run that will give us a hard time to find. Habang nag-iisip kung paano ko hahanapin ang driver ng sasakyan na 'yon ay bigla kong naalala si Dad. I wonder if Dad is fine. Is he okay? He didn't call me back until now. I think he needs more time to digest what happened to his bestfriend. At alam ko rin na maraming pinagsisisihan ngayon si Dad, from all of his lies to Father Jacob. Hindi ko namamalayan na unti-unti na palang tumitiklop ang talukap ng mata ko hanggang sa kinain ako ng kadilaman. NASA tapat ako ngayon ng simbahan kung saan nasa loob ng simbahan si Father Jacob. Si Father Jacob na nakahiga sa malambot tulugan at mahimbing na natutulog. Dito nilagay ng pamilya ni Father Jacob si Father. Sa simbahang pinagsisilbihan niya ng ilang taon. Maraming tao ang dumadalaw sa kanya at nagco-condolence sa pamilya niya. Pumasok ako sa loob ng simbahan at pinuntahan ang katawan ni Father Jacob. Nag-condolence rin ako sa pamilya niya bago tuluyang lapitan si Father. Father Jacob, you did great while living here. You're a nice person and a priest to every people. And I admire you for that. Thank you for everything that you did to my family. You will always remember, Father. He will always be remember and cherish. "Father Jacob..." Napatingin ako sa gilid ko nang may biglang malungkot na boses ng lalaki ang tumawag sa pangalan ni Father Jacob. It's fiery priest. Nilagay niya ang kamay niya sa glass at hinimas iyon. "The Lord is now with you, Father. Salamat sa lahat ng itinuro mo sa 'kin at pagiging mapasensyahing mentor ko..." I tapped Father Josiah's back at umalis na ro'n. I know na maraming siyang sasabihin kay Father kaya hinayaan ko na siyang mag-isa ro'n at kausapin si Father. Lumabas na ulit ako ng simbahan at napatingin sa maaliwalas na kalangitan. Umupo ako sa palagi kong inuupuan na bench dito sa labas ng simbahan. Lahat ng parte ng simbahan na 'to ay naaalala ko si Father Jacob. Ang paring ngumingiti tuwing tinatawag ko ang pangalan niya. Ang paring napaka-supportive sa pamilya namin. Ang paring mapagkakatiwalaan ng sikreto. Ang paring hindi matutumbasan sa sobrang bait. Ang paring role model ng lahat. Bago ko pa lang nakilala si Father pero iba na ang naging epekto sa 'kin ng pagkawala niya bigla. At sisiguraduhin kong pagbabayarin ko ang sinumang gumawa nito sa kanya. I'll make sure of it. "Spentice!" "Spent! Spent!" Dalawang tao ang tumawag sa pangalan ko pero mas nabigyan ko ng pansin ang taong tumatakbo papalapit sa 'kin ngayon. "Tristan?" "Spent!" Hinabol niya ang hininga niya bago nagpatuloy. "Your father! The Viglianco Mafia boss is here!" "What?!" gulat kong tanong at napatayo. "Viglianco Mafia?" Pero mas nagulat ako nang may magsalita sa likod ko at sabay kaming napatingin do'n ni Tristan. F*ck. I'm doomed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD