Kabanata 25 Lunch time ng malaman ko naman kay Maddie na umalis na naman pala si Trigger. Dinalhan kasi niya ako ng lunch dito sa kwarto, ayuko sanang kumain pero binantayan naman niya ako ang higpit daw kasi ng bilin ni Trigger na dapat ay kumain ako sa tamang oras. Kaya kahit na wala pa akong gana, kumain nalang ako para kay Baby. Gusto ko sanang itanong kung alam ba niya kung san nagpunta si Trigger kaso lang nahihiya ako. Kaya nanatili nalang akong tahimik hanggang sa maubos ko na yong pagkain ko at umalis na si Maddie. Nagbilin pa nga siya na kung my gusto daw ako, pindutin ko lang yong intercom na nakaconnect sa kitchen at pupuntahan niya ako agad. Sigh. Muli ko namang binaling yong tingin ko sa marriage contract na nasa ibabaw ng bedside table ko. Sigh. Matapos sabihin sakin ni T