Kabanata 26 Dahan-dahan namang lumapit sakin si Trigger. Ang dilim-dilim talagan g mukha niya, mas madilim pa sa gabi. Err- joke lang! Basta ang sama-sama ng aura ni Tirgger bigla ngayon. Mukhang mali – este maling-mali talaga na nagtanong ako ng tungkul kay Ciffer! Nasira ko pa ata yong mood niya dahil sa pagtatanong ko. Hinawakan niya yong baba ko dahilan para magtama yong mga tingin namin. Sunod-sunod akong napalunok at gustong-gusto ko na sanang mag-iwas ng tingin pero hindi ko magawa-gawa. Mas lumapit pa ng lumapit yong mukha niya sakin hanggang sa nagkadikit na yong dulo ng mga ilong namin, kusa namang napapikit yong mga mata ko ng maramdaman ko yong malambot niyang labi sa labi ko. Kakaiba 'tong halik niya sakin kesa don sa mga halik niya sakin kahapon. Ang bilis-bilis ng paggala