Naging normal ang naging takbo ng pagligo namin sa bathtub kahit gaano pa ka-intense at ka-wild ng mga position na sina-suggest ni Davos sa akin. Naiilang ako nu’ng una pero nagawa ko ring maka-adjust sa huli. Nauna na siyang lumabas sa aming dalawa sa kwarto pagkatapos niyang magbihis. Well, lalaki kasi siya kaya given na mas mabilis silang matapos compared sa babae. Humarap ako sa salamin na may mga bumbilya sa buong gilid na bigla na lamang nakahanda kani-kanina lang. Tila ba may mga kasambahay ang naatasang ihanda ito habang naliligo kami sa may banyo. May mga mamahaling Maybelline New York makeup products, primers, blush ons at kung anu-ano pa ang nakalapag sa harap nito. Mukhang missing in action ngayon ang si Alicia, ang fashion designer ko kuno. Mabuti na lamang at may talent a

