Nagising ako kinaumagahan ng may ngiti sa aking labi sa kabila ng kaunting bigat ng pakiramdam. Tila ba pakiramdam ko ay wala na akong natitirang lakas at enerhiya sa aking katawan. Marahil ay dala ng pagod mula sa mga pinanggagawa namin kagabi. Tumingin ako sa aking tabi ngunit nagpagtanto kong wala na siya. Kahit papaano ay may kunting disappointment ang umusbong sa aking dibdib. Tila ba umasa ang puso ko na pagkagising ko sa umuga siya ang pinakauna kong masisilayan pero hindi nangyari. ‘Huwag ka ngang mag-drama, Dalarie. Buti nga at hindi mo kailangang malagay sa hotseat at awkward situation ng unang beses na paggising sa kama na hubad at kasama siya,’ giit ng aking utak. Alright, may point din naman. Namula ang aking mga pisngi at awtomatikong napahawak ako sa baba ng aking mga la

