Mabilis na lumipas ang araw at naging alas singko nanaman. Nangangahulugang oras na para umuwi mula sa trabaho. Mabilisan akong nagpaalam sa mga co-models ko at tsaka sinimulang binagtas ang pasilyo patungo sa may elevator. Pumasok ako sa loob nito at pinindot ang basement section. Ting! Tunog nito sabay awtomatikong bumukas nang makarating na kami sa ibaba. Ugh! Hindi ko alam pero ramdam kong tila ba may nakamasid sa direksiyon ko. Naiinis talaga ako sa ganitong weird na pakiramdam. Paranoid lang ba ako o talagang merong ngang nagmamasid sa akin na hindi ko napapansin. Mabuti na lamang at may ilang mga employees ng kompanya rin ang bumaba rito sa basement upang kunin ang kani-kanilang mga sasakyan. Kahit papaaano ay mas gumagaan ang pakiramdam ko kapag marami ang mga tao

