Napalikwas ako ng tulog nang tumunog ang aking selpon na nakalapag sa itaas ng lamesa malapit lang sa ulunan ng aking kama. Inis akong napahawak nito at pilit na pinatahimik sa pamamagitan ng pagtpatay nito. Ano ba ‘yan? Sinong matinong tao ba ang tatawag sa akin sa ganitong mga oras?! Haler… Kung hindi ako nagkakamali ay nasa bandang ala una y medya pa lamang ng umaga. Oras kung saan inaasahang mahimbing ng nakatulog ang mga tao. Ba’t naman super gising na gising pa ang kung sino mang nagda-dial ng number ko sa mga oras na ito? Well, pwera na lamang kung galing sa ibang bansa ang caller sa tawag. Maaring hapon pa o madaling araw pa roon. Wait-- What? Dito tila ba nagising ang aking diwa at mabilis na npaupo sabay kapa ng selpon na kapapatay ko lamang kanina. Dagli kong pi

