NOONG makarating sila sa airport ay agad din silang sinalubong ni Franco. Hawak ni Jhoyce ang isang bag na naglalaman ng gamit nila. Ayaw niya namang ipahawak ito sa kaibigan dahil pagod na at wala na itong lakas. Sakto ang oras para sa flight nila kaya sumakay na rin sila sa eroplano. Magkatabi sina Ira at Jhoyce at nasa likod naman nila si Franco. Sa kalagitnaan ng biyahe ay nanatiling tahimik at nakatingin lang si Ira sa labas ng bintana. Hindi nito alam kung ano ang mararamdaman nang malaman na makikita niya na rin ang pamilya sa ilang buwan na pangungulila niya rito. "Ira, kumain ka kaya muna," alok ni Jhoyce. Tumanggi naman si Ira sa kaniya. Nag-aalala pa rin siya kahit na alam niyang mapupuntahan na nito ang kaniyang pamilya. Sa unang beses ay ngayon niya lang mame-meet ang magula

