PABAGSAK na sinarado ni Ira ang pintuan ng sasakyan nang makababa ito. Napalingon pa sa kaniya ang lalaki dahil sa gulat at hindi alam kung ano ba ang kinikilos ng dalaga. Alam niyang may pinagdadaanan ito, pero hindi niya naman inaasahan na gagawin 'yon ng dalaga. Nang maiayos ni Allen ang pag-park ng kaniyang sasakyan ay dali-dali siyang bumaba para sundan si Ira sa may loob ng bahay. Wala ng katao-tao sa labas at halatang natutulog na dahil napakatahimik. Mabuti na nga lang at wala na ang kaniyang Mommy, nakaalis na ito kahapon pa kaya malaya na naman ulit silang nakagagalaw. Hinabol niya ang dalaga papunta sa kanilang kuwarto at naabutan niya itong nagtatanggal ng make up sa harap ng salamin. Kitang-kita niya kung gaano kahigpit ang pagkakahawak ni Ira sa cotton pad at kung gaano it

