NAPATAGILID ang mukha ni Ira nang sampalin siya ng lalaking naka-brace. Lahat ng tao nagulat sa nangyari at kahit si Jhoyce ay hindi makapagsalita nang makita ang ginawa sa kaibigan niya. May mga ilang taong concern kaya naman agad na nagpatawag ng guard. Samantalang hindi naman matukoy ni Jhoyce kung ano ang mararamdaman nang makita niyang tumatawa ang kaniyang kaibigan. Noon pa man ay alam niyang takot na takot ang dalaga na ipahamak o may mangyaring masama sa kaniyang mukha dahil nag-aartista ito at pumapasok bilang modelo. Ngayon sa isang iglap lang ay nangyari ang kinakatakutan nito, pero hindi ganoon ang inaasahan na reaskyon na makikita niya kay Ira. Sunod-sunod ang pagtawa ng malakas ni Ira at kahit ang ilang mga tao na nasa malalayo ay napapatingin na sa kaniya. Mahigpit na hi

