NAPADILAT ang mga mata ni Ira nang marinig ang sigawan sa labas ng kuwarto. Nang tignan niya ang katabi ay wala na si Allen doon katulad ng nakasanayan sa tuwing gigising siya sa umaga. Bigla naalala niya 'yong nangyari kagabi at kung paano pinunit ni Allen ang contract paper na parehas nilang pinirmahan noon. Pagkatapos ng pagsabi ni Allen na ititigil na nito ang pagiging contracted wife ni Ira ay may nangyari na naman sa kanila sa pangalawang beses. Itinapis niya ang kumot sa kaniyang hubad na katawan nang tumayo ito at naglakad para pulutin ang mga damit niya na nagkalat sa sahig. Nang matapos ito sa pagsuot ng kaniyang damit ay saka niya naman inayos ang kama na hinigaan nila. Naririnig niya pa rin ang mga sigawan sa labas kaya hindi na rin siya nagtagal sa loob at nakiusyoso roon. H

