LUMAPIT naman ang binata sa nanay nito at humalik sa pisngi niya bilang pagbati. Samantalang hindi niya alam kung anong mararamdaman nang makaharap ang dalaga. Hindi kasi ito umimik simula noong sabihin 'yon sa kaniya ni Ira. "Did you drink alcohol, again?" ani ni Alyanna nang maamoy ang alak sa damit ng kaniyang anak. Natahimik naman ang ilan at hindi kumibo. Mataas pa rin ang respeto nila kay Alyanna lalo na at magulang ito ni Allen at amo naman siya ni Isabela. Umikot ang mga mata ni Ira at napatikhim na lang sa gilid nang mapansin niya ang pulang marka sa may leeg ng binata. Mukhang alam niya na kung saan nanggaling ito nanggaling. Bago pa sila nagkakilala ay alam na ni Ira kung ano ang madalas na pinagkakaabalahan ng binata. Kung makikita ito ng kaniyang nanay ay paniguradong malal

