ISANG malakas na ungol ang lumabas sa bibig ng babae nang pasadahan siya ng mga halik ni Allen sa leeg. Nang matapos ay nagsigawan naman ang mga kasama niyang tatlong lalaki na may kaniya-kaniya ring babae na nabuo na hindi niya namamalayan. "Shot! Shot! Shot!" paulit-ulit na sigaw ng mga ito habang nakatingin kay Allen. Mayamaya pa ay inubos ni Allen ang alak sa isang malaking shot glass. "Whoooo!" hiyawan ng lahat nang ilapag ni Allen ang wala ng laman na baso sa ibabaw ng lamesa. Ang kaninang babae na hinalikan niya ay pumalakpak din sa binata sa pagkamangha. Ilang beses na ba nila itong pinainom, pero hindi man lang natumba ang binata na para bang ang taas ng tolerance nito pagdating sa alak. "Kaya mo pa, Dude?" pagbibirong tanong ng lalaking katabi ni Allen at tinatawanan lamang

