MAGMAMADALING-ARAW na nang dumating ang nanay ni Allen. Pagkakita pa lang ng binata sa itsura ng kaniyang ina ay namamaga na ang parehong mata nito dahil sa pag-iyak. Hindi rin ganoon kaganda ang kalagayan ni Alyanna na para bang pagod na pagod ito. Naiintindahan naman ni Allen ang sitwasyon ng kaniyang ina. Inalalayan ni Allen at tinulungan ang kaniyang ina na buhatin ang mga gamit na dinala nito. Umalis na rin kaagad ang driver na naghatid kay Alyanna dahil kailangan pa nitong bumalik sa Barrio Floresidad dahil ang asawa naman nito ang ihahatid sa trabaho. Nang makapasok sa loob si Alyanna ay bumungad sa kaniya ang malinis na bahay. "Nasaan sila?" tanong ni Alyanna at tinutukoy ang iba pang kasama ni Allen. Napakamot naman ng ulo si Allen nang mailapag niya ang gamit ng kaniyang ina sa

