NAIDILAT muli ni Ira ang kaniyang mga mata. Nakatutok siya sa kisame at nang tignan niya ang dalawang katabi ay tulog na tulog na ito. Hindi na iba sa dalaga ang pagtabi nito sa kaniya ng lalaki simula noong nagtrabaho siya rito. Alam niya naman na balang araw ay magagawa rin nila ang magtabi lalo kung pagpapanggap ang trabahong ginagawa niya. Hindi mapakali ang dalaga dahil nagpabalik-balik sa utak niya ang sinabi ni Allen nang marinig niya ito na may kausap sa cellphone kanina. Naalala niya 'yong nakita niyang talsik na dugo nito sa damit ng binata at panigurado ay may kinalaman ito sa kausap ni Allen kanina. Idagdag mo pa 'yong nakita niyang tao sa airport na iyon. Hindi kaya posibleng may connection din ito sa dugong nakita niya at sa kausap ng binata? Hindi imposibleng mangyari 'yon

