BUONG araw lang na nasa balcony si Ira nang magpaalam sa kaniya si Allen na aalis na. Habang hinihintay ang kaibigan ay napaisip ito kung ano ang mga gagawin kapag dumating na 'yong araw na kailangan niya na talagang magpaalam sa mga pangarap ng ate niya. Kanina naman ay napatawag si Ellie sa kaniya at sinabing bukas na ililibing si Direct Jay. Nagtanong siya kung anong mangyayari sa kanila sa trabaho pero walang nakuhang sagot ang dalaga. Kahit kasi si Ellie ay hindi na alam ang gagawin. Naagaw naman ng atensyon niya nang marinig ang pagbukas ng pintuan niya. Expected niya na kung sinong tao ang pupunta at nakakaalam ng password niya sa unit. Hindi na siya magtataka nang marinig ang pagtawag ng kaibigan niya sa pangalan nito. "I'm here!" sigaw ni Ira pabalik. Narinig naman kaagad 'yon

