BAGO pa man makalapit si Allen ay tinulak na ito ng mahina ng dalaga. Napaatras din si Ira ng isang hakbang at hindi siya makatingin ng diretso sa binata. Sobrang lakas ng t***k ng dibdib niya at baka kapag lumapit pa ito sa lalaki ay marinig na 'yon ni Allen. "T-Tara n-na," nauutal na pagyaya ng dalaga. Hindi niya na nilingon pa si Allen at naglakad palabas ng bahay. Mahinang napamura si Ira sa sarili at napangiwi pa dahil hindi niya na naman in-expect na mangyayari 'yon. Napatingin siya kay Allen nang maunahan siya nito sa paglalakad hanggang sa makarating sa kotse na gagamitin nila. Hindi na siya umasa na pagbubuksan pa siya ng pinto ng binata dahil sa nangyari, pero nagulat ang dalaga nang maghintay si Allen sa tapat ng pintuan ng sasakyan kung saan ang passenger seat. Pinipigilan

