PASADO ALAS DIYES na ng gabi nang tuluyang makapagpaalam si Prix sa mag-asawang Madrigal. Ayaw pa sana ni Aleister na umuwi siya pero idinahilan niyang pagod siya at may gagawin pa siya kinabukasan. Inaayos na niya ang mga gamit sa likod ng compartment ng kanyang kotse nang marinig ang boses ni Ace sa likuran niya. “Aalis ka na pala.” Hindi niya ito nilingon. “Bakit, pipigilan mo ba ako?” “No.” Ouch. “Kung ganon, bakit ka nagtatanong?” Matagal bago ito sumagot. “Dahil may atraso ka pa sa akin. Hindi ka puwedeng umalis nang hindi nakakapagbayad sa atraso mong iyon.” Masakit sa puso na iyon pa rin ang topic ng kanilang usapan. Ang walang katapusan niyang atraso rito. “Bayad na ako.” “Harapin mo ako, Prix.” Hinarap niya ito. “Tapos na tayo sa usapang iyan. I already talked to my frie