Chapter 4

1203 Words
ANIKA Nagising ako na nakahiga sa kama sa loob ng silid na hindi pamilyar sa akin. Bumangon ako, pero nasapo ko ang aking noo dahil bigla akong nakaramdam ng labis na pagkahilo. Bumukas naman ang pintuan, kaya nabaling dito ang aking paningin. May babaeng nakasuot ng uniporme ang pumasok, dala ang pitsel at baso sa ibabaw ng tray. “Gising ka na pala, Ma'am,” nakangiting sabi ng babae sa akin. Nangunot ang aking noo dahil hindi ko siya maalala, pero batay sa pananalita niya, kilala niya ako. “Sino ka?” “Ako po si Martha. Matagal na ninyo akong kasama dito sa bahay simula nang ikasal kayong dalawa ni Sir Harold,” nakangiting pakilala sa sarili ng kasambahay. “Gaano na po kayo katagal dito?” mahina kong tanong. Bumuka ang mga labi ng kasambahay para sana sagutin ang tanong ko, pero biglang bumukas ang pintuan at may babaeng pumasok. Ramdam ko ang talim ng kaniyang mga mata habang nakatingin siya sa akin. Hindi ko gusto ang aura ng babaeng ito, kaya nagkunwari akong tulala at hindi gumagalaw sa higaan ko. “Iwan mo muna kami!” matigas na utos ng babae kay Martha. Napatingin ang kasambahay sa akin at pagkatapos ay agad siyang nagbawi ng tingin nang tapunan siya ng masamang tingin ng babaeng dumating. “Leave us now!” Mukhang natakot si Martha, kaya napapitlag siya. “Sige po, Ma'am, lalabas na ako.” Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakahiga at hindi gumagalaw sa ibabaw ng kama. Pagsara ng pintuan, bigla akong hinawakan sa pisngi ng babae. Halos bumaon ang mga daliri niya sa mukha ko, pero kahit nasaktan ako, nagawa kong panatilihin na blanko pa rin ang aking ekspresyon. “Buhay ka pa palang, babae ka!” galit na sabi nito sa akin. “Para kang pusa, pero kahit siyam ang buhay mo, hindi ka pa rin makakaligtas sa susunod!” Kahit gusto kong lumaban, nagpipigil ako na huwag itong gawin dahil gusto kong malaman ang totoo. She won't suspect me because I'm in my vulnerable state. Hindi ko kayang makipagsabunutan sa kaniya dahil sa kalagayan ko, kaya hinayaan ko siya dahil alam ko na kusang lalabas sa mga bibig niya ang katotohanan. Malakas ang hinala ko na may kinalaman ang babaeng ito sa nangyaring aksidente sa akin. Wala man akong maalala, pero batay sa mga nakikita ko at naririnig ko mula sa mga taong lumapit sa akin at ngayon ay kasama ko dito sa bahay, sila ang may kasalanan kung bakit ganito ang kalagayan ko ngayon. “You bitçh, dapat namatay ka na!” malakas na singhal ng babae sa malapit sa mukha ko. Hindi ako gumalaw kahit ramdam ko ang sakit. Tanging ito lamang ang paraan para magsalita ang babaeng ito dahil alam kong hindi siya magsasalita kapag alam niya na normal ang lahat sa akin. “Ngayong bumalik ka, sisiguraduhin kong pagsisihan mong nabuhay ka pa!” Kinuha ng babae ang unan sa ulunan ko. Alam kong gagamitin niya ito sa akin, pero hindi ako gumalaw kahit inilapit niya ito sa mukha ko dahil sa gilid ng aking mga mata, nakita ko ang pagbukas ng pintuan, pero hindi ito napansin ng babaeng nasa gilid ng kama nang takpan niya ang mukha ko. “What are you doing, Clara?” Natigilan ang babae at napatingin, kaya nabitawan niya ang unan. Hinatak ng asawa ko ang babae palabas ng silid. Pabagsak na sumara ang pintuan, pero narinig ko pa ang malakas na tinig ng babae sa labas. Nakuyom ko ang aking kamao dahil kahit wala akong maalala, malakas naman ang aking pakiramdam. Nasa paligid ko ang banta sa buhay ko, kaya hindi ako puwedeng magtiwala sa kanila. Nang muling bumukas ang pintuan, pumasok dito sa silid ang asawa ko. May kasama siyang lalaking nakasuot ng puti. “Please check on her.” “Right away, Mr. Reyes,” sagot ng doktor. Sinuri ako ng lalaki, pero nanatiling tikom ang aking bibig. Gising ako, pero para akong walang buhay. Paulit-ulit niya akong tinatanong, pero nanatili akong tulala. Hindi ako sumagot, at hindi ko rin sila tiningnan. Sa kawalan lang ako nakatingin, at kahit kasama ko sila sa isang silid, para silang hindi nag-i-exist sa paningin ko, pero alerto ako habang nakikinig sa kanilang usapan. “Batay sa rekord ng pasyente, mukhang malaki ang impact sa kaniya ng aksidenteng nangyari sa kaniya, kaya bukod sa hindi siya makalakad ay na-trigger din ang away ninyo kanina ang traumatic experience ng asawa mo, kaya ganyan ang kondisyon niya ngayon.” Pinakinggan ko ang paliwanag ng doktor. Mukhang naniwala siya sa pagpapanggap ko, kaya ganito ang naging opinyon at findings niya sa akin nang tanungin siya ni Harold. “Gagaling pa ba siya?” “Yes, pero mabagal ang recovery ng ganitong case,” sagot ng doktor. “Let's hope na bumilis ang healing niya. Just avoid anything that will stress her. Her emotions matter a lot, so take care of your wife, para bumilis ang paggaling niya.” Naiwan si Harold dito sa silid. Matagal niya akong pinagmamasdan, na para bang gusto niyang basahin ang laman ng aking isipan. Para bang frustrated siya na may sakit ako. As if naman wala siyang babae kung mag-alala siya sa akin, kaya nakakaramdam ako ng inis dahil ang kapal ng mukha niya. Biglang tumunog ang cellphone ni Harold, kaya naputol ang malalim na pag-iisip ko. Narinig kong sinagot niya ito, kaya marahan kong iginalaw ang aking ulo at palihim ko siyang pinagmasdan. “Her condition is getting worse, Dad,” sabi ni Harold sa kausap. “How can I drag her into my office if she's crippled at ngayon ay parang lantang gulay sa kama dahil bigla siyang inatake sa puso kanina.” Ang sabi ni Harold sa kausap ay hindi na raw ako makagalaw, kaya narinig kong napasigaw ang taong kausap niya sa kabilang linya. “Now what, Harold?!” Malakas ang speaker ng cellphone na gamit ni Harold, kaya narinig ko ang tinig ng kaniyang ama mula sa kabilang linya. “Don't worry, Dad, I'll make sure na makukuha natin ang multi-million na agreement na ‘yan,” sabi ni Harold sa kaniyang ama. Marami pa akong narinig, pero habang nakikinig ako sa usapan ni Harold at ng kaniyang ama, ay napagtanto ko na kaya pala niya ako kinuha sa ampunan ay dahil may pakinabang siya sa akin. Hindi nila makuha ang malaking kontrata nang wala ako, kaya ipagagamot ako ng walang hiyang lalaking pinagmamasdan ko dahil kailangan niya ako. May ideyang nabuo sa isipan ko dahil ayaw kong gamitin ako ni Harold. Hindi ko alam kung ano ang tunay na estado ng relasyon naming dalawa, pero isa lang ang alam ko ngayon, at iyon ay hindi ko siya puwedeng pagkatiwalaan. He’s dangerous. User din pati ang kaniyang ama. They know his scheme, pero dahil kasabwat niya ito, kaya gagamitin rin ako ni Harold para matuloy ang deal na iyon. In that case, I will surely make sure na hindi sila magtatagumpay. I will be his karma, kaya ngayon pa lang, magbilang na sila ng araw dahil unti-unti ko aalamin ang lahat ng detalye sa pagkatao ko, at kapag napatunayan kong tama ang hinala ko, ay sisingilin ko sila ng mahal…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD