ANIKA
Dahil may sapat na katibayan at dokumentong hawak ang lalaking pumunta dito sa ampunan, wala akong nagawa nang sabihin ni Mother Superior na kinikilala niya ang karapatan niya bilang asawa ko at tagapag-alaga ko.
Niyakap ko nang mahigpit si Sister Anna. Sa kaniya ako naging malapit dito sa ampunan, kaya ngayong aalis na ako, mabigat ito sa loob ko dahil hindi ko na siya makakasama.
Dapat masaya ako dahil may pamilya na ako at nahanap na niya ako, pero bakit hindi ganito ang nararamdaman ko at bakit mabigat ang aking pakiramdam ngayong aalis ako dito sa ampunan at sasama ako sa lalaking malamig ang pakikitungo sa akin.
“Huwag ka nang malungkot. Dapat masaya ka na nahanap ka na ng pamilya mo,” sabi ni Sister Anna sa akin nang yumuko siya at yakapin ako.
Marami akong gustong sabihin sa kaniya, pero hindi ko ito nagawa dahil nakatayo sa likuran ko ang lalaking nagpakilalang asawa ko.
“Maraming salamat po, Sister,” naluluhang bulong ko kay Sister Anna.
Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin at pagkatapos, ngumiti siya. “Sige na, hinihintay ka na ng asawa mo.”
Marahan akong tumango sa kaniya at ngumiti.
“Take her.”
Tanging ito ang narinig kong sinabi ni Mr. Reyes sa kaniyang tauhan bago niya buksan ang pintuan sa backseat at basta na lang ito isinara.
Napakagat ako ng aking ibabang labi dahil ang akala ko'y pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse, pero hindi pala.
Lumigid na lamang kami, at sa kabilang bahagi ng sasakyan ako sumakay. Kahit hirap ako, pinilit kong umupo ng mag-isa dahil ayaw kong isipin ng asawa ko na pabigat ako sa kaniya.
Malamig ang temperatura dito sa loob ng sasakyan, pero mas malamig ang pakikitungo sa akin ng lalaking katabi ko. Mabigat ang aura niya, kaya ayaw kong magbukas ng usapan at pinili kong manahimik na lamang habang nasa daan kami.
Dalawang oras rin ang lumipas nang pumasok ang kotseng sinasakyan ko sa bakuran ng isang modernong bahay. Napakurap ako nang makita ko ang kabuuan nito dahil maganda ito, pero hindi kaakit-akit sa paningin ko.
Inutusan ng asawa ko ang kaniyang driver na kunin ang wheelchair sa compartment sa likuran ng kotse. Sinabi din niya sa tauhan na siya na raw ang bahalang magpasok sa akin sa loob ng bahay.
Iniwan niya ako sa kotse at walang lingon-likod na humakbang papasok sa loob ng bahay. Batay sa nakita kong pagtrato niya sa akin, nabuo na sa isip ko ang ideya na hindi maganda ang relasyon ko sa kaniya, kaya mabuting ngayon pa lang ay huwag na akong umasa.
“Ma'am, gusto mo bang tulungan kitang bumaba?” tanong ng driver sa akin, pero umiling ako at tumanggi.
“Huwag na.”
Pinilit kong igalaw ang aking mga paa, pero dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong sapat na lakas, nahulog ako sa sahig. Napaigik ako nang tumama ang braso ko at nanuot ang sakit sa kalamnan ko. Agad naman akong nilapitan ng driver at mabilis na binuhat at pinaupo sa wheelchair ko.
Parang sasabog ang aking dibdib nang pumasok kami sa loob ng bahay na pinagdalhan sa akin ng asawa ko. Wala akong nakitang pamilyar sa aking paningin habang iginagala ko ang aking mga mata sa buong kabahayan.
“Bakit ang tagal ninyo?” tanong agad ng asawa ko.
“Nahulog po si Ma'am Anika sa kotse, Sir,” sagot ng driver habang kami ay tumigil sa malawak na sala.
“Istupido! Bakit hinayaan mo siyang mahulog?”
Napalunok ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ng asawa ko. Galit siya at mainit ang ulo, kaya hindi maipinta ang kaniyang mukha ngayon.
“Iwan mo na kami dito,” utos ni Mr. Reyes sa kaniyang tauhan.
Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya dahil hindi niya ito sinabi. Mr. Reyes lang ang alam ko dahil ganito ang narinig kong tawag sa kaniya ni Mother Superior kanina.
“Wala ka bang naaalala?” tanong sa akin ng asawa ko.
Pormal ang ekspresyon niya habang nakatingin sa akin at hinihintay ang isasagot ko. Ramdam ko ang kakaiba niyang mga tingin na para bang pinag-aaralan niya ako at gustong mabasa kung ano'ng laman ng isipan ko.
“Mag-asawa tayo, pero sa papel na lang,” sabi ng lalaking kaharap ko.
“What do you mean?” naguguluhan na tanong ko sa kaniya.
“May girlfriend ako, at dito siya nakatira sa bahay,” walang paligoy-ligoy na sagot ni Mr. Reyes.
Naguguluhan ako, kaya hindi ko mapigilang magtanong sa kaniya.
“Then what about me?”
“Simula nang lokohin mo ako at ipagpalit sa ibang lalaki, wala ka nang karapatan sa bahay na ito, Anika,” matigas niyang sagot. “Nandito ka ngayon para sa anak natin. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi kita patitirahin dito at sa kalye ka mabubulok.”
Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya.
May lalaki daw ako at may anak kami. Siya ang dahilan kung bakit pinatira niya ako dito kasama niya at ng girlfriend niya.
Hindi ko alam na magulo pala ang buhay na iniwan ko bago ako naaksidente. Tama lang na nakalimutan ko ang lahat, dahil hindi rin naman maganda ang mga alaalang iyon para alalahanin ko pa.
“Ang mga magulang ko, nasaan sila?”
Matagal na itong laman ng aking isipan at sa wakas, nagawa ko nang itanong ito sa kaniya.
“Wala ka nang mga magulang, patay na sila,” matigas na sagot ng asawa ko.
“Ang iba ko pang kapamilya? Ang kapatid ko—”
“Wala kang ibang kapamilya, Anika!” pasigaw niyang sagot.
Marahil ay nakukulitan na siya sa akin dahil marami akong tanong sa kaniya, kaya tumaas na ang kaniyang tinig.
“Look, alam kong galit ka sa akin dahil sa sinabi mong may lalaki ako, pero hangga't wala akong maalala, hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoo, at hindi ko rin maipagtatanggol ang sarili ko—”
“Shut up!” singhal niya sa akin. “Ako mismo ang nakakita sa inyo ng lalaki mo, kaya huwag mo nang bilugin ang ulo ko, Anika.”
Natulala ako nang damputin ni Mr. Reyes ang base na nakalagay sa center table at ibinato ito sa sahig sa harap ko. Nabasag ito at kumalat ang bubog pati na rin ang bulaklak sa sahig.
Nakikita kong gumagalaw ang kaniyang mga labi, pero wala akong naririnig dahil biglang lumakas ang ugong sa aking tenga. Sumakit rin ang aking ulo, kaya napapikit ako at kinagat ang aking ibabang labi, pero hindi ko pa rin napigilan ang sakit na aking nararamdaman.
“Shut up!” singhal niya sa akin. “Ako mismo ang nakakita sa inyo ng lalaki mo, kaya huwag mo nang bilugin ang ulo ko, Anika.”
Natulala ako nang damputin ni Mr. Reyes ang base na nakalagay sa center table at ibinato ito sa sahig sa harap ko. Nabasag ito at kumalat ang bubog pati na rin ang bulaklak sa sahig.
Nakikita kong gumagalaw ang kaniyang mga labi, pero wala akong naririnig dahil biglang lumakas ang ugong sa aking tenga. Sumakit rin ang aking ulo, kaya napapikit ako at kinagat ang aking ibabang labi, pero hindi ko pa rin napigilan ang sakit na aking nararamdaman.
Sumigaw ako ng malakas. Kahit hindi ko ito narinig, alam kong napakalakas nito, kaya nakuha ko ang atensyon niya.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa akin, pero hindi ko kayang magmulat ng aking mga mata dahil para bang binibiyak ang aking ulo.
“A-ang g-gamot ko,” nauutal na bulong ko, pero mukhang hindi niya ito narinig dahil tuluyan akong nanghina at unti-unting lumuwag ang pagkakadakot ko sa aking buhok.
Biglang naubos ang aking lakas, kaya para akong nauupos na kandila nang manghina ako. Tuluyan na ring nagdilim ang aking paningin, kaya nabitawan ng mga kamay ko ang aking buhok at unti-unting bumagsak ang braso ko nang nawalan ako ng malay.