Episode 2

2016 Words
Chapter 2 Jasmine Natapos namin ang thesis sa araw na iyon. Saktong ala-sais ng hapon sinundo ako ni John, para sana sa date namin. Apat na araw pa lang ang relasyon namin ni Jonh. Dahil sa may lakad kami ng mga kaibigan ko, napagpasyahan na lang namin ni Jonh na sa sunod na araw na lang kami mag-date. Sumama na lang siya sa amin ng mga kaibigan ko pumunta sa disco. Pagdating namin sa bar ay pumasok kami sa loob at malakas na tugtog ang sumalubong sa amin. Umupo kami sa bakanting upuan at nag-order ng inumin. Habang nakaupo na kami ay panay hawak ni Jhon sa beywang ko at panay halik nito sa aking leeg na siyang pinakaayaw ko sa lahat na hinahawakan ang aking katawan. Naiirita na ako sa buwesit na lalaking ito ngunit pinipigilan ko na lang ang aking sarili. Maya-maya ay dinala na ng bartender ang inumin namin sa aming pwesto, kaya sinimulan na namin uminom. Lumipas ang ilang oras ay nakarami na kami ng inom at ang mga kaibigan ko naman ay sumayaw na sa gitna. Ako naman ay nanatili lang sa aking upuan dahil medyo nahihilo na ako at umiinit na ang aking pisngi. Nanatili naman si Jhon sa tabi ko at medyo lasing na rin ito pero napakakulit nito. "Your so hot, Baby," bulong pa ng animal sa tainga ko. I mean ni John, habang nakapulupot ang isa niyang kamay sa aking beywang. Mukhang lasing na rin ang gago. "John, ano ba!" naiinis kong hinawakan ang kaniyang kamay at iwinaksi palayo sa aking beywang. Naiirita na ako sa kinikilos niya, kaya tumayo na lang ako upang magtungo sa banyo, ngunit nang nasa cr na ako hindi ko akalain na sinundan niya pala ako. May mga ilan-ilan akong nakasalubong na galing sa banyo, pero nagulat ako nang bigla na lang ako hinila ni John at ipinasok sa banyo ng panlalaki at walang tao roon. Na buwesit na talaga ako sa ginawa niya, kaya no'ng nasa loob na kami ng banyo ay nagpumiglas ako para bitiwan niya. "Ano ba, John! Bitiwan mo nga ako!'' Pagpupumiglas ko habang hawak niya ang aking mga kamay at isinandal niya ako sa may pinto. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinalikan sa aking leeg. "Hmm… Ang bango-bango mo talaga, Sweety. Papaligayahin kita," aniya na nakangisi sa akin. Nakaramdam ako ng takot at panginginig ng katawan at sobrang galit sa kaniya. Nagpumiglas ako pero hindi ako nakawala sa mga kamay niya dahil malakas ang pwersa ng hinayupak na lalaking ito. ''John, ano ba! Itigil mo nga 'yang gingawa mo!" bulyaw ko sa kaniya, at ang gago nanlilisik pa ang mga mata na akala mo naka-druga. "Bakit, hindi mo ba nagustuhan? Oh, come on, Jasmine. Ikaw ang tinaguriang playgirl of the year dahil kung makapagpalit ng boyfriend akala mo underwear lang,'' nang-i-insultong sabi niya sa akin. ''Masampal ko 'tong gago na 'to eh,'' bulong ko sa aking sarili. Nahiya ako nang banggitin niya ang underwear. Matabil din pala ang dila ng hinayupak na ito. Nagpupumiglas ako nang tangkain niya akong halikan sa labi. "John, ano ba! Bitawan mo nga ako, buwesit ka talaga!" galit kong sabi sa kaniya. Bigla akong napatili nang may isang lalaking humablot sa kaniya at inundayan siya ng tatlong sunod-sunod na suntok, kaya humandusay siya sa sahig. "Miss, okay, ka lang?" tanong ng lalaking sumuntok kay John. Tumango-tango lang ako sa sobrang gulat. Tumingin ako sa lalaking sumuntok sa kaniya at nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ang lalake na tumulong sa akin. "Janzel?" gulat kong bigkas sa pangalan niya. ''Hey! Jasmine, kilala mo ba siya?" mahinang tanong ni John na nakaupo sa sahig. Nilingon ko siya at sinampal ng malakas. Iyon ang sagot ko sa tanong niya sa akin. "From now on break na tayo!" galit kong sigaw sa kaniya. Napahawak naman siya sa kabila niyang pisngi dahil sa lakas ng pagsampal ko sa kaniyang pisngi. Bigla naman akong hinawakan ni Janzel sa aking pulsuhan at walang ano man ay hinila niya ako palabas mula sa banyo at lumabas kami ng bar. Si Janzel ay isa ko rin masugid na manliligaw noon, pero hindi ko lang siya binigyan ng pansin, at siya pa pala ang magliligtas sa akin ngayon. Habang nasa labas na kami ay umupo ako sa ilalim ng puno na mayroong upuan na malapit sa parking lot ng bar. "Kumusta ka na?" tanong ko kay Janzel, habang nahihilo naman ako. "Well, isa na akong President sa company na pag-aari ni Daddy. Isang Construction Firm," sagot niya sa akin habang ang dalawang kamay niya ay nakasiksik sa kaniyang bulsa at nakasandal siya sa isang puno. Second year college ako noong nanligaw siya sa akin at siya naman ay graduating na noon sa college. Kaya, 'di ko na ito nakita sa paaralan pagkatapos niyang mag-graduate. "Kilala mo ba 'yon?" tanong niya sa akin na ang tinutukoy ay si John. "Hmmm...” sabay tango ko. “Boyfriend ko siya, apat na araw pa lang kami," ngiting aso kong sagot sa kaniya. Natawa siya habang napapailing sa sinabi ko. "Hindi ko naman kasi akalain na manyakis pala ang gagong 'yon. Katulad din pala siya ng iba kong naging boyfriend," tawa ko ng malakas kahit na papungay-pungay ang aking mga mata dahil sa kalasingan. Natatawa naman siya sa akin. "Ikaw kasi hindi mo ako sinagot no'n. Kaya, ayan napunta ka sa manyakis." Pareho kaming natawa sa sinabi niyang iyon. "Well, mabuti pa siguro ihatid na kita," alok niya sa akin. Alas-onse na kasi ng gabi iyon. Tumayo ako at inilalayan niya ako papunta sa kaniyang kotse. Panatag naman ako na kasama siya dahil pakiramdam ko ay safe ako. Hindi na ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko at nag-text na lang ako sa kanila. Habang nagda-drive si Janzel napatingin ako sa kaniya. Lalo itong gwamapo at naging matikas ang pangangatawan. Makikita mo sa katawan nito dahil fit ang suot niyang t-shirt at naka-pants lang siya. Napansin niya naman ang paninitig kong ginagawa sa kaniya. "Mamaya malusaw ako sa mga titig mo, Jasmine," nakangiti niyang puna sa akin. Bigla naman nang-init ang pisngi ko at binaling ko na lang sa labas ang tingin ko sa dinadaanan namin dahil nakaramdam ako ng hiya. Pero, sadyang napakadaldal ko pa rin, kaya tumingin ulit ako sa kaniya. "May girlfriend ka na?" walang hiya kong tanong sa kaniya. Ngumiti lang siya at umiling. "Hindi mo kasi ako sinagot no'n. Kaya, wala tuloy akong girlfriend," ngiti nitong sabi sa akin. Natawa ako pero 'di naman ako masiyadong kinilig. "Eh, kung gayon, wala kang girlfriend at wala na rin akong boyfriend. Oh, sige! Boyfriend na kita," sabi ko sa kaniya na nakangiti. Dala na rin siguro ng kalasingan, kaya gano'n ang nasabi ko. Muntik na ako napatili nang bigla niyang i-preno ang sasakyan. ''Seryoso ka?" hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. At syempre ako namang baliw ay tumango naman. "Yes! I'm serious," ngiti kong sagot sa kaniya. "Wow! I don't believe this, Jasmine. You are my girlfriend now?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Well, kilalanin muna natin ang isa't isa. Kung hindi worth it saka tayo mag-break, deal?'' taas kilay kong tanong. "Well, deal! Walang bawian yan, ha?'' Napatango ako sa kaniyang tanong. "Promise, walang bawian." Ngumiti siya at pinaandar na ang sasakyan at inihatid ako ni Janzel sa condo ko. Bumaba kaagad ako sa sasakyan niya pagdating namin sa tapat ng building. Gusto pa sana niya ihatid ako sa unit ko, kaya lang pinigilan ko siya. Hindi ko na siya pinababa dahil gabi na rin. Pumasok na ako sa condo at sumakay sa elevator. Nahihilo pa ako pero pilit kong inaayos ang aking sarili. Pagdating ko ng second floor ay agad akong dumiretso sa aking unit. Medyo nahihilo ako dahil sa nainom ko kanina. Nagtataka naman ako kung bakit bukas ang unit ko. Naisip ko na baka bumalik si Mommy. Pagdating ko sa pintuan ng aking unit ay may narinig akong mga boses. Hinahawakan ko na ang door knob para buksan iyon ng malawak. "Shit! Don't stop baby, please... Ahhhh.... Faster please faster… ahhh… I'm cuming..." Boses ng isang babae na humahalinghing ang narinig ko na parang may gusto itong maabot sa kalangitan. Bigla akong pumasok at nagulat ako sa aking nakita. Natakpan ko na lang ang aking labi sa gulat dahil sa nakita ko. Gusto ko umatras ngunit ayaw humakbang ng aking mga paa. "Oh, shet! Who are you!" biglang sigaw ng babae nang makita ako nito, kaya nanlaki pa ang mga mata niya. Samantala ang lalake ay natigil sa ginagawang pagbayo sa babae at lumingon sa akin. "Damn it!" Galit na bulas ng lalake dahil nabitin sa bigla kong pagsulpot sa pinto. Hindi ako nakagalaw sa aking nakita. Iba pala kapag sa personal mo iyon makita kaysa pinapanuod mo sa internet. Agad naman siyang tumayo at nagtapis ng tuwalya sa pang-ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Habang ang babae ay nagsuot ng roba at umupo sa sofa kung saan sila nagbabayuhan. Sa sobrang gulat nila sa bigla kong paglitaw ay hindi alam ng babae kung ano ang gagawin. Natulala naman ako sa gwapong mukha ng lalake at sa makisig nitong katawan na halatang alaga sa gym. Nakita ko pa ang isang butil ng pawis mula sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang tiyan at pababa ng pababa pa. Napaawang ang labi ko literal. Shit ang yummy-yummy niya kung ito ang hahalik sa akin magpapaubaya talaga ako. Lumapit ito sa akin at bigla akong bumalik sa aking ulirat nang bigla niyang hawakan ang aking braso ng mahigpit. Kaya napangiwi na lang ako sa sakit sa mahigpit niyang paghawak sa aking braso. "Who fucking shit you are?" galit na tanong niya sa baretonong boses. Bahagya pang napaawang ang aking labi sa ganda ng boses niya. "Ikaw, sino ka? Ano ang ginagawa niyo rito sa unit ko?" tanong ko at pinanlakihan siya ng mata habang hawak-hawak niya ang braso ko. "Are you sure? This is your unit, hmmm?'' pabulong niyang tanong sa akin na halatang galit. Kunot ang mga noo niya at masakit niya akong tinititigan. "Ow, shit! Your drunk!" pasinghal niyang sabi sa akin. Binawi ko ang mga braso ko sa pagkahawak niya, ngunit muli niya rin ito hinawakan, kaya muli ako napangiwi sa sakit sa higpit ba naman ng pagkahawak niya sa braso ko. "Ano ba? Nasasaktan ako!" sigaw ko. "Sino ka ba? Bakit nandito kayo sa unit ko? Anong ginagawa niyo rito?'' sunod-sunod kong tanong. Para siyang bingi na hindi narinig ang mga tanong ko. Kinaladkad niya ako sa pintuan at itinulak palabas sa unit. Muntik pa akong masubsob. "Guwapo sana, masungit naman," bulong pa ng isip ko. "Your fucking shit, Miss! This is my unit and not your's!'' Sabay bagsak niya ng pinto ng malakas. Para tuloy lalabas ang puso ko sa gulat sa pagsara niya ng pinto. ''Gago ba siya? Eh, unit ko 'yan. Ouchh, ang sakit ng braso ko,” napangiwi na lang ako at napatingin sa aking paligid. Napansin ko na may isa pa pa lang unit na katabi ng unit na pinasukan ko 1278 ang unit ko at ung pinasok ko ay 1279. Napasapo na lang ako sa aking noo at dali-dali kong binuksan ang aking unit. Pagdating ko sa loob doon ko na-realize na ibang silid ang pinasok ko. Agad akong nagtungo sa aking kwarto at nahiga sa kama. Hiyang-hiya ako sa ginawa ko dahil naisturbo ko tuloy silang dalawa. Sa halip na nasa kalagitnaan na sila ng langit ay bigla na lang silang nahulog sa lupa sa bigla kong pagsulpot. ''Ang tanga-tanga mo talaga, Jasmine,'' bulong ko sa sarili. Bakit ba hindi ko muna tiningnan ang number ng unit ko? Naduduling na siguro ako, kaya iba tuloy ang napasok kong silid. Hindi naman siguro katangahan ang tawag do'n? Kundi erpikto lang ng alak. Eh, malay ko ba at sa silid na iyon ako dinala ng lasing kong paa. Makalipas ang ilang sandali ay bumangon ako at nagtungo na lang sa banyo para maligo at malamigan ang aking katawan, ngunit no'ng nasa banyo na ako ay hindi ko pa rin makalimutan ang gwapong mukha ng lalaking iyon na katabi lang ng unit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD