Episode 1

993 Words
Jasmine "Hey! Jasmine, wake up!" paggising ni Mommy sa akin. "Uhmmm. Ano ba, Mommy? Inaantok pa ako, eh?" maktol ko at tinakpan ng unan ang mga tainga ko. Ngunit kinuha naman ni Mommy ang unan na nakatakip sa akin mukha. "Hay nako, Jasmine! Ano oras na, oh! Ganito ka na lang ba palagi?" galit niyang bulyaw sa akin. Bigla akong napabalikwas nang mapagtanto ko na narito siya sa condo ko. Umupo ako sa kama habang papikit-pikit ang mata ko at sabog-sabog ang aking buhok. "Mommy, anong ginagawa n'yo rito? Bakit narito kayo sa condo ko? Ang aga-aga pa nga ,eh!" naiinis kong tanong sa kaniya. Nameywang naman siya habang nakaharap sa akin. "Anong maaga? Alas onse na ng tanghali! Tawag ako ng tawag sa'yo, pero 'di ka sumasagot! Ano ba ang pinagpupuyatan mo, ha?" galit niyang tanong sa akin. "Hayss! Mommy, naman eh! Alam mo naman na malapit na ako ga-gradute. Kaya, kailangan kong pagpuyatan itong thesis namin," namamaktol ko sabay tayo para maligo dahil papasok pa ako sa school. Pero kahit sa loob na ako ng banyo ay sinundan pa rin ako ni Mommy. "Maghanda ka sa susunod na araw dahil darating ang anak ni Tito mo Sam at Tita mo Joan. Pupunta sila sa mansion para ipakilala ka sa anak nila," sabi ni Mommy habang ako naman ay nagto-toothbrush sa banyo. Sa Amerika na kasi nanirahan ang anak nila Tito Sam at Tita Joan na si Mike. Hndi ko pa nakita ang anak nila ss personal, pero lagi ko naman naririnig ang pangalan niya. "Mom, I'm not interested," naiinis kong sagot sa kaniya. "Naku! Jasmina! Tigilan mo ako sa kamalditahan mong iyan!" nainis nitong sermon sa akin. Hindi na ako sumagot pa at naligo na lang ako. Binuksan ko ang tubig sa gripo para hindi ko marinig ang sermon ni Mommy sa akin. Nang makatapos naman akong maligo ay agad akong nagbihis. Naka-pants lang ako at naka-hanging blouse na labas ang pusod dahil pagkatapos namin gumawa nang thesis ng mga kaibigan ko ay pupunta kami sa disco. "What the..." taas kilay na puna ni Mommy sa akin." Jasmine, palitan mo 'yang damit mo. Gustong-gusto mo talagang nakalabas ang pusod mo?" aniya na pinanlakihan ako ng kaniyang mga mata. Niyakap ko siya sa likuran at niyapos ang kaniyang beywang. "Mom, ito ang uso ngayon. Isa pa bagay naman sa 'kin. Maganda naman ang katawan ko," nakangising lambing ko sa kaniya. Pero inirapan niya lang ako ngunit hinawakan niya ang kamay ko at pinakalas sa pagkayakap at hinila niya ako paharap sa kan'ya. "Iha, I know that you are a sexy and beautiful. Pero alam mo naman na para kang diamond sa amin ng Daddy mo. Kaya, ayaw namin na may mambabastos sa 'yo," ani Mommy sabay haplos niya sa aking pisngi at ngumiti sa akin. Hinaplos ko rin ang mukha niya na maganda. "Mommy, I love you. Don't worry, Mom, kaya ko alagaan ang sarili ko. Sige na at baka hinihintay ka na ni Daddy, " malambing na tugon ko sabay hila ko sa kaniya palabas. Nang nasa labas na kami ng condo ay nag-offer pa siya na ihatid ako. Pero tumanggi ako dahil susunduin ako ni Jhon; ang kasalukuyang boyfriend ko. Umalis na si Mommy at makalipas ang ilang sigundo ay dumating na rin si Jhon. "Hi, Sweety!" bati nito sa akin at bumaba ng kotse niya para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. May sarili naman akong kotse, pero ayaw ko lang mag-drive dahil ayaw nila Mommy at Daddy. Kamuntik na kasi akong maaksidente noon. Kaya, simula noon nagta-taxi na lang ako o pinapahatid nila ako kay Mang Jun na familly driver namin. Tuwing linggo umuuwi ako sa mansion para makasama sila Mommy at Daddy. Mula nang lumipat ako sa condo na pagmamay-ari ng mga Buenaventura ay natoto akong asikasuhin ang aking sarili. Maliban na lang sa pagluluto madalas kasi sa labas ako kumakain. "Hey! Sakay na," wika ni Jhon, kaya dali-dali akong pumasok sa kaniyang sasakyan. Umikot siya sa driver seat para sumakay na rin. Nang nasa loob na kami ng kaniyang sasakyan ay tiningnan ko siya. "Ba't parang nakapormal ka? May pupuntahan ka ba?" tanong ko sa kaniya habang nag-start na siya sa pagmamaneho. Isa siyang Manager sa isang mall pero day off niya ngayon. "Yes, Sweety. May pupuntahan tayong dalawa, pagkatapos ng klase mo susunduin kita," makahulugang ngiti niya sa akin. Kibit-balikat na lang ako sa kaniya. Hindi ko naman mahal si Jhon dahil napilitan lang akong sagutin siya noon. Dahil ka-break lang namin ng hinayupak kong ex na nakipag-s*x sa isang babae at nakita ko mismo ang kababuyan nila. Kaya, sinagot ko agad si Jhon nang ligawan niya ako. Maya-maya pa ay ibinaba na niya ako sa tapat ng school namin at nakita naman ito ng mga kaibigan ko. Pagkababa ko sa kotse niya ay humalik muna ito sa pisngi ko. "See you later, Sweety," paalam nito sa akin. "Ingat," tipid kong sagot. Tumalikod na ako at pumasok sa gate. Dumaretso ako sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko na nakapuwesto sila sa may puno ng acasia na mayroong upuan. Paglapit ko pa lang sa kanila ay agad naman akong binati ni Kristine. "Hey! Jasmine, sino 'yon?" nakangusong tanong ni Kristine sa akin. "Si Jhon pang labing siyam kong boyfriend," sagot ko sa kanila. "Omg! Girl, after mo makipag-break kay Rix last week, nakipag-boyfriend ka na naman?" pang-uuyam na sabi ni Cristy sa akin. She is my best friend, siya lang ang nakakaalam ng lahat ng nangyayari sa akin at sa buhay ko. Siya lang lagi kong pinagkakatiwalaan. "Hayss... Grabe ka girl. Parang makapagpalit ka eh, parang nagpalit ka lang nang damit, '' sabi naman ni Bioly. Napasalpak ako ng upo sa tabi ni Cristy. "Hay nako! Tigilan niyo nga ako. Mabuti pa siguro ay gawin na natin ang thesis para makapag-date pa ako sa boyfriend ko," wika sa kanila. Pareho na lang silang nagbuntong-hininga at ginawa na lang namin ang thesis namin ng araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD