KINABUKASAN gaya nang sinabi nito ay maagang dumating si Conrad sa bahay niya. Nang mga sandaling iyon ay wala na at nakauwi na si Jake sa bahay nito. "Pakiramdam ko isang taon kong hindi nakita ang anak ko. Sana naman sa susunod kung aalis kayo eh sabihin mo rin sa akin. Baka nakakalimutan mo, anak ko rin ang batang ito?" Hindi naman nakaligtas sa matalas na pandinig ni Monica ang sarkasmo sa tono ng pananalita ni Conrad. "Akala ko ba gusto mong pag-usapan natin ang tungkol sa binyag?" ang sa halip ay isinagot niya. "Oo nga, pero gusto ko pa rin na magpaliwanag ka muna sa biglaang pag-alis mo nang walang kahit anong pasabi at paalam. Hindi naman yata tama iyon?" "O sige sige, pasensya na," sa kagutuhan niyang matapos na ang pagtatalong iyon ay ganoon nalang ang ginawa ni Monica. "

