NAKATITIG pa rin si Karen sa kisame ng kanyang kwarto kahit kung tutuusin ay malalim na ang gabi. Hanggang ngayon ay pinag-iisipan pa rin niya ang lahat ng nangyari sa buong araw. At higit sa lahat ay ang mga salitang ipinayo sa kanya ng kanyang ina. Malaki ang naging impact ng mga iyon sa kanya. Dahil kahit hindi niya aminin, alam niya sa kanyang sarili na hindi nalang siya basta nasasaktan. Napapagod na rin siyang maghabol at ipagtabuyan ni Jake. Sa totoo lang ay obvious naman na mahal na mahal ni Jake ang asawa nito. Siya nalang talaga ang nagpipilit ng lahat ng iyon. Dahil nga mahal pa rin niya ang dating nobyo. “Tama si Mama, hindi ko deserve ang magkaroon ng kahati. Ang dapat sa akin buo at tapat na pagmamahal, at kahit masakit at mahirap tanggapin, hindi maibibigay ni Jake sa ak

