“NA-MISS kita!” si Joana iyon. Agad siyang sinalubong ni Joana ng mainit na halik sa mga labi pagbungad pa lamang niya sa pintuan ng unit nito. Napangiti si Conrad sa gesture na iyon ng kanyang nobya. Alam niya kung ano ang tumatakbo sa isipan nito ngayon. Pero sa maniwala man ito o hindi, hindi ang usual na nilang ginagawa ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon. “Halika na sa kwarto ko at nang makapagsimula na tayo,” ang maharot pang yakag sa kanya ni Joana saka nito hinila ang braso niya. “Sandali lang, Jo,” aniyang maingat na binawi ang sariling braso mula sa kanyang nobya. Taka siyang pinakatitigan ng nobya niya dahil sa ginawa niyang iyon. “Something wrong?” tanong nito sa kanya bagaman nakita niya sa mukha nito na ito ang mas worried. Hindi maikakaila ni Conrad na nakara

