ANG UNANG PAGTATAGPO

1331 Words
“MASIYADONG MALAYO ang Bacolod, Jianna. Paano na lang kung may mangyaring masama sa’yo roon? Malapit na ang kasal n’yo ni Marsean,” galit na wika ng kaniyang ama nang magpaalam siya na sasama sa kaibigan niyang magbabakasyon sa lugar na iyon. Lihim na napakuyom ang dalaga ngunit wala siyang magawa. Lumaki siyang masunurin bilang unica hija nito. Walang sinabi ang kaniyang ama na hindi niya sinunod. Mula sa pagkuha ng kurso hanggang sa mapapangasawa niya ay ito ang nagdesisyon. Hindi dahil robot siya kundi mahal na mahal niya ito. Simula nang mamatay sa panganganak sa kaniya ang sariling ina, ang ama na ni Jianna ang nag-aruga sa kaniya. Ni hindi na ito nakapag-asawa uli para lang mabigyan siya ng sapat na oras. Lalo na at ipinanganak siyang sakitin. Bukod sa kabi-kabilang negosyo ng kaniyang ama ay kay Jianna na umikot ang buhay ng Papa Robin niya. Kaya kahit nakakapagod na ang pagiging diktador at perpekto nito, pilit na lamang niya iyong inuunawa. Ang mabigat at mahirap lang talaga na tanggapin ay ang pagpapakasal sa kaniya sa anak ng kumpadre nito—si Marsean Caballero. Katulad ni Jianna ay anak din ito ng isa sa pinakamayamang negosyante sa buong Pilipinas. Wala naman siyang boyfriend at hindi pa nagkakaroon sa edad na bente dos dahil na rin sa kagustuhan ng kaniyang ama. Gayon man ay hindi pa rin kayang tanggapin ni Jianna na pati sa pag-aasawa ay kokontrolin siya nito. “Okay, Pa. Hindi na lang ho ako sasama kay Margarita,” malungkot na sagot ng dalaga. “Matutulog na po ako.” Akala ni Jianna ay matutulog siya ng gabing iyon na malungkot at masama ang loob. Gustong-gusto niya kasing sumama kay Margarita dahil gusto niyang subukang makalaya kahit tatlong araw lang mula sa ama bago siya tuluyang ikasal kay Marsean sa susunod na buwan. Kaya nga hindi siya makapaniwala nang biglang kumatok ang Papa Robin niya. “Papayagan kitang sumama kay Margarita sa Bacolod bilang regalo ko na rin sa darating na kasal n’yo ni Marsean. But don’t disappoint me, Jianna. Hangtud tulo ka adlaw ra mo didto,” Hanggang tatlong araw lang kayo doon. mariing bilin ng kaniyang ama. “Or else, ipapasundo ko kayo sa piloto.” “Okay, Pa. Three days. I promise.” Tuwang-tuwa naman na yumakap siya rito. “’BUTI na lang talaga, pinayagan ako ni Papa na sumama sa’yo, Margarita. Or else, hindi ko makikita ang ganito kagandang isla,” masayang saad ni Jianna nang makababa sila sa bangka na naghatid sa kanila mula sa pantalan hanggang sa maliit na islang iyon. Sa takot na baka matyagan sila ng kaniyang ama na siyang madalas nitong ginagawa sa tuwing umaalis si Jianna, imbes na sa Bacolod ay sa katabing isla na lang sila pumunta. Ayon kay Margarita, may magandang beach daw doon na bihira puntahan ng mga tao dahil kinatatakutan. May usap-usapan daw kasi na maraming aswang sa lugar na iyon. Pero dahil mga city girl sila at hindi naman sila pinalaki sa mga pamahiin kaya hindi sila naniniwala roon. “Mao jud, Jianna. Dugay na nako gustong adtoan kini pero wala koy kuyog,” Oo nga, Jianna. Matagal ko ng gustong puntahan ito pero wala akong kasama. masayang sagot din ni Margarita. “Bali-balita rin kasi na marami raw guwapo dito.” “Pag-sure- oi! Sige ka, baka aswang pa ang maiuwi mo sa Cebu,” biro niya sa kaibigan. “Yawa kang bayhana ka!” You’re bad, girl! Hinampas siya ni Margarita ng sling bag nito at saka sila nagkatawanang dalawa. NANG makarating sila sa cottage na tutuluyan nila ay humiga muna sandali sa kama si Jianna para magpahinga. Bahagya siyang napangiwi nang lumapat ang likod niya sa matigas na bagay. “I told you ha na walang kutson dito sa kahit anong cottage. Simpleng isla lang ito kaya simple at mura lang din ang accomodation,” paalala sa kaniya ni Margarita nang mapansin ang pagngiwi niya. Anak-mayaman din naman ito pero sanay makipaghalubilo sa mga kamag-anak nitong mahihirap. “It’s okay. Mas maganda nga ang ganito. Maiba naman sa araw-araw na buhay ko sa Cebu.” Malakas na napuntong-hininga si Jianna. “Kaya nga ako sumama sa’yo rito dahil gusto kong makalaya naman kay Papa kahit three days lang. Nasasakal na talaga ako sa buhay ko, Gar. Pero mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang suwayin siya.” “Alam mo na ang sasabihin ko diyan. At alam ko na rin ang isasagot mo. Kaya ang mabuti pa, kalimutan mo muna ‘yong Papa mo,” sagot ni Margarita. “Nandito tayo para mag-enjoy, ‘di ba? Wala kang bodyguard, wala ang yaya mo, at higit sa lahat, wala ang Papa mo. You're free to do whatever you want, girl. Gawin mo na ang gusto mong gawin hangga’t hindi ka pa nakakasal kay Marsean.” Matagal na siyang sinasabihan ni Margarita na matuto naman siyang sumuway sa Papa Robin niya paminsan-minsan. Lalo na ang tungkol sa pag-aasawa niya. Pero paulit-ulit lang din sinasabi ng dalaga ang tungkol sa pagmamahal niya sa ama. Kaya siguro nagsawa na rin ito sa pagbigay ng payo sa kaniya. Napaisip si Jianna sa huling sinabi ng kaibigan. Sa totoo lang, simula nang magkaisip siya at namulat na sa pagiging diktador ng Papa Robin niya, ang dami-dami niyang gustong gawin na hindi puwede. At kulang na kulang ang tatlong araw kung gagawin niya lahat iyon. Katulad na lang ng pagkakaroon ng boyfriend. Normal na babae lang naman siya at marami na rin siyang naging crush simula nang magdalaga siya. Pero sa tuwing may sumusubok na manligaw kay Jianna, palagi iyong hinaharang ng kaniyang ama hanggang sa iniiwasan na lang siya ng mga kalalakihan kapag nalaman kung sino ba talaga siya. Ano kaya kung iyon ang gawin niya habang nandito siya sa isla? Maranasan man lang niya ang magkaroon ng boyfriend bago siya maikasal kay Marsean na hindi naman niya naging manliligaw at basta na lang ipinagkasundo sa kaniya ng ama nitong nakaraang buwan lang. Sa ideyang iyon ay agad na bumangon at naligo si Jianna. She only have three days. At hindi niya alam kung paano siya magkaka-boyfriend sa loob ng tatlong araw. Bahala na si Batman! “So, ano? Magkita na lang tayo dito mamaya, ha?” nakangiting sabi sa kaniya ni Margarita nang paglabas niya ng cottage ay naroon na ito. Nakabihis na rin at may kasama ng lalaki na kahit kayumanggi ang kulay ay matangkad at guwapo naman. Napailing na lang si Jianna. Unlike her, may pagka-playgirl ang kaibigan niyang iyon. “Okay. Text-text na lang, ha? Pag-amping,” Mag-ingat ka. pabiro na bulong niya rito nang maalala ang biro niya kanina na baka aswang ang lalaking makuha ni Margarita sa islang iyon. “Ikaw din. Mag-enjoy ka lang. Huwag na mag-arte-arte. Tandaan mo, three days ka lang malaya,” ganting bulong ni Margarita sa salitang Cebuano para hindi naman nakakahiya sa lalaking kasama nito. Nang makaalis ang dalawa ay umalis na rin si Jianna. Naglakad-lakad siya hanggang sa dalhin siya ng mga paa niya sa dalampasigan. Napangiti pa siya nang maramdaman ang simoy ng sariwang hangin na tumatama sa kaniyang mukha. Malapit ng mag-tanghali pero hindi pa rin masakit sa balat ang sikat ng araw. Isa iyon sa mga nagustuhan niya sa isla. Bukod sa tahimik, napaka-natural ng buong paligid. Matagal-tagal na rin ng huling pumunta sa dagat si Jianna dahil ipinagbabawal ng Papa Robin niya. Kaya tuwang-tuwa siyang nakipaglaro sa mga alon at gumawa ng sand castle na paborito niyang gawin noong bata pa lang siya. Noon lang siya nakaramdamn ng kalayaan sa buong buhay niya kaya tumatawa nang mag-isa si Jianna sa tuwing nababasa ng alon ang mga paa niya at nasisira ang mga sand castle na ginagawa niya. Tumigil lang siya sa paghalakhak na tila baliw nang mapansin niya ang paparating na bangka. Nahihiya na tinutop ni Jianna ang sariling bibig nang bumaba mula roon ang lalaking walang pang-itaas at may suot na sombrero na Buri…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD