FLIRTING

1505 Words
MABILIS na inayos ni Jianna ang sarili nang marinig ng lalaki ang pagtawa niya nang mag-isa. Gusto niyang magpanggap na hindi niya ito nakita ngunit hindi niya magawa. She couldn’t even look away. Animo’y huminto ang lahat habang nakatitig siya rito na naglalakad palapit sa kaniya at may bitbit na malaking isda. Sa tingin niya ay halos hindi naman nagkakalayo ang edad nila. Tatlo o apat na taon lang siguro ang tanda nito sa kaniya. Kayumanggi ang kulay nito pero hindi maikakailang agaw-pansin na kahit malayo pa lang. Hindi niya alam kung bakit parang nanuyo ang lalamunan niya nang mapansin ni Jianna ang matiim din na pagtitig sa kaniya ng lalaki habang palapit nang palapit ito sa kaniya. Gusto niyang umiwas ng tingin dahil bigla siyang nahiya nang mahuli nito ang pagtitig na ginawa niya. But she was completely captivated. Sa dami ng lalaking nakasalamuha na niya sa Cebu, ni minsan, wala pang lalaki ang nakaagaw ng ganoong pansin ng isang Jianna Perez. Nakagat pa ng dalaga ang ibabang labi nang hindi niya mapigilan pati ang pagbaba ng kaniyang tingin sa harapan nitong bakat at nakaumbok sa manipis at basang shorts nito. Doon lang siya nagtaas ng tingin sa mukha nito. Mangingisda ba siya? Pero bakit sobrang guwapo? At ang ganda ng katawan, ha? Wala pa siyang karanasan sa s*x, pero pakiramdam ni Jianna ay may kumiliti sa kaniyang pagkab*b*e na hindi niya maintindihan sa mga oras na iyon. “Hi!” anang baritonong boses na pumukaw sa atensiyon ni Jianna. Noon lang niya namalayan na nakatayo na pala ang lalaki sa kaniyang harapan. Matangkad na siya sa height niya na five-seven. But she suddenly felt small next to him, as he towered at around six feet seven inches. Ilang segundo rin yata bago nagising ang diwa ni Jianna. “H-hi.” “Turista ka ba rito?” tanong nito habang nakatitig pa rin nang matiim sa kaniya. Kaswal na tumango ang dalaga. “Kaya pala ngayon lang kita nakita dito.” Kumunot ang noo niya. “Hindi lang naman siguro ako ang turista dito, ‘di ba?” “Pero ikaw pa lang ang nakita kong maganda.” At saka gumuhit ang mapang-akit na ngiti sa mga labi nito. “Welcome nga pala dito sa Isla Aurora.” Kapagkuwan ay inilahad nito ang kamay sa kaniya. “Luther Fuentebella nga pala.” Sandaling napatingin lang si Jianna sa nakalahad pa rin na kamay ng lalaking ‘Luther Fuentebella’ raw ang pangalan. Nang dahil sa pagiging strikto ng kaniyang ama kaya hindi siya sanay makipagkamay, lalo na sa mga lalaki. “Ay, sorry. Malansa nga pala ang kamay ko.” Nahihiya na binawi ni Luther ang kamay nito. Marahil, napansin ang pag-atubili sa mukha niya. Ewan ba niya. Pero parang hindi niya kayang isipin ng lalaki na maarte siya. “It’s okay.” Mabilis na inilahad naman ni Jianna ang palad niya. “K-Kristina nga pala.” Muli itong napangiti. Ngunit bago nito tinanggap ang pakikipagkamay niya ay nagpunas muna ito sa maliit na tuwalyang nakasampay sa balikat nito. “Kristina lang?” “Kristina Monreal,” sagot niya. Mabuti na lang at mabilis siyang nakaisip ng ibang pangalan. Siguradong makikilala agad siya ni Luther kapag sinabi niya ang totoong pangalan. Kilala ang kaniyang ama bilang mayamang negosyante, hindi lang sa Cebu kundi sa buong Pilipinas. Hindi lang siya nito ine-expose palagi kaya siguro hindi siya namukhaan ng lalaking kaharap. At nag-alala si Jianna na baka biglang magbago ang pakikitungo sa kaniya ni Luther kapag nalaman nito ang tunay niyang pagkatao. “Monreal? Kaano-ano mo ang mga Monreal sa Bacolod? Iyong may-ari ng Hacienda Ramona?” Pamilyar siya sa sinasabi ni Luther dahil isa iyon sa pinakasikat at pinakamalaking hacienda sa buong Pilipinas. At ang mga Monreal ay kasama rin sa listahan ng pinakamayayamang tao sa bansa. “Ka-apelyido lang,” mabilis niyang sagot. Tila hindi naniniwalang tumingin ito sa kaniya. “Talaga? Mukha ka rin kasing mayaman.” Napangiti si Jianna. “Mukha lang. Pero simpleng call center agent lang ako.” “Simpleng call center agent lang pero hindi simple ang kagandahan mo, Kristina” nakangisi pang sagot nito. Dapat ay mapreskuhan si Jianna sa mga pinagsasabi ni Luther. Ngunit hindi niya iyon maramdaman. Sa halip ay lihim pa niya iyong nagustuhan. Siguro dahil bihira naman ang ganoong pagkakataon na may nakakausap siyang lalaki at lantaran siyang pinupuri dahil sa ama niya. Nagustuhan na tuloy niya ang pagiging si ‘Kristina Monreal’. Akmang babawiin na niya ang kamay pero hindi agad iyon pinakawalan ni Luther. Sa halip ay mas humigpit pa lalo ang hawak nito at pinisil ang palad niya. “May tour guide ka na ba?” Hindi naman nabanggit sa kaniya ni Margarita na kailangan pa pala nila ng tour guide. Umiling ang dalaga. “Wala pa. Pero kasama ko ang kaibigan ko. And besides, maliit lang naman itong isla, ‘di ba? Hindi naman siguro ako maliligaw dito,” pabirong sagot niya. “Maliit nga pero maraming lalaki rito ang nangangagat. Sa’kin ka lang ligtas,” biro din nito, sabay kindat kay Jianna. “A-ano ang ibig mong sabihin?” Mabilis na hinila ng dalaga ang kamay nang maalala niya ang haka-haka tungkol sa mga aswang sa lugar na iyon. “A-are you sure na… hindi ka katulad nila?” “Katulad na… aswang?” Tila nahulaan naman agad ni Luther ang ibig niyang sabihin kaya amused itong napangiti. “Huwag kang mag-alala. Ngayong nandito ka na, isa ka sa magpapatunay kung totoo ba o hindi ang tungkol sa mga aswang sa lugar namin.” “Paano naman?” “Mag-date tayo,” mabilis nitong sagot habang titig na titig pa rin sa kaniya. “Hindi na kailangan.” Saka lang bumalik ang ngiti ni Jianna at nawala ang agam-agam niya nang mahulaan niya ang gustong mangyari ni Luther. “Mukha ka namang inosente.” “Mukha lang akong inosente pero ako ang pinakamagaling kumagat sa lahat ng lalaki rito sa isla. Kahit na ang mga malalaking isda sa dagat ay takot sa akin.” Hindi napigilan ni Jianna na matawa. Hindi lang pala guwapo kundi may sense of humor din ang lalaking ito! “Ah, kaya pala matinik ang dila mo!” sakay niya. She’s starting to trust Luther and feel more comfortable around him. “Siguro, ang dami mo ng kinagat na babae, ‘no?” Tumawa ito nang malakas. “Wala pa naman. Pero maraming babae ang hindi makalimot sa’kin.” “Bagay sa’yo ang sabitan ng medalya sa kayabangan,” biro pa ni Jianna. Hindi niya maramdaman ang kapreskuhan ni Luther kaya hindi niya alam kung nagsasabi ba ito nang totoo. Ang mahalaga naman ay nag-e-enjoy siya sa company nito. At malaya siyang nakikipag-usap na wala ang mga mata ng kaniyang ama. Iyon naman talaga ang tunay na dahilan ng pagpunta niya sa lugar na iyon, ‘di ba? At saka isa pa, gusto niyang magkaroon ng boyfriend kahit ilang araw lang. Napatitig siya kay Luther. Puwede kaya siya? “Hindi kaya ikaw ang master at ako naman ang biktima?” nanunudyong untag nito sa kaniya nang mapansin ang malagkit na titig ni Jianna. Balak sana niyang magpakipot pa. Pero ilang araw nga lang ba ang mayroon siya? Wala pa siyang karanasan sa pakikipaglandian. At sa tingin niya ay hindi niya iyon masikmura. Ngunit alang-alang sa kalayaan na gusto niyang maranasan pansamantala, kakayanin iyon ni Jianna. “Bakit? Takot ka ba?” mabilis namang sagot niya at saka nang-aakit na tumingin dito. “Baka ikaw ang umurong?” “Bakit ako matatakot kung kasingganda mo naman ang kakagat sa’kin?” Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. “At saka, hindi ako madaling umurong. Hindi ako ang tipo na sumusuko sa hamon. Kung ang mga alon nga sa dagat, hinaharap ko… ikaw pa kaya, Kristina?” Aminado ang dalaga na kinabahan na siya sa itinatakbo ng kanilang usapan ni Luther. Nagkamali yata siya ng lalaking pinili na maging ‘boyfriend’. Mukhang sanay na sanay itong mambola ng babae. Pero nandito ka na, Jianna. Mas nakakahiya kung aatras ka pa. “If you say so,” nang-aakit niyang saad. “Ano? Kailan mo ako ide-date?” “Ang ibig mo bang sabihin, kailan kita kakagatin?” Dahan-dahan na tinawid ni Luther ang pagitan nila kaya bahagya siyang napaatras. Napangiti tuloy ito na para bang na-amuse sa kaniya. Ngumiti rin si Jianna para pagtakpan ang kaba niya. “Not sure. But I’m game if you are. And I’m curious to see when you’ll take a bite,” palaban niyang sagot para panindigan ang pagpapanggap niyang wild sa mga oras na iyon. Hindi niya sigurado kung kumbinsido ba si Luther sa mga sinasabi at ikinikilos niya. Pero mukhang hindi naman ito nakahalata na virgin pa siya at wala pa siya gaanong karanasan kahit sa ligawan lang. “Challenge accepted. Baka ako nga ang kumagat…” pilyong sagot nito bago bumaba ang malagkit na titig nito sa mga labi ni Jianna. “O baka ikaw ang makagat ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD