SA DALAWANG KAPATID ni Thalia, close siya kay Usting kaysa kay Andong. Masungit man ito pero sobrang sweet nito sa kaniya. Alfonso couldn't say no to Tonyang. Unlike, Alejandro na hanggang sukdulan ay aasarin ang kapatid nito.
"Pa, kararating mo lang po ba?" tanong ni Tonyang. Inalalayan siya ni Usting sa pagtayo sa kinauupuan,
"Kanina pa,anak,” sagot ni Ethan. Matapos ay sinipat ang suot ng anak.”Ang ganda-ganda ng baby girl ko. Bagay na bagay sa’yo ang suot mong gown anak. Dalagang-dalaga na ang prinsesa ko. Ganito rin ako kasaya noon ng sweet sixteen ng Tita Ondrea mo. You look so stunning as she,” ani Ethan.
"Pa, hindi dalaga. Binata na po ako," seryosong sagot ni Tonyang sa ama,"'wag ng 'baby girl' ang tawag mo sa akin,” anas niya habang nakanguso ang mga labi at kunot ang noo. Salubong pa ang perpektong hugis ng kilay nito at nakakunot rin ang maliit na matangos na ilong.
"Papa,'wag na raw ‘baby girl’ kasi may tumatawag ng 'baby' sa kaniya," hirit pang muli ni Andong.
"Tatadyakan na talaga kita, Andong. Kanina ka pa! Isa pa!"
"Enough, kids. Naghihintay na ang mga bisita sa baba. Get your asses down," ani Carmella.
Taklesa rin ang ina ni Tonyang. Palibhasa lumaki sa hirap. Palaboy-laboy ito ng masagasaan ni Ethan. Carmella's romantic fairy tale began when she met her prince charming, her husband, Ethan.
Inalalayan ni Ethan at Carmella si Tonyang pababa ng hagdan. Habang taas noong bumaba na magkasunod sina Andong at Usting. They are such a lovely family. Nagagalak si Ethan na makitang nakasuot ng magarang bestida ang kaniyang dalagita sa sweet sixteen nito. Inakala niya na aabutang niyang nakatuxedo ito katulad ng mga kapatid nito.
"Pa, paano ang sixteenth roses ko?" tanong ni Tonyang.”Wala akong escort, Papa.”
"Anong paano?"
"Ayesha, said no to me. Ayaw niyang maging escort ko si Marcus. So, I don't have an escort," malungkot na sagot ni Thalia while forming her lips to a fish-O.
"I got that figured out, my baby girl. Malakas ka kay Papa. Hahayaan ko bang walang prince charming ang aking prinsesa sa isa sa pinakamahalagang araw ng buhay niya?"
"Awe! You are the best, Papa!” Tonyang kissed her father sa pisngi, leaving a stain of red lipgloss on his face. “Pero, sino?"
"I invited my clinical trainee.”
“Nag-sama ka ng estudyante mo sa kaarawan namin?”
“Yes, is there anything you are against with me bringing a guest sa hacienda, Antoinette?”
“Wala po, Papa. It’s your first time to invite a guest dito sa hacienda.”
“Sino pa ang bista mo, Pa?” tanong ni Andong.”
“I believe your lolo knows his father.”
“Ah, family friend po pala,” anas ni Tonyang.
“Tanda mo pa ba si Logan?
Logan. Napaisip si Tonyang kung ang iniisip niyang Logan na ini-i-stalk niya sa social media at ang binanggit ng Papa niya ay iisa.
"Logan? Sino ‘yon, Papa?”
“Iyong panganay na anak ng Tito Lance at Tita Sitti mo."
"No recollection po. I don’t remember him,” umiiling na sagot ni Tonyang sa ama.
“Remember that kid on a baking show in Washington?”
“Ah, ‘yong nag-walk out na lumba-lumbang batang lalaki kasi ako ‘yong nanalo?”
“Siya nga,anak. Don’t you like my idea?”
"Papa, gusto mo bang riot ang kalabasan ng birthday celebration namin? Eh, galit ‘yon sa akin, ‘di ba?”
“No, I don’t think so. He asked me about you,” ani Ethan.
Lihim na kinikilig si Tonyang. Hindi niya iyon pinahalata sa ama. Hindi na balyena si Logan ngayon. Mas makisig pa ito kaysa sa mga modelong kaibigan ni Ayesha na dinadala sa kanilang probinsiya.
”Didn't they migrate back to Nevada?"
"Paano mo ‘yan nalaman?”
Of course, she’s been stalking his social media accounts pero hindi niya naman masabi iyon sa kaniyang ama.
“Oh, um . . . Marcus told me,” pag-alibi ni Tonyang.
“Well, they didn't migrate. Lance and Sitti decided to stay here for good."
"Oh? So, kailan pa sila nasa Pilipinas, Pa?"
"Oh, I think Lance and Sitti matagal na. Si Logan? Mag-dadalawang taon pa lang yata. Second year pa lamang ng clinical training niya ngayon. Masyadong tutok sa pag-aaral kaya sinama ko para naman makapag-relax. You guys should take him riding or take him on a picnic tomorrow,” suhestiyon ni Ethan.
"Marunong ba siyang mangabayo?" tanong ni Tonyang.
Kailangan sumakay ng kabayo kung maglilibot sa hacienda at rancho. Sa lawak ng lupain ng mga Echeverria at Zendejas hindi kayang lakarin lamang iyon. Kahit na nga sa tarangkahan lamang ng hacienda papunta sa mansyon ay ilang kilometro ang layo nito sa daan.
"You have to usher our guest and entertain him. Show the entire hacienda and rancho to Logan. Make his stay memorable. Can I trust you on that, Antoinette?"
"Yes, pa,” sagot ni Tonyang.
Nang marinig ang pangalan ni Logan. Nasabik siyang masilayan muli ang maamong mukha nito. Ayaw niya sa kahit sinong kaklase na nanliligaw sa kaniya. Ni hindi siya nagkagusto man lang kahit kay Marcus na sobrang malapit rin sa kaniya.
Isang beses niya lamang nakita si Logan. She had a crush on him before. Bata pa siya noon. Kaso saksakan ito ng kasungitan. Nagalit ito sa kaniya ng siya ang manalo sa kiddie cooking show. Hindi pa sila magkakakilala nila Ayesha at Cheska noon. Nasa Washington pa sila nakatira kasama ang Tita Ondrea niya.
Nang makarating sa hardin. Pinakilala ng emcee ang triplets. They had a wonderful celebration. Hanggang sa dumating na ang oras na hindi inaasahan ni Tonyang. Ang unang pagtibok ng kaniyang puso sa lalaking inakala niyang kilala niya. Ang estrangherong 'di niya inaasahang mamahalin niya ng lubusan.
Una at pangalawa sina Usting at Andong sa sixteenth roses dance ni Tonyang. Sumunod ang Greenwood boys at Leviste twins, mga kaklase niya at ang kaibigang si Marcus. Ika-fifteenth dance ni Tonyang si Ethan bago ang last dance niya— si Logan.
Nakayuko si Tonyang at hindi mapakali ng ngitian siya ni Logan.
"Logan, I'd like you to meet my one and only princess, Thalia."
"Pa, Tonyang," pag-tatama nito sa ama.
"My pleasure to meet you, princess,” anito.
"Tsk! Kita mo ‘to?” tinaas ni Tonyang ang kaniyang mga braso at pinakita ang kaniyang mga braso.” Mas malaki pa ang muscles ko kaysa sayo. So, don't call me 'princess.’”