TAWANG-TAWA SI TONYANG sa banat ni Logan. Alam niya na ang mga karakas ng mga American boy at ang pagdiga ng mga taga-Maynila. Kaya hindi lulusot ang pag-papacute nito sa kaniya.
But the moment he laid his hands to ask her for a dance nag-iba ang ihip ng hangin. Nang tumitig na ito sa kaniyang mga mata, parang naupos siyang kandila at nanghina ang mga tuhod niya. Mabuti na lamang Logan was quick enough na alalayan siya.
"Are you alright?" concern na tanong nito sa kaniya.
"Mm-hmm. . . yes. Masikip lang ang suot ko. Hindi ako sanay. Ang hirap huminga."
"You look. . ."
"I look?”
Tumingin si Tonyang sa mga tao sa paligid. Nakikitang niya ngingiti-ngiti si Ayesha habang sinisiko si Cheska. Noong isang linggo pa inis si Cheska pagkadating lamang nito galing California. Hindi niya raw expected na si Palito pala si Macoy niya na ang tawag namin ay Marcus.
Bata sila ng umalis si Cheska patungong Estados Unidos. Nagtatatrabaho na ito bilang receptionist clerk sa Schumer Aviation. Dahil doon kaya libre and pagbalik-balik nito sa Pilipinas.
Si Marcus naman ay kakauwi rin lang galing Cancun, Mexico. Maya-maya ay kinawayan siya ng mga kaibigan. Then, Ayesha motioned her fingers, putting them together as if telling her to kiss Logan. Iniripan niya ito at pinaikotan ng mga mata.
“I know, hindi bagay sa akin. Si mama kasi mapilit. Para akong nilagay sa lata ng sardinas. Hindi ako makahinga."
"You are drop-dead gorgeous, Thalia," ani Logan. Natawa si Tonyang sa papuri nito.
"Classic mambobola ka pala. Hindi Thalia. Ew! Ugh! Tonyang, call me Tonyang."
"Tonyang."
"Yeap, call me ‘Tonyang.’ You look great yourself, Kuya Logan," sagot ni Tonyang.
"Oh, come on. I am not that old. Dalawang taon lang ang tanda ko sayo. Drop the 'kuya' and call me 'Logan.' No, better yet call me ‘West.’ I don't think I would settle to be just-your-brother,"saad nito habang nakatitig kay Tonyang.
Matangkad si Logan, may itsura. Iyong mapapalingon ka kapag dinaanan ka niya. Kaya lang hindi siya baby face. Matured itong tingnan. Marahil sa stress na dulot ng pagaaral ng medisina.
Matangkad rin si Tonyang kagaya ni Logan. Minana niya iyon sa kaniyang ama. Mas matangkad siya kaysa Ayesha at Cheska. Balingkinitan ang katawan at may kurbada. Iyon nga lang masahol pa sa maton kung magsalita at maglakad.
Titig na titig ang binata kay Tonyang. Sa paningin niya napaka-ganda ni Tonyang. Hindi naman siguro tututol ang mga magulang nito kung aakyat siya ng ligaw.
Then he muttered,"nahulog na yata ang puso ko."
May kaya naman ang pamilya niya. Their parents knew each other. Iyon nga lang they had a family feud nadamay lang naman ang tatay niya. But everything is in good standing now. Magkasusyo na nga sa negosyo ang mga ito.
"You're so funny. Saan naman nahulog? Hindi ko tuloy na salo."
Pag-uusap at kulitan nila habang sumasayaw. Tawang-tawa si Tonyang sa punchline nito—classic playboy style.
"Sa puso mo."
"Hala siya! Playboy birada. Laos na ang ganiyang linya. Try to think of something else, Logan. Hindi papasa sa akin ang mga ganyang classic playboy punchline mo."
"Seryoso. I like you,” diretsong wika nito.
Walang paligoy-ligoy. Iyon ang gusto ni Tonyang kung gugustohin niya man ang isang lalaki. Bagaman hindi sila lubos na magkakilala. They are complete strangers to each other. Subalit magaan ang loob niya sa kasayaw.
” I like you, Antoinette Thalia.”
"Ngayon lang po tayo nag-kita mamang doktor," pang-aasar ni Tonyang.” We are complete strangers and—” kunot ang noo ni Tonyang subalit wagas ang kaniyang ngiti. Sobrang kinikilig na siya at gusto niya ng magtatalon sa tuwa,”—how did you know my full name?”
"Resources,” aniya.
Ngumiti ito sa kaniya ng wagas katulad sa pagkakangiti niya rito. Feeling ni Tonyang nagpa-fan girling siya katulad ni Ayesha at Cheska kapag nakikita ang crushes nila. Hindi pa ni Tonyang nararanasan ang pakiramdam na kumakalabog ang kaniyang puso. Iyong rinig rinig niya ang bawat pagtibok nito. Bago iyon sa kaniya at hindi niya sigurado kung ano ba ang dapat ikilos niya.
“Hmmm. . .resources? Sino? Si Papa?”
“Batid ko magandang dilag ngayon lang tayo nagkitang muli. Subalit binihag mo ang puso kong sawi."
"Ang korni mo!"
Ngitian siya nito.Walang kurap ang titig nila sa isa’t isa. Waltz ang sinasayaw nilang dalawa. Pinaikot siya nito ng ilang ulit. Matapos ay ginawa pa iyong stunt na siya ay liliyad. Muntik pa siyang matumba sa ginawa nito. Mataas ang takong ng kaniyang sapatos at hindi siya sanay suotin iyon.
Patuloy sila sa pagsasayaw. Maya-maya pa hindi nakatiis si Tonyang sa suot na sapatos. Sininyesan nito si Usting na lumapit sa kaniya.
“Bakit mahal na prinsesa? Nauuhaw ka ba?”
“Hindi. Can you get me my sneakers shoes? Please. Ang sakit na ng paa ko, Usting.”
“Saan nakalagay? Ano’ng kulay?”
“Ano’ng bagay? Bahala ka na, Usting. I can’t handle these shoes anymore. Bilisan mo na.”
“Wait, I’ll be back,” ani Usting.
Hindi na nakatiis si Tonyang. Mabilis niyang tinanggal ang highheeled shoes. Matapos tinapon sa may halamanan.
” What are you doing?” gulat na tanong ni Logan kay Tonyang.
“Shhh! Para hindi makita ni mama,” wika niya.
“Your bare foot, Thalia. Magkakasakit ka sa ginagawa mo,” concern na anas ni Logan sa dalaga.
“Shhhh! ‘Wag ka ngang maingay. Walang nagkakasakit sa naka paa. Sa nakikipaghalikan mayro’n,” sagot ni Tonyang.
“Through kissing may nagkakasakit? Saan mo naman nakuha ang theory na ‘yan?” natatawang tanong ni Logan.
“Sa. . .sa . . . sa ano . . . sa novels at telenovela. Sinabi rin ‘yon ni Cheska kay Marcus,” anas ni Tonyang.
Hindi alam ni Tonyang kung bakit napaka-comfortable sa pakiramdam niya na makipagkulitan kay Logan. Para silang matagal ng magkakilala. Sa tingin niya mas close na sila kaysa sa ultimate crush ni Cheska na best friend niya rin. Ang pinagkaiba lang nila ni Cheska ay nagpaubaya ito kay Ayesha. Ilang sandali pa dala na ni Usting ang kaniyang paboritong sapatos.
“Here’s your shoes,” ani Usting, sabay about nito sa sakniya.” Saan mo nilagay ‘yong high heels mo?”
“Tinapon ko,” ani Tonyang na tumatawa pa.
“Ti-na-pon-mo?!” gulat na tanong ni Andong ng makalapit ito kay Tonyang.