Kabanata 4: Sandalyas

1289 Words
KASAMA SI USTING at Andong ng bilhin ng ina nila ang sapatos na gagamitin ni Tonyang sa birthday party nila. It’s a Christian Louboutin T-strap stilettos. A Goldora embellished sandals that are worth 1295 dollars. “Usting, sapatos lang ‘yon. Ba’t ba nagagalit ka?”inis na tanong ni Tonyang. Sapatos lang iyon. Nagagalit na ang mga kapatid sa kaniya agad. Namumula na ang tainga ng kapatid kaya alam niya na galit na ito. Si Andong naman kapag inis na ay namumula ang ilong. “Sixty-five thousand pesos stilettos, tinapon mo lang?” “Ano?! Magkano?” “Narinig mo, Tonyang. Kailangan ulit-ulitin? Saan mo tinapon?” “Diyan sa may bushes,” ani Tonyang. Tutulongan sana ni Tonyang si Usting na maghanap ng sapatos na tinapon niya. Subalit pinigilan siya nito. Nakonsensya siya agad sa kaniyang ginawa. Hindi niya naman akalain na ganoon kamahal ang sandalyas na binili ng kaniyang ina. ” Ako na lang. May allergy ka sa talahiban,” nag-aalalang tugon ni Usting. “Sorry na. Hindi ko naman alam ganoon ‘yon kamahal. Ba’t ba kasi ‘yon binili ninyo?” “Aba, malay ko! Itanong mo kay Mama.” Lumapit naman si Carmella kasama si Ethan. Magkahawak kamay ang dalawa. Dinaig pa nito ang mga teenagers kung maka pag-public display of affection. “Ano’ng nangyayari rito?” Tanong ni Carmella habang nagkukumahog si Usting na hanapin ang pares ng sandalyas sa talahiban. “Wala po. Tinapon lang naman ni Tonyang ‘yong Loubuotin na sandalyas na binili natin sa Manhattan.” “Tinapon mo, Antoinette?” napabulyaw si Carmella sa narinig. “Hon, it’s just a shoe,” pagpapakalma naman ni Ethan sa asawa. Gusto nang pingutin ni Carmella si Tonyang sa tenga subalit nakita nito ang wagas na ngiti sa mga labi ng anak. Tila kinikilig ito sa binatang katabi nito. “Hindi lang ‘yon basta sapatos. Nakipagbuno pa ako doon sa isang mamimili. I know that shoes is perfect for our daughter,” paliwanang ni Carmella sa asawa. “Mama. Bakit naman po kasi ang mahal ng binili ninyong sandalyas? Hindi ko naman ‘yon magagamit.” “Oh, because I can use them after your party, anak,” aniya. Tonyang rolled her eyes matapos marinig iyon sa ina. Paminsan talaga parang hindi nanay ang nanay niya.Para lang silang magkapatid. She’s as tall as Carmella sa edad na diseseis. Matatangkad rin ang mga kakambal niya kagaya ng kanilang Papa at Lolo Noah. Nagmana sila sa kanilang ama. Matangkad si Ethan. Mabuti na lamang matangkad rin si Logan kaya babagay sila. “Ah, ‘yon naman pala, hon. So, you bought the shoes for you, not for our daughter,” ani Ethan. Ngumiti lang ito sa asawa matapos ay inutusan si Andong at Usting na hanapin ang sandalyas. “Andong, Usting. Hanapin ninyo,” ani Carmella. “Hinahanap na po, Ma,” ani Usting. “Kahit kailan talaga Tonyang. . . pahamak ka!” wika ni Andong. “Maghanap ka na lang riyan. Nagrereklamo ka pa,” sagot ni Tonyang habang sinusuot ang pulang Chuck Taylor converse shoes. Maya-maya pa lumapit na si Ayesha at Cheska. ” We’re sleeping over,” ani Ayesha. “Mauuna na kami sa room mo, Tonyang,” paalam ni Cheska. “Okay. Susunod ako,” sagot ni Tonyang sa dalawa. Lumipas pa ang ilang oras. Hindi matapos-tapos ang kuwentohan nilang dalawa. Tila hindi maubos-ubos ang kuro-kuro ng bawat isa. “I wish my parents are as cool as yours,” sambit ni Logan. “I remember cool naman si Tita Sitti,” ani Tonyang.” Hindi ba? You guys were baking together sa baking kiddie show the first time I saw you. It was in Washington, pa.” “That was years ago. Natatandaan mo pala? Hiyang-hiya ako noon kaya nag-walk out ako.” “Oh, akala ko galit ka sa akin,” saad ni Tonyang. “Hindi, ah. Nagsungit-sungitan lang.” “Kunwaring masungit? Bakit? Nagpapansin ka?” “Akala ko papansinin mo—,”tumigil ito at nginitian si Tonyang,”—ako.” “You are so childish,” natatawang turan ni Tonyang. “Mga bata pa naman tayo noon. Malay ko bang hindi obra sayo ang pagiging masungit.” “You are so funny. Anyway, so, what happened? Bakit hindi na cool si Tita Sitti?” “My mother found out my father still has a connection with the underground organization. Akala ni Mama tinigil na ni Papa after akong makidnap noon. We were a happy family until Mama found out Daddy’s secret.” “Ano ‘yong underground organization?” tanong ni Tonyang na puno ng kuryusidad. “Your father told just graduated high school. So, what are you planning to take in college?” pag-iiba ni Logan sa usapan. “Hmmm. . . culinary arts sana sa France kaso ayaw ni Papa,” ani Tonyang. “Ano na lang ang kukunin mo?” “HRM siguro or maybe Business Management. Since, hotels at resorts naman ang negosyo namin maliban sa hacienda at rancho.” “Iyan ba talaga ang passion mo?” tanong ni Logan. “Hmmm. . .Ummm. No,” umiling si Tonyang.”Gusto ko talaga maging doktor katulad ni Papa. Eh, kaso hindi kataasan grades ko. Bulakbol kasi ako. Mas madami kalokohan kaysa magaral,” paliwanag ni Tonyang.”Pangarap ko maging doctor ng mga bata kahit nga nurse ng mga bata na lang. Okay na ako roon.” “I’ll help you,” ani Logan. “Talaga? You’ll be my private tutor?” “Oo, naman. Kaso kung dito. I don’t think it’s possible,” paliwanag ni Logan. “Oh, I’ll make paalam kay Papa sa Manila na ako mag-aaral. Makakahabol pa naman siguro ako sa entrance exam sa school mo.” “Sa school ko?” “Oo, ‘di ba kahit resident doctor na. Nagka-campus schooling pa rin? I mean, you are still studying, am I right?” “Yes, but not in the campus. Sa hospital na kami nag-aaral one on one sa mentor namin. We have a few classes sa campus pero hindi araw-araw. It’s more clinical. So, ospital ang campus namin.” “You mean para ka palang working student? Nag-aaral habang nagwowork?” “Pagpalagay na nating, yes. Sumasahod naman ako. So, I guess, yes.” “Logan! Antoinette Thalia!” tawag ni Ethan. “Pumasok na kayo sa loob. It’s starting to drizzle. Nakauwi na ang mga bisita. Wala na rin tugtog. Sumasayaw pa rin kayong dalawa.” Nagkatinginan si Logan at Tonyang. Para palang musika ang paguusap nilang dalawa. Wala na ngang katao-tao sila na lang dalawa sa hardin. Maliban kay Usting at Andong na nagtatalo abutin iyong isa pang piraso ng sandalyas na tinapon niya. “Pilya ka pala,” ani Logan. “Bakit? Hindi ba halata?” sagot ni Tonyang. “Hindi. Mukha kang anghel para sa akin,” aniya. Hindi lang puso ang tumitibok kay Tonyang. Pati tiyan niya nagkarambola na. Her face reddening she could feel the heat while she’s blushing. Logan complementing her beauty right before her is beyond what she expected. Alam niya naman na maganda sadya nga lang na hindi siya pala ayos katuld ni Ayesh at Cheska. ”Gutom lang ‘yan. Tara ice cream tayo,” alok ni Tonyang. Matapos kumain sa kusina. Nagpaalamanan na sila sa isa’t isa. “Goodnight, my queen.” “Kanina prinsesa. Ngayon naman upgraded na? Reyna? Bet ko ‘yan. Goodnight, West.” “Goodnight, Tonyang,” sagot nito. “Sana pala sunset ka na lang,” ani Tonyang. “Bakit?” naguguluhang tanong ni Logan. “Because the sun rises on the east and sets on the West. Night!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD