Kabanata 5 | Kaibigan Lang

1023 Words
KINABUKASAN NAGYAYA SINA Cheska at Ayesha na magpiknik sa tabing-ilog. Madaling araw pa lamang ay nagising na ang dalawa. Binulahaw nito agad si Tonyang na natutulog pa. They had a girl slumber night. Tradisyon na nila iyon tuwing kaarawan ng isa't isa. "Tonyang gumising ka na!" Pambubulahaw ni Ayesha habang niyugyog nito ang kama. "Ayesha, I'm sleeping in. Ang aga -aga pa," reklamo ni Tonyang. "Come on. We need to prepare food for our picnic." "Prepare food? Great word! As if marunong kayong dalawa magluto." "Kaya ka nga ginigising para ikaw ang magluto," sabad ni Cheska. "Katulong n'yo ba ko? No! Kayo mag-prepare. Since kayo nakaisip," ani Tonyang. Dumapa ito at naglagay ng unan sa ulo. Sadyang tinakpan niya ang tenga sa ingay ng kaibigan. Ilang segundo lang na-upo ito. Inayos ang magulong buhok at nag-inat inat ng katawan. "Gisingin ninyo si Usting at Andong. Sila paglutuin ninyo." "Tonyang, please," paki-usap ni Ayesha," baka sunog ang kainin namin. "Oh no! Hindi n'yo pa ba natikman ang luto ng dalawa?" Tanong ni Tonyang habang nagiinat ng katawan. Kay ganda ng kaniyang panaginip naputol lamang ng dahil sa pangbubulahaw ng dalawa. "Nope," sabay nitong sagot. "Tayo lang tatlo?" "Nuh-uh, your brothers and Logan too," sagot ni Ayesha. "Isasama natin si West?" "Hindi ba Logan name niya?" "Yes, but he prefers me to call him West." "Uy, may endearment na agad sila," ngiti-ngiti si Ayesha habang sinuklay ng mga daliri ang mahabang buhok nito,"crush mo, noh?" "Ayesha, ako? Crush ko? Hindi ah! Mas kilos lalaki pa ako kaysa sa kaniya. Nooo! Nooo! Capital N . . . O!" SAKTONG PALABAS SI Logan ng pintuan ng marinig niya ang tilian ng mga babae sa kaharap na kuwarto. Maaga siya magising kahit noong nasa Amerika pa. Body clock niya na ang magising nga alas-kuwatro ng umaga upang mag-jogging. Natigilan siya sa paglalakad pababa sa hagdan when one of the girls mentioned his name. Dahan-dahan nitong idinikit ang tenga sa pintuan ng kwarto ni Tonyang. Rinig na rinig niya ang usapan ng tatlo. Marahil ay sila lamang sa palapag na iyon dahil madaling araw pa lamang ay para na siyang nasa palengke. Ang lakas ng boses ng mga ito na parang may mikropono. "Pero gusto mo?" "Nah, Ayesha! His sense of humor is. . . er, a classic Manila boy. Sa hilatsa ni West. Naku! Panigurado . . . playboy." Sa loob-loob ni Logan hindi siya Manila boy dahil laki siya sa Boston. Walang paligoy-ligoy. Direct to the point. Hindi naman siya nag patorpe-torpe pa. He does like Tonyang, and he was vocal about his feelings last night. But it seemed hindi naman interesado ang dalaga sa kaniya. "Baka hindi naman.Ilang taon na siya?" "Gosh, older! Two years older than us . . . Uhm. . .eighteen?" Kunot noo habang nakataas ng kilay na sagot ni Tonyang sa dalawa. "Diseotso pa lang?" gulat na sabi ni Ayesha. "Yes, eighteen." "He looks so young to be a resident doctor. Parang mid-20's na siya. Baka naman his bluffing about her age, Tonyang.” "Too bad even if . . . well, say I have a crush on him. Kaso hindi puwede because we can only be friends. Just,” sumimangot si Tonyang at mukhang dismayado,” kaibigan lang, Ayesha." "Tonyang,kitang-kita namin sa mga titig niya sayo kagabi. He likes you." “I think,” anas ni Cheska matapos ay lumapit kay Tonyang. “I think he likes you very much.” Ilang sandali pa ay natahimik na ang tatlo kaya umalis na Logan. Magpapaikot-ikot na lamang siya mula sa mansion hanggang sa gate nito ng makailang ulit. Wala siyang alam sa lugar. He's father always reminded him to be vigilant of his sorroundings. He's mafia rivalrys’ might be around in any corner where he goes. JUST A FRIEND. Matapos ang sayaw sa kaniyang sixteenth roses kinausap siya ng ama.Bakasyon lamang raw ang pakay ni Logan sa hacienda at hanggang doon lang iyon. Pansin nito ang harutan nilang dalawa sa dance floor. Tonyang's father said Logan is already engaged. Hindi naman makapaniwala si Tonyang dahil ang sabi nito he's brokenhearted. Idagdag pa ang pag-amin nito ng nararamdaman para sakaniya. "Ano'ng gusto n'yong pagkain for the picnic?" Iniwasan ni Tonyang sagutin si Ayesha. Ramdam niya rin ang payapyaw na pasaring ni Logan habang sila'y nagsasayaw ng waltz."Ayesha, should I invite. . . Macoy?" Nag-twinkle ang mga mata ni Ayesha sa excitement. Makaraan ang ilang segundo napalitan rin iyon agad-agad ng lungkot. "Hindi 'yon pupunta. Sasabihin niya maraming gagawin. Mag-dadahilan.Mag-imbento ng alibi maiwasan lang ako. Saka graduating siya baka nag-aaral pa." "Ayesha, graduate na. Pinagsasabi mo riyan?" ani Tonyang. Hindi naman pinansin ni Tonyang ang paghihimutok ni Ayesha. Mapapasama niya ang kaibigan si Macoy. Hindi ito nakakahindi sa kaniya. Macoy treats her like his younger sister at magkasundo sila. Dahil siguro kilos lalaki siya at mga interes niya ay patungkol sa hacienda at hindi sa mga beauty products at trendy clothes. Tulongan sana siya ng Maykapal ng idadahilan para sumipot ito sa tabing-ilog. She wanted to make Ayesha happy. Parati kasi itong malungkot. Madalas na nasa trabaho ang kaniyang mga magulang. Bumalik sa pagmomodelo ang ina nito at ang kaniyang ama naman ay parating nasa out of the country meetings. Kaya nakapisan siya sa kaniyang Lola Binday. Ang surrogate mother ng kaniyang ina. NAGMAMADALING NAGBIHIS SI Tonyang matapos ay kinalampag ang pintuan ng kaniyang mga kapatid. May kaniya-kaniya naman itong kuwarto subalit pinahiram ni Usting ang kaniyang silid kay Logan kaya nakitulog ito kay Andong. “Tonyang, ano ba? Ang aga-aga,” bulyaw ni Andong sa kapatid. “Magpapatulong sana ako maglugot ng pagkain na dadalhin sa piknik,” malambing na wika ni Tonyang matapos ay hinalikan sa pisngi si Andong. “Ew! Kadiri ka. Nag-toothbrush ka na ba?” “Nakapag-toothbrush na with mouthwash pa,” sagot ni Tonyang. Kailangan fresh breath baka makasalubong niya si Logan at batiin siya nito. Nakakahiya naman kung sabog na nga ang buhok niya badbreath pa. “Please, tulongan ninyo na ko,” pakiusap ni Tonyang sa dalawa. “Ano bang lulutuin?” “Eh, hindi ko alam kay Cheska at Ayesha kung anong gusto nila.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD