"Oh ba't nagtatrabaho ka na, Jang? Sigurado ka bang kaya mo na?" tanong ni Charlotte sa binata. "Malakas na ako, Ma'am. Nakakahiya pong ako lang ang nakatambay samantalang busy silang lahat." Napayuko si Jang dahil na rin sa totoo namang siya lang ang nakatambay ngunit ang mga kasamahan niya including their Boss ay nagtatrabaho. "Hmmm, maari mo nang iangat ang ulo mo. Kung hindi ako nagkakamali ay magkaedad lang tayo. Kaya't Charlotte na lang ang itawag mo sa akin. Saka maari bang huwag kang yumukod sa akin? Aba'y hindi naman ako Diyos para yukuran mo. All of us were created equally. So, don't vow on me," pahayag ng dalaga saka bahagyang sinigurado kung okay na nga ba talaga ang kanailang ampon. "Nakakahiya naman po, Ma'am, kung basta na lang kita tawagin sa pangalan mo samantalang ika