"I'm so sorry, Raso my friend. Nang dahil sa akin ay nalagay ka na rin sa panganib. Alam kong kaligtasan ko ang iniisip mo. But in return of your loyalty to me, I'm letting you go home in Germany. Oras na mananatili ka rito sa Korea ay baka matulad ka lang kay Geum." Napatungo si Senator Gaesamun sa kaisipang nang dahil sa kaniya ay nadamay ang kaibigan. Aminado siyang kasalanan niya ang lahat. Mula pa kay Geum at sa supling nilang si Jang. It's his responsibility at all. Therefore, he needs to endure. "Kung babalik ako sa Germany ay wala ka ng kasama rito, Aja. Isa pa ay umaasa akong buhay ang pamangkin ko." Salungat ni Raso sa kaibigan. Ipinagtapat niya sa kaibigan ng buong-buo ang narinig na konbersasyon ng magulang ay asawa nito. Ngunit sa kaibutuwiran ng puso niya ay nag-aalangan ku